Kahulugan Ng Tanka – Ano Ang Kahulugan ng Tanka At Halimbawa Nito

KAHULUGAN NG TANKA – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan ng tanka sa Tagalog at halimbawa. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanka na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Ano Ang Kahulugan ng Tanka?

Ang tanka ay isang uri ng tula ng mga Hapones. Nabuo ito noong ika-walong siglo at tinuturin ding isang maikling awitin na puno ng damdamin na nagpapahayag ng isang emosyon o kaisipan. Ang karaniwang paksa ng tulang ito ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.

Ang tulang ito ay may (5) limang linya at (31) talumpu’t isang pantig na nagbibigay ng kompletong pahayag ng isang pangyayari o kalagayan. Ang mga taludtod ay karaniwang nahahati sa pantig na 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkakapalit- palit din na ang kabuuan ng pantig ay 31.

Kahulugan Ng Tanka – Ano Ang Kahulugan ng Tanka At Halimbawa Nito

Kahulugan Ng Tanka - Ano Ang Kahulugan ng Tanka At Halimbawa Nito
Ano Ang Kahulugan ng Tanka At Halimbawa Nito

Halimbawa ng Tanka

Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso

Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan

Ako’y gutom na
Para sa pagbabago
Ng ating bayan
Para sa ating bukas
Para sa kabataan

May isang langgam
Sa leeg gumagapang
Nahampas bigla
Hinanap ay nawala
Sa may kumot na pula

Tanka ni hyper_co

Naku gabi na
Dapat tulog na ako
Sa bukas naman
Sisimulan ang araw
Na may malaking ngiti

Kahulugan Ng Tanka At Halimbawa Nito

Walang magawa
Ika’y nasa puso na
At di aalis
Habang tumitibok pa
O, ang mahal kong sinta

Halimbawa ng tanka Tagalog

Ang kagubatan
Dapat ay protektahan
Dapat ingatan
‘Di binabalewala
Ito’y ating tahanan

Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayon taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na

Halimbawa ng tanka

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Ng Kahulugan Ng Tanka At Halimbawa Nito

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang kahulugan ng tulang tanka Tagalog at mga halimbawa nito. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo. Ang tanka ay uri ng tula na galing sa bansang Japan. Ito ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at ginagamit pa rin hanggang ngayon.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong tanka. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Kahulugan Ng Tanka At Halimbawa Nito 2022 Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment

Your email address will not be published.