Tanaga Tungkol Sa Kalikasan – 10+ Halimbawa Ng Mga Tanaga

TANAGA TUNGKOL SA KALIKASAN – Ating tunghayan kung ano ang mga halimbawa ng tanaga na tula tungkol sa kalikasan na may 7-7-7-7 na pantig sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanaga ukol sa kalikasan na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ano Ang Kahulugan ng Tanaga?

Ang tanaga ay isang sinauna at maikling tulang Tagalog. Ito ay may instrukturang 4 na taludtod, binubuo ng pitong (7) pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makatang Pilipino. Naglalaman ito ng mga matatalinhagang salita.

Nagtataglay ito ng isang tugmaan na a-a-a-a, ngunit ang makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan – a-b-b-a, salitan – a-b-a-b at sunuran a-a-b-b.

10+ Halimbawa Ng Mga Tulang Tanaga Tungkol Sa Kalikasan 7-7-7-7

tanaga tungkol sa kalikasan - 10+ halimbawa ng tulang tanaga 7-7-7-7
tanaga tungkol sa kalikasan 7-7-7-7

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang halimbawa Ng Tanaga sa Kalikasan Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng tanaga.

Kalikasan
Ganito nga ang hangin
Simoy na lalanghapin
Pilit panatilihin
Para sa buhay natin

Alon
Mistulang walang alat
Kung humalik ang dagat
Sa pampang, kung yumakap
Ay mahigpit, banayad

Ang ating kalikasan
Dapat nating mahalin
Para sa ating lahat
Ang buhay ay gumanda

TAG-INIT
Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

Tulang tanaga ni Ildefonso Santos

Dagat
Sa bughaw nitong pusod,
Naroon ang nalunod
Na alaala Sugod
Sa ilalim ng paglimot

PALAY
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

Tagalog tanaga ni Ildefonso Santos

KABIBI
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

Tanaga ukol sa kalikasan ni Ildefonso Santos

ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

Kawayan
Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.

Ating kalikasan,
Ating kayamanan.
Dapat alagaan,
Huwag babawasan.

Kumanta ang palaka
Naligo na ang pusa
Ngunit walang himala
Kung papatak ang awa.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang halimbawa ng tanaga na tula tungkol sa kalikasan na makakatulong sa inyo. Ito ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Filipino at pagnanais na mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura, sining at literatura.

Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tula gaya ng nandito, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment