Bayang Sinilangan – Tula Tungkol sa Pagmamahal sa Bayan [Buod at Aral]

BAYANG SINILANGAN – Ang pagmamahal sa ating bayan ay isang napakadakilang uri ng pagmamahal na tanging mamamayan lang ng Inang Bayan ang makakabigay. Ang tulang “Bayang Sinilangan” ay isang tulang nagpapahiwatig ng pagmamahal sa bayan. Isinulat ito na ni Mga Anak ni Rizal (MAR)  at siguradong magbibigay inspirasyon sa ating mga kapwa Pilipino!

Ang pagmamahal sa bayan ay isang malaking tungkulin na dapat gampanan ng bawat Pinoy. Ito ay dapat na isaisip at isapuso nating lahat. Ang pagmamahal sa bayan ay isang bagay na dapat huwag nating ikahiya at dapat natin itong ipagmalaki. Kahit sa pinaka-simpleng paraan ay mahalagang ipakita natin ang pag-ibig natin sa Inang Bayan.

Bayang Sinilangan - Tula Tungkol sa Pagmamahal sa Bayan [Buod at Aral]
Bayang Sinilangan – Tula Tungkol sa Pagmamahal sa Bayan [Buod at Aral]

Ating tunghayan ang tulang “Bayang Sinilangan” na siguradong makapagbibigay inspirasyon sa ating mga Pilipino na maging makabayan at maging isang Proud Pinoy!

Bayang Sinilangan – Buod at Aral ng Tula Tungkol sa Pagmamahal sa Bayan

At ito ang tula na pinapamagatang “Bayang Sinilangan”.

Bayang Sinilangan

Ako ay Pilipino
Buong pusong minamahal ang aking sariling bayan
Paggalang at pagrespeto ay aking ihahandog
Para sa bayang aking sinilangan

Taglay nitong yaman ay hindi ko sasayangin
Pulu-pulong lupang lumulutang sa dagat
At mga bundok na natataniman ng mga halaman
Ay sapat lamang para sa ating pangangailangan

Kaya ating pangalagaan
Bayan kung saan tayo nagsimula
Dahil tanging hangad lang naman ng ating bayan
ay respetuhin at igalang ng lahat

Buod ng Tula

Ang tulang tungkol sa pagmamahal sa bayan na “Bayang SInilangan” ay nagsasalaysay ng kanyang pagmamahal sa bansa at kung paano niya aalagaan ang Inang Bayan. Sinasabi niya na ibibigay niya ang paggalang at respeto sa Inang Bayan sa pamamagitan ng pag-alaga ng taglay nitong yaman. Gagawin niya ito dahil hangad niya na respetuhin at igalang ng lahat ang Inang Bayan.

Aral ng Tula

Ang aral ng tulang “Bayang Sinilangan” ay mahalin at respetuhin ang Inang Bayan upang respetuhin rin ng lahat. Dapat ay manggaling sa ating mga Pilipino ang pagrespeto sa ating bayan upang ito ay madama ng lahat at gayun din ay makita ng ibang bansa.

Summary

Ang tulang pinamagatang Bayang Sinilangan ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal sa bayan. Ang tulang ito ay para sa ating inang bayan.

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Bayang Sinilangan – Buod at Aral ng Tula Tungkol sa Pagmamahal sa Bayan. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Reply

%d bloggers like this: