Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022

Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin – walang katulad ang totoong pagmamahal at ito ay madarama lamang sa ating Panginoon. Kaya naman sa tulang “Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin”, isinasaysay ng may akda kung paano tayo minahal ng Diyos. Sigurado ang tulang tungkol sa Diyos na ito ay makapagbibigay ng aral sa inyo!

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin - Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022
Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral]

At heto ang tulang pinamagatang ” Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin”.

I.
Ang Diyos ay pag-ibig na alay
Na sa mga tao ay binigay
Ang pag-ibig ay ‘di mawawala
Kahit ang tao’y mamatay pa.

II.
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin
‘Di masusukat ng hanggang tingin
‘Di rin sa salita at awitin
Kundi sa kung paano sarili Niya’y
inalay para sa atin.

III.
Kung marami tayong napagdadaanan
Ito’y parte na ng ating kakayahan
At pagsubok para lumaban
Kasama Siya, ating landas at sandalan.

IV.
Sa kaligayahan, Siya’y huwag kalimutan
Pagkat sa kasaganahan, Siya ang dahilan
At ang kanyang pagmamahal ay walang katapusan
Mararamdaman mo ito, sa hirap at saya man.

V.
Maging maligaya ka dahil may buhay ka
Mangarap ka rin kasama Siya
At laging maniwala sa kanya
Pagkat ikaw tao, mahal ka Niya.

Tula tungkol sa Diyos ni Hannaheart

Buod ng Tula

Ang tulang ito ay isang tula tungkol sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Sa tula, sinasabi ng may akda na ang pagmamahal ng Diyos ay walang hanggan. Nandiyan ang ating Panginoon upang tulungan tayo upang harapin ang ating mga problema. Pinapaaalahanan din tayo ng may akda na huwag kalimutan ang ating Panginoon sa panahon ng ating kasiyahan. Maging maligaya tayo dahil tayo ay buhay at tayo ay mahal ng ating Panginoon.

Aral ng Tula

Ang aral ng tulang ito ay panatiliin ang pananampalataya sa ating Panginoon dahil tayo ay mahal niya. Hindi tayo pababayaan ng ating Diyos at lagi nating aalahanin SIya sa kasiyahan man o kalungkutan ng ating buhay.

Summary

Ang tula na pinamagatang Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Ang Pag-ibig ng Diyos Sa Atin – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment