ANG MAHIWAGANG EDUKASYON – Maraming iba’t-ibang halimbawa ng tula at marami sa ating mga Pilipino ang nawiwiling magbasa ng mga ito. Isa sa mga halimbawa nito ay siyang tatalakayin natin sa artikulong ito.
Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Ang Mahiwagang Edukasyon.” Ito ay isang halimbawa ng tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Medyobadgerl.
Sinasaad sa tula na ito na ang edukasyon ay mahiwaga kaya atin itong pahalagahan. Sa maikling salita, ang “Ang Mahiwagang Edukasyon” ay isang halimbawa ng tula tungkol sa pagpapahalaga sa edukasyon.

Ang Mahiwagang Edukasyon
Mahiwagang edukasyon
Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Medyobadgerl
Nagbibigay impormasyon
Upang matapos ang misyon
At maabot ang ambisyon
Ito ay pahalagahan
Nagbibigay kaalaman
Pumapasok sa isipan
Tulong sa pangangailangan…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tula na Ang Mahiwagang Edukasyon
Sa tula na ito, isinaysay ng may akda na ang edukasyon ay mahiwaga. Ito ay makakapagbigay sa atin ng kaalaman at solusyon sa kahirapan. Dapat natin itong mahalin sapagkat ito ay bigay ng poong maykapal at tanging pamana ng ating ama at ina.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay dapat nating pahalagahan ang edukasyon sapagkat ito ay makakatulong sa atin sa pag-ahon mula sa kahirapan at sa ano mang paraan.
Summary
Ang tulang ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa edukasyon. Ito ay makakapagbigay aral sa atin at ito ang tanging pamana ng ating ama at ina.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay marami kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan, kaklase, kapatid, anak, at mga kamag-anak. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!