TANKA TUNGKOL SA KALIKASAN – Ating tunghayan kung ano ang mga halimbawa ng tulang tanka tungkol sa kalikasan na may 5 7 5 7 7 na pantig sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanka ukol sa kalikasan na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.
Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.
Ano Ang Kahulugan ng Tanka?
Ang tanka ay isang uri ng tula ng mga Hapones. Nabuo ito noong ika-walong siglo at tinuturin ding isang maikling awitin na puno ng damdamin na nagpapahayag ng isang emosyon o kaisipan. Ang karaniwang paksa ng tulang ito ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.
Ang tulang ito ay may (5) limang linya at (31) talumpu’t isang pantig na nagbibigay ng kompletong pahayag ng isang pangyayari o kalagayan. Ang mga taludtod ay karaniwang nahahati sa pantig na 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkakapalit- palit din na ang kabuuan ng pantig ay 31.
5+ Halimbawa Ng Tulang Tanka Tungkol Sa Kalikasan 5 7 5 7 7

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Tanka Tungkol sa Kalikasan Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tanka.
Ang kagubatan
Dapat ay protektahan
Dapat ingatan
‘Di binabalewala
Ito’y ating tahanan
Ating ingatan
Tanka tungkol sa kalikasan ni Jaylord Ventura
Yaman ng kalikasan
Puno’t halaman
Ating pinagkukunan
Pagkain at tahanan
Biyaya ng kalikasan
Bundok sa parang
Mga tanim na halaman
Na Kumakaway
Biyaya ang mga bigay
Masaganang mga buhay
Kalikasan
Ang ating kalikasan
Dapat nating mahalin
At dapat alagaan
Upang ang buhay
Natin gumanda
Puno
Tanka ni mckoim
Sa isang puno,
May iba’t ibang ibon
Ang dumadapo;
Nang malagas ang dahon,
Isa-isang lumayo.
Tubig
Tubig ay alagaan
Huwag natin tapunan
Isda ay mamamatay
Paano na ba?
Magising ka na!
Ang kalikasan
Tulang tanka tungkol sa kalikasan ni Laine Vanie Upano
Alagaan, mahalin
Ito ay kailangan
Upang mabuhay
Para sa ating lahat
Hangin
Sariwang habgin
Sa balat dumadampi
Amoy sa ilong
Kaaya-aya lahat
Pati sa pakiramdam
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.
- Tanaga Halimbawa
- Tanaga Tungkol Sa Kalikasan
- Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig
- Kahulugan Ng Tanka
- Halimbawa ng Tanka
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga halimbawa ng tulang tanka Tagalog. Ang tanka ay uri ng tula na galing sa bansang Japan. Ito ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at ginagamit pa rin hanggang ngayon.
Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tula gaya ng nandito, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.