Ang Hari (Spoken Poetry) – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022

Ang hari – ang isang hari ay hindi pinapapabayaan ang kanyang nasasakupan at ganito rin ang ating Panginoon. Sa tulang “Ang Hari (Spoken Poetry)”, sinasaysay ang pag-aalaga at pagmamahal ng ating Panginoon sa atin. Siguradong makapagbibigay ng aral ang tulang ito sa sinumang mambabasa.

Ang Diyos ang lumikha sa lahat. Siya ang nagmahal sa atin ng lubos. Siya din ang nagpatawad sa ating mga kasalanan. Bagama’t marami sa atin ang nakakalimot sa kanya kung minsan pero hindi parin Niya tayo kinalimutan. Kaya dapat na pasalamatan at pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Atin Siyang sambahin at mahalin ng walang hanggan.

Ang Hari (Spoken Poetry) - Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022
Ang Hari (Spoken Poetry) – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022

Sana sa pamamagitan nitong mga tula tungkol sa Diyos ay maging inspirasyon natin para pagtibayin ang ating pananampalataya, paglingkuran at mahalin Siya ng walang hanggan. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng tula tungkol sa Diyos.

Ang Hari (Spoken Poetry) – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral]

At heto ang tulang pinamagatang “Ang Hari (Spoken Poetry)”

Ang Hari (spoken word)

Babalik si Jesus at alam kung hinding hindi niya tayo bibiguhin. Babalik ulit siya para pagtakpan ang ating mga kasalanan. mag bibilang Ako ng hanggang Sampu. isa,dalawa. dalawang hakbang ang inialay niya  tatlo,baka tatlong beses ulit siyang ipagkakaila Apat,Lima hindi siya tumigil sa paghakbang para sa atin
Anim,pito,wallo,siyam,sampo
Hinding hindi ako titigil sa pagbibilang hanggang sa maramdaman niyo na tayo ngayon ay nawawala.At patuloy parin si Jesus sa paghakbang para lang mahanap niya at maipakita niya ang tunay na mukha ng Pag-ibig. Pag ibig na nagdala sakanya sa kapahamakan. Pag ibig na siyang dahilan sa paghihirap niya at sa  sugatan niyang Katawan. Pag ibig na kung saan nag simula ang lahat. At dahil sa sakripisyo niya tayo ngayon ay nandito. Kapatid hindi pa huli ang lahat may mga panahon kapang itama ang iyong nga nagawang kasalanan. maniwala ka. Hinding hindi ka niya pababayaan. Dahil siya ang Diyos at siya ang Diyos ng sangkatauhan.At ito ang sinabi. “Ako si Jesus ang simula ang at katapusan. Ako ang Buhay ang Daan at ang Katotohanan”
Marahil nagtataka ka kung bakit.bakit naging ganyan ang takbo ng buhay mo bakit naging ganyan bakit naging ganito. Kapatid uulitin ko hindi pa huli ang lahat. Tandaan ang balita ng Diyos na mas dapat pakinggan. isa puso, mahalin at higit sa lahat mas dapat tuparin. Wag kang mawalan ng Pag asa. At wag na tayong maglokohan pa. Dahil palagi siyang Nandiyan at hinding hindi siya mawawala para gabayan ka. Alam kung naniniwala ka. At alam kung didinggin niya ang iyong mga panalangin. Kapatid manalangin ka. Kayat hindi na natin kailangam pang humiling dahil matagal na niyang binigay ang ating Kagustuhan at iyon ay ang pagkakaligtas natin mula sa ating mga kasalanan. Alam kong alam mo na. Babalik at babalik si Jesus para sa atin. Ibabalik niya ang kapayapaan sa iyong mundo. Dahil siya ang ating Diyos wala nang iba.

Tula tungkol sa Panginoon ni 21st century

Buod ng Tula

Ang tulang “Ang Hari (Spoken Poetry)” ay isang tula na nagsasaad ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Sa tula, sinasabi ng may akda na hinding hindi siya titigil sa pagpapaalala na mahal tayo ng ating Panginoon. Ang Kanyang sakripisyo ay patunay na mahal Niya tayo. Hindi pa huli ang lahat upang tayo ay magbago at huwag mawalan ng pag-asa dahil nariyan ang ating Panginoon na gabay natin. Ibabalik ni Hesus ang kapayapaan at pagmamahal sa ating mundo

Aral ng Tula

Ang aral ng tula na ito ay magtiwala sa Panginoon dahil hindi Niya tayo pababayaan. Lagi lang tayo manalangin sa Kanya dahil mahal Niya tayo.

Summary

Ang tula na pinamagatang Ang Hari (Spoken Poetry) ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa Diyos at kapwa. Ang tulang ito ay para maipakita na dapat ay magpasalamat at mahalin ang Panginoon at kapwa.

Inquiry

Maraming salamat sa pagbasa ng Ang Hari (Spoken Poetry) – Tula Tungkol sa Diyos [Buod At Aral] 2022. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa ProudPinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Leave a Comment