TANAGA KAHULUGAN – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan ng tanaga sa Tagalog at halimbawa. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga haiku na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.
Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.
Ano Ang Kahulugan ng Tanaga?
Ang tanaga ay isang sinauna at maikling tulang Tagalog. Ito ay may instrukturang 4 na taludtod, binubuo ng pitong (7) pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makatang Pilipino. Naglalaman ito ng mga matatalinhagang salita.
Nagtataglay ito ng isang tugmaan na a-a-a-a, ngunit ang makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan – a-b-b-a, salitan – a-b-a-b at sunuran a-a-b-b.
Kahulugan Ng Tanaga At Halimbawa Tagalog

Halimbawa Ng Tanaga
TANAGA
Halimbawa ng tanaga
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.
Totoong sinungaling,
Tanaga ni Ildefonso Santos
At talagang malihim,
Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,
Katitibay kang Tulos
Halimbawa ng tanaga
Sakaling datnan ng agos!
Ako ay mumunting lumot
sa iyo ay pupulupot.
KURAKOT
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.
Ang isa sa kaaway,
Tanaga ni Ildefonso Santos
Na marami ang bilang,
Ang iyong pangilangan,
Ayan… katabi mo lang!
PASLIT
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
Konklusyon
Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang tanaga. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo.
Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tula gaya ng nandito, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.