ANG BITUIN SA KARIMLAN – Maraming iba’t-ibang halimbawa ng tula at marami sa ating mga Pilipino ang nawiwiling magbasa ng mga ito. Isa sa mga halimbawa nito ay siyang tatalakayin natin dito.
Ang artikulong ito ay tungkol sa tula na pinamagatang “Ang Bituin Sa Karimlan.” Ito ay isang halimbawa ng isang tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Nishel Dulalia.
Isinasaad sa tulang ito na ang edukasyon ang daan upang maabot natin ang ating mga pangarap. Sa maikling salita, ang tula na ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa edukasyon.

Ang Bituin Sa Karimlan
Ilang taon narin tayo naghihirap
Tula tungkol sa edukasyon na isinulat ni Nishel Dulalia
Tayo’y nag-aaral at nagsusumikap
Iyon ay ang mga pangunahing sangkap
Upang maabot ang mumunting pangarap
Doktor, Abogado, Sundalo at Guro
Ilan lang sa mithiin ng mga tao
Sila’y tinuturing na bagong bayani
Hatid ala’y kapwa baya’y nagbubunyi
Sa ngayo’y mas mahalaga ang numero
Ang nais ay pumasa kaysa matuto…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Ang Bituin Sa Karimlan
Sa tula na ito, isinaysay ng may akda na edukasyon ang daan upang maabot ang pangarap. Huwag tayong mawalan ng pag-asa at ating ipagpatuloy ang pag-aaral na may totoong natututunan bilang mga kabataan na pag-asa ng bayan.
Aral ng Tula
Ang kapupulutang aral sa tula na ito ay ang pagbibigay halaga sa pag-aaral. Huwag tayong susuko sa ating mga pangarap, gawin nating inspirasyon ang pagiging isa sa mga kabataan na pag-asa ng bayan.
Summary
Ang tulang ito ay isang halimbawa ng tula tungkol sa edukasyon bilang daan upang maabot ang pangarap. Magkaroon ng pag-asa at mag-aaral upang matuto bilang isang kabataan na pag-asa ng bayan.
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Marahil ay mayroon kayong natutunan sa tula na ito, maging sa aral nito. Sana ay maging gabay ninyo ito upang kayo ay maging matagumpay sa buhay.
Huwag itong kalimutang ibahagi sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons
- New Normal Sa Edukasyon
- Isulong Ang Bagong Edukasyon
- Ang Mahiwagang Edukasyon
- Tula Ng Isang Mag-aaral
- Edukasyong Mahalaga