Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa ng Tulang Tanaga 7-7-7-7

TANAGA TUNGKOL SA PAG-IBIG – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang mga 5+ halimbawa ng tulang tanaga tungkol sa pag-ibig sa sinisinta at bayan na may 7-7-7-7 na pantig sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanaga ukol sa pag-ibig na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Ano Ang Kahulugan ng Tanaga?

Ang tanaga ay isang sinauna at maikling tulang Tagalog. Ito ay may instrukturang 4 na taludtod, binubuo ng pitong (7) pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makatang Pilipino. Naglalaman ito ng mga matatalinhagang salita.

Nagtataglay ito ng isang tugmaan na a-a-a-a, ngunit ang makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan – a-b-b-a, salitan – a-b-a-b at sunuran a-a-b-b.

Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa ng Tulang Tanaga 7-7-7-7

Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig - 5+ Halimbawa ng Tulang Tanaga 7-7-7-7
Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa ng Tulang Tanaga 7-7-7-7

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Tanaga ukol sa Pag-ibig Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tanaga.

NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

PAG-IBIG
Balagtas ay sumulat
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang at
‘to’y Pag-ibig na tapat

PAG-IBIG
Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.

Tanaga tungkol sa pag-ibig ni Emelita Perez Baes

Ating Pag-ibig
‘Di sa tayo’ng umibig
‘Di tayo’ng nag-alay –
Unang Dios sa pag-ibig,
Buhay n’ya’y kanyang bigay!

Makita kang lumuha
Mata ko’y mapaluha
Ang pag-ibig mo ina
Ay aking nadarama.

IKAW LANG
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Summary Sa Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga tulang tanaga ukol sa pag-ibig sa sinisinta at bayan. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo. Ito ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Filipino at pagnanais na mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura, sining at literatura.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong tanaga. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Tanaga Tungkol Sa Pag-ibig – 5+ Halimbawa Ng Tulang Tanaga 7-7-7-7 2022 Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment

Your email address will not be published.