Di Niyo Ba Alam – Isang Tula Tungkol sa Diyos

DI NIYO BA ALAM – Ang ating Diyos ang lumikha ng lahat sa atin pati na ang ating kapaligiran. Sa tulang “Di Niyo Ba Alam” matutunghayan natin ang mga bagay na nilikha ng Diyos para sa atin. Siguradong kapupulutan ito ng aral ng ating mambabasa.

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan.

Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Di Niyo Ba Alam - Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022
Isang Tula Tungkol sa Diyos

Sana maging inspirasyon natin itong tula tungkol sa Diyos para pagtibayin ang ating pananampalataya at paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Di Niyo Ba Alam

Di niyo ba alam
na nang pasimula ay nilikha ng Diyos
ang langit at ang lupa?
Na ang mundong ito’y
Kanyang binigyan ng hugis at anyo
gamit lamang ang mga salitang
dumaan sa Kanyang bibig?
Na nung sinabi Niyang, “Magkaroon ng liwanag!”
Nagkaroon nga.

Di niyo ba alam
na kaya Niyang humarang
sa agos ng dagat,
ipaawit ang mga bituin,
ipaluhod ang bulubundukin?

Di niyo ba alam
na ang kapangyarihan na ito,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para ibuo ang mga planeta,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para tigilan ang pag-akyat ng buwan
nung lumalaban sina Joshua,
ang kapangyarihang ginamit Niya
para bigyan muli ng buhay ang yumao
ay nasa atin din?

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.

Buod ng Tulang Di Niyo Ba Alam

Ang tulang “Di Niyo Ba Alam” ay tungkol sa mga bagay na nilikha ng Diyos at ang Kanyang kapangyarihan. Isinasaysay sa tula ang mga kayang gawin ng ating Panginoon tulad ng pagbibigay sa atin ng liwanag at ang pag-ikot ng mundo.

Sa kadakilaan ng ating Panginoon, pati ang demonyo at ang harang ng impyerno ay natumba. Sa mga kadahalinan na ito, hinihimok ng may akda na sambahin natin ang ating Diyos

Aral ng Tula

Ang aral ng tula na ito ay sambahin natin ang Diyos dahil Siya ang lumikha ng lahat at Siya ay dakila. Lagi nating pahalagahan ang ating Diyos at ang ating pananampalataya.

Summary

Ang tulang Di Niyo Ba Alam ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment