Ako, Ikaw, at Ang Lahat – Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging makatao. Sa artikulong ito, matutunghayan natin ang isang tulang tungkol sa karapatang pantao. Ito ay isinulat ng bagong makatang Pilipino na si Omar Shariff Juaini. Siguradong kapupulutan ninyo ito ng aral.
Ang karapatang pantao ay isang bagay na dapat respetuhin nating mga tao. Ito ang mga prinsipyong gumagabay sa tao tungkol sa pagtrato ng kanyang kapwa at sa dignidad niya bilang tao.
Bagama’t marami pa rin ang mga taong lumalabag sa karapatang pantao lalo na sa kasarian at moralidad. Kaya mayroon tayong mga batas pumuprotekta sa karapatang pantao.
![Ako, Ikaw at Ang Lahat - Tula Tungkol sa Karapatang Pantao [Buod at Aral]](https://proudpinoy.ph//wp-content/uploads/2021/12/Tula-tungkol-sa-Karapatang-Pantao-Ako-Ikaw-at-ang-lahat-1024x631.png)
Sana sa pamamagitan nitong tula tungkol sa karapatang pantao ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng sumulat ng tula na ito.
Ako, Ikaw, at ang Lahat
Katangian ng Pilipino ang maging makatao
Lahat ay dapat magsikap upang maging maginoo
Sapagkat tayo ay ginawa ng iisang Diyos,
Tayo’y ginawa at tayo’y kayang gawing pulbos.Ang karapatang pantao ay ibinibigay sa lahat,
Tula tungkol sa karapatang pantao na isinulat ni Omar Shariff Juaini
Kaya’t obligasyon nating mga tao ang maging tapat…
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong tula.
Buod ng Tulang Ako, Ikaw, at ang Lahat
Ang tulang “Ako, Ikaw, at ang Lahat” ay isang tula tungkol sa karapatang pantao. Sinasabi sa tula na ang Pilipino ay likas na makatao at ang karapatang pantao ay binigay ng Diyos kaya dapat kailangan nating magsikap na magmahal ng kapwa natin.
Aral ng Tula
Ang aral sa tula na ito ay mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal mo sa sarili. Ang pagiging makatao natin ay isang biyaya na bigay ng Diyos kaya’t atin itong pagyamanin sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapwa.
Summary
Ang tulang pinamagatang “Ako, Ikaw, at ang Lahat” ay isang halimbawa ng maikling tula tungkol sa paggalang at kahalagahan sa karapatang pantao. Ang tulang ito ay para maipakita ang dapat na pagkakapantay-pantay ng moralidad ng ating mga kapwa-tao.
Inquiry
Maraming salamat sa pagbasa ng tula na ito. Para sa iba pang halimbawa ng mga tula, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at tula, dito lang sa proudpinoy.ph!