Tanaga Halimbawa Sa Tagalog (Examples Ng Tanaga)

TANAGA HALIMBAWA – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang tanaga atmga examples o halimbawa nito sa Tagalog. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga tanaga na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon. Mayroong 4 na taludtod at 7 7 7 7 na pantig ang halimbawa ng tanaga na magkatugma.

Sadyang napakayaman ng wika nating mga Pilipino. Kahit na ang kagaya nitong klase ng tula ng mga banyagang Hapon ay nayakap natin at naging parte ng ating mayabong na wika.

Ano Ang Kahulugan ng Tanaga?

Ang tanaga ay isang sinauna at maikling tulang Tagalog. Ito ay may instrukturang 4 na taludtod, binubuo ng pitong (7) pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makatang Pilipino. Naglalaman ito ng mga matatalinhagang salita.

Nagtataglay ito ng isang tugmaan na a-a-a-a, ngunit ang makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan – a-b-b-a, salitan – a-b-a-b at sunuran a-a-b-b.

20+ Halimbawa Ng Tanaga Sa Tagalog 7 7 7 7

tanaga halimbawa - 20+ halimbawa ng tanaga (tanaga examples)
Tanaga halimbawa sa Tagalog 7 7 7 7

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang Example o Halimbawa Ng Tanaga Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga example o halimbawa ng tanaga 7 7 7 7.

TANAGA
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.

SANGGOL
Pag ang sanggol ay ngumiti
nawawala ang pighati,
pag kalong mo’y sumisidhi
ang pangarap na punyagi.

Tanaga ni Emelita Perez Baes

NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.

Tanaga na Tagalog

Kawayan
Naaayon sa kuwento,
Nilalang ay galing dito,
Walang pinto, puro kwarto,
Doble sarado-kandado.

PASLIT
Maraming mga bagay,
Na sadyang lumalatay,
Isip ko’y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?

TAG-INIT
Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

Tulang tanaga ni Ildefonso Santos

ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

Isip-Kolonyal
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha’y natali,
Sarili’y inaglahi.

IKAW LANG
Dasal ko sa Bathala
Sana’y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.

KABIBI
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

Tanaga sa Filipino ni Ildefonso Santos

INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.

Isang Birong Tula
Ako’y may tula
Mahabang-mahaba
Ako ay uupo
Tapos na po

FILIPINO
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.

PALAY
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

Tagalog tanaga ni Ildefonso Santos

TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?

Sipag
Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari.

PIPI
Puso ko’y sumisigaw
May bulong na mababaw,
Hindi naman lumitaw
Tinig ko’t alingawngaw!

PAG-IBIG
Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak,
nadarama’t nalalasap
ang pag-ibig na matapat.

Halimbawa n tanaga ni Emelita Perez Baes

WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingi’y pinsala?

Kurakot
Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi.

SLOW
Hindi ko rin malaman,
Hindi maunawaan
Mapurol kong isipan,
Isalang sa hasaan.

TUNAY NA YAMAN
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.

KAIBIGAN
Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

Tulang tanaga ni Emelita Perez Baes

Mataas Pa
Itong dumapong langaw
Sa tuktok ng kalabaw
Ay tiyak masisilaw,
Sa sikat na tinanaw.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Maliban sa paksang ito, narito ang ilan pa mga mga aralin na pwede niyong basahin.

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang tanaga at halimbawa nito na makakatulong sa inyo. Ito ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Filipino at pagnanais na mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura, sining at literatura.

Kung mayroon kayong talento sa paggawa ng tula gaya ng nandito, maaaring ibahagi ninyo sa amin at ng sa gayon ay maibahagi din namin sa dito.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Salamat sa palaging pagbisita sa aming websyt at sana ay marami kayong natutunan dito. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment