Halimbawa ng Tanka Sa Tagalog

HALIMBAWA NG TANKA – Tunghayan kung ano ang tulang tanka at mga examples o halimbawa nito sa Tagalog 5 7 5 7 7. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanka na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon. Mayroong 5 na taludtod at 7 7 7 5 5, 5 7 5 7 7 o maaaring magkakapalit- palit din na ang kabuuan ng pantig ay 31 ang halimbawa ng tanka na magkatugma.

Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ano Ang Kahulugan ng Tanka?

Ang tanka ay isang uri ng tula ng mga Hapones. Nabuo ito noong ika-walong siglo at tinuturin ding isang maikling awitin na puno ng damdamin na nagpapahayag ng isang emosyon o kaisipan. Ang karaniwang paksa ng tulang ito ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa.

Ang tulang ito ay may (5) limang linya at (31) talumpu’t isang pantig na nagbibigay ng kompletong pahayag ng isang pangyayari o kalagayan. Ang mga taludtod ay karaniwang nahahati sa pantig na 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkakapalit- palit din na ang kabuuan ng pantig ay 31.

15+ Halimbawa ng Tulang Tanka Sa Tagalog 5 7 5 7 7

Halimbawa ng Tanka - 15+ Mga Halimbawa ng Tulang Tanka 5 7 5 7 7
Halimbawa ng Tanka

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Example o Halimbawa Ng Tanka Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga example o halimbawa ng tanka 5 7 5 7 7.

Walang magawa
Ika’y nasa puso na
At di aalis
Habang tumitibok pa
O, ang mahal kong sinta

Halimbawa ng tanka Tagalog

Ang kagubatan
Dapat ay protektahan
Dapat ingatan
‘Di binabalewala
Ito’y ating tahanan

Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayon taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na

Halimbawa ng tanka

Hindi ko masasabi
Iniisip mo
O Aking kaibigan
Sa dating lugar
Bakas pa ang ligaya

Tanka ni Ki Tsurayuki
Isinalin ni M. O. Jocson

Preso
Dati’y masamang tao
Ngunit ngayo’y nagbago
Kaya ngayo’y umayos
Ako’y babalik
Dahil sa Diyos

Tanka mula sa SJNHS Filipino 9

Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso

Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan

Ako’y gutom na
Para sa pagbabago
Ng ating bayan
Para sa ating bukas
Para sa kabataan

May isang langgam
Sa leeg gumagapang
Nahampas bigla
Hinanap ay nawala
Sa may kumot na pula

Tanka ni hyper_co

Naku gabi na
Dapat tulog na ako
Sa bukas naman
Sisimulan ang araw
Na may malaking ngiti

Ang kabataan
Ay pagasa ng bayan
Dapat ingatan
‘Di binabale wala
Upang may mapapala

Mundo ko na kay ganda
Mga tao’y masaya
Sa ilalim ng puno
Ako’y mag-isa
Nakalimot na

Tanka ni Ma Angelica Tenorio

15+ Mga Halimbawa ng Tulang Tanka

Katapusan ng Aking Paglalakbay
Napakalayo pa nga
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ng isip.

Tanka ni Oshikotchi Mitsune
Isinalin ni M. O. Jocson

Dumaan man ang araw
Ika’y hihintayin ko
Puso’y di pagpapalit
magpakailanman
Oh aking giliw.

Tanka mula sa SJNHS Filipino 9

Naghihintay Ako
Naghintay ako, oo
Nanabik ako sa’yo.
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Halimbawa ng tanka ni Prinsesa Nukada
Isinalin ni M.O. Jocson

Ikaw lang, sinta
Ang laman ng puso ko
Walang babago
Ikaw lamang at ako
Habang buhay na ito

Minahal kang lubusan
Ako’y sinaktan
Di- napahalagahan
Di pa ba sapat
Pagmamahal ko’y sapat

Tanka ni Joselle Ann Magno

Itong pagibig
Sa’yo lang nadarama
Sa’yo lang bigay
Pag-ibig ko na tapat
Nawa’y mahalin mo din

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga halimbawa ng tulang tanka Tagalog. Ang tanka ay uri ng tula na galing sa bansang Japan. Ito ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at ginagamit pa rin hanggang ngayon.

Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tula gaya ng nandito, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment