Bayan at Pag-asa – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

Bayan at pagasa – Sa gitna ng kaguluhan sa ating bansa, ang Panginoon laman ang ating kasangga sa pagkamit ng kapayapaan. Sa tula na pinamagatang Bayan at Pag-asa ni bluedreame27, sinasaysay niya ang kanyang mga katanungan tungkol sa bansa at ang pananampalataya niya sa Diyos. Siguradong kapupulutan ito ng aral ng ating mambabasa.

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Bayan at Pag-asa - Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]
Bayan at Pag-asa – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Bayan at Pag-asa – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022]

At heto ang tulang pinamagatang “Bayan at Pag-asa” ni bluedreame27.

Bayan at Pag-asa

Mga kaguluhan sa abang bansa natin
Mga suliranin na kay hirap isipin
Paghihirap ng bayan kaya bang pigilin?
Ano nga ba talaga ang dapat nating gawin?

Sapat na bang gunitain ang nakaraan?
Dito ba ay mayroon tayong natutunan?
Kapayapaan ba’y kailan makakamtan
Ano nga bang tunay na susi sa kaunlaran?

Gayunpaman ang Diyos ay di nagpapabaya
Pagasa sa atin ay di pa nawawala
Balang araw bubunga itong pagtitiyaga
Kaginhawaan ay atin ding mapapala

Pagasa na ito sa atin ay bubuo
Matibay na bayan at malakas na hukbo
Pitong libo isang-daan at pitong pulo
Ay Magkakaisa rin at magkakasundo

Tula tungkol sa Diyos ni BlueDreamer27

Buod ng Bayan at Pag-asa

Ang tulang “Bayan at Pag-asa” ni BlueDreamer27 ay nagpapahiwatig ng kanyang mga katanungan sa ating bansa. Sa kabila nito, ang kanyang pananampalataya ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa upang magkaisa tayong mga Pilipino.

Aral ng Bayan at Pag-asa

Ang aral ng tulang ito ay ang palakasin ang pananampalataya sa gitna ng mga problema. Kapag tayo ay binabato ng problema, ito ang tamang panahon na palakasin natin ang ating pananampalataya sa Diyos.

Summary

Ang tula na pinamagatang Bayan at Pag-asa ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Bayan at Pag-asa – Tula Tungkol sa Diyos Buod At Aral [2022] . Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment