Tanka Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa Ng Mga Tanka

TANKA TUNGKOL SA PAG-IBIG – Tunghayan kung ano ang mga 5+ halimbawa ng tulang tanka tungkol sa pag-ibig sa sinisinta at bayan na may 5 7 5 7 7 na pantig sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanka ukol sa pag-ibig na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ano Ang Kahulugan ng Tanka?

Ang tanka ay isang uri ng tula ng mga Hapones. Nabuo ito noong ika-walong siglo at tinuturin ding isang maikling awitin na puno ng damdamin na nagpapahayag ng isang emosyon o kaisipan. Ang karaniwang paksa ng tulang ito ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.

Ang tulang ito ay may (5) limang linya at (31) talumpu’t isang pantig na nagbibigay ng kompletong pahayag ng isang pangyayari o kalagayan. Ang mga taludtod ay karaniwang nahahati sa pantig na 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkakapalit- palit din na ang kabuuan ng pantig ay 31.

5+ Halimbawa Ng Tulang Tanka Tungkol Sa Pag-ibig 5 7 5 7 7

Tanka Tungkol Sa Pag-ibig - 5+ Halimbawa Ng Tulang Tanka 5 7 5 7 7
Tanka Tungkol Sa Pag-ibig

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Tanka ukol sa Pag-ibig Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tanka.

Apoy ng puso
Sayo lamang nabuhay
Ikaw ang ilaw
Sa madilim kong buhay
Aking araw at buwan

Pagbabago
Ako ay magbabago
Dahil yon sayo
Pangako sayo mahal
Lahat ay alay  
Akin kang iniibig

Tanka tungkol sa pag-ibig ni anghell24

Pag-ibig
Ang pag ibig ko sayo
Ay walang katapusan
Dahil pang habang buhay
Ang pagmamahal
Ng aking puso

Ang pag-ibig ko
Ay para lamang sayo
Wala nang iba
Sana iyo’y madama
At mapasaakin ka.

Tanka Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa Ng Tulang Tanka

Minahal kang lubusan
Ako’y sinaktan
Di- napahalagahan
Di pa ba sapat
Pagmamahal ko’y sapat

Tanka ni Joselle Ann Magno

Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso

Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan

Naghihintay Ako
Naghintay ako, oo
Nanabik ako sa’yo.
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Tanka tungkol sa pag-ibig ni Prinsesa Nukada
Isinalin ni M.O. Jocson

Pag-ibig
Dahil sa buto
Nagkapino pa rito
Sa batong baog
Kung atin ang pag-ibig
Ano pa ang balakid?

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Konklusyon Ng Tanka Tungkol Sa Pag-ibig

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga halimbawa ng tulang tanka Tagalog. Ang tanka ay uri ng tula na galing sa bansang Japan. Ito ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at ginagamit pa rin hanggang ngayon.

Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tula gaya ng nandito, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment