Uri Ng Talumpati At Mga Halimbawa

URI NG TALUMPATI – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang ibat ibang mga uri ng talumpati ayon sa layunin at pamamaraan sa Tagalog at mga halimbawa nito. Ito ay kinalap mula sa mga makatang Pilipino na siyang sumulat ng mga talumpati na ating ginagamit at nagbibigay inspirasyon sa atin ngayon.

Ano Ang Kahulugan Ng Talumpati?

Ang talumpati o speech sa Ingles ay isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan nagpapahayag ng kaalaman o impormasyon na pagpapahayag ng isang tao tungkol sa isang paksa. Mananalumpati ang taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

Ang talumpati ay itinituring na kumunikasyong pampubliko dahil ang mananalumpati ay nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Mayroong iba’t ibang klase ang talumpati, pinakapopular ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech). Ito ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.

Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag naman na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Uri Ng Talumpati - Iba't-ibang Mga Uri Ng Talumpati At Mga Halimbawa
Uri Ng Talumpati

Uri Ng Talumpati Ayon Sa Layunin

Narito naman ang tatlong (3) uri ng talumpati ayon sa layunin.

Uri ng Talumpati Ayon sa PamamaraanKahulugan
Dagli o ImpromptuIto ay isang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.
Maluwag o ExtemporaneousSa uri ng talumpati na ito, ang mananalumpati ay may panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
Pinaghandaan o PreparedSa uri ng talumpati na ito, maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.

Mayroong tatlong (3) uri ng talumpati ayon sa pamamaraan, ito ay ang dagli, maluwag at pinaghandaan.

Uri Ng Talumpati Ayon Sa Pamamaraan

Time needed: 2 minutes.

Ngayon na nalaman na natin kung ano ang kahulugan at uri ng talumpati ayon sa layunin, talakayin naman natin ang mga uri ng talumpati ayon sa pamamaraan.

  1. Talumpating Pampalibang

    Madalas itong binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo o kainan. Sa Uring ito, ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.

  2. Talumpating Nagpapakilala

    Kilala din ito sa tawag na panimulang talumpati. Ito ay karaniwang maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Pakay nitong ihanda ang mga tao at pukawin ang kanilang atensyon sa galing ng kanilang magiging tagapagsalita.

  3. Talumpating Pangkabatiran

    Sa uri ng talumpating ito ay gumagamit ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay. Ginagamit ito sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.

  4. Talumpating Nagbibigay-galang

    Ito ay magandang talumpati sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

  5. Talumpating Nagpaparangal

    Sa mga okasyon tulad pagbibigay ng parangal sa isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

    Ginagamit rin ito sa iba pang okasyon kagaya ng paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan, paglipat sa katungkulan ng isang kasapi, pamamaalam sa isang yumao at parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo.

  6. Talumpating Pampasigla

    Ang talumpating ito ang siyang pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro, isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro at isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani.

Ang talumpati ay may anim (6) na uri o pananalumpati ayon sa pamamaraan. Ito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala, pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.

Halimbawa Ng Talumpati

Talumpati Tungkol Sa Sarili
“Obra Maestra”

Kinikilala ng buong mundo ang larangan ng sining upang mabisang lunsaran ng pagiging malikhain at kahusayan ng bawat nilalang. Saklaw nito ang pagguhit, pagsayaw, pag-awit, pagpipinta, iskultura, at maging pag-arte.

Ngunit sa lahat ng sining na ito, isa ang pinakamagandang obra ang kinikilala ng daigdig—ang ating mga sarili. At ganito rin ang pananaw ko, na ako ang pinakamagandang obra na nalikha sa daigdig ng Panginoon.

Magandang obra ako sa kabila ng mga kamalian. Ang mga pinagdaraanan ko sa buhay ay mga nagsisilbing paraan upang ako lalong tumibay at maging produktibo…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Obra Maestra” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ito ay isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Obra Maestra. Ito ay isang halimbawa ng talumpati tungkol sa pagmamahal at pagpapakilala sa sarili. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.

Talumpati Tungkol Sa Pandemya
Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontlinres

Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga frontliner sa pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito.

Hindi alintana ang anumang pagod o panganib, walang patid ang pagtupad ng ating mga BAGONG BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin–ang mag-aruga, magligtas, at magpagaling sa ating mga kababayang may sakit, lalo na ang mga COVID-19 patients na lubos ang pangangailangan ng tulong at pagkalinga.

Sa simula pa lamang ng pandemyang ito, sila na ang unang nakasuong sa larangan ng digmaan— tinitiis ang pagod, sakit ng katawan, hirap ng loob. Lumalaban sila sa sariling pangamba, agam-agam, at pangungulila sa pamilya…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontliners” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Batay sa kung ano ang kahulugan, at mga ibat ibang uri ng talumpati ayon sa layunin at pamamaraan, narito ang isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontliners. Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa panahon ng pandemya (Covid 19). Ang talumpati tungkol sa edukasyon ngayong pandemya na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

Talumpati Tungkol Sa Droga
Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan

Para sa ating mga ordinaryong mamamayan hinihikayat ko kayo na makibahagi at gawing ang nararapat bilang isang responsableng mamamayan. Umpisahan natin ang pagpapalaganap ng disiplina at takot sa ating mga anak sa loob mismo ng ating bawat tahanan.

Ang batang busog sa aral at pagmamahal ng mga magulang ay malayong mapapariwara sa buhay. Huwag nating konsentihin ang mali na nakikita natin.

Ang problema sa droga ay hindi lamang suliranin ng ating gobyerno.Ang bawat isa sa atin ay may obligasyon. Huwag nating hayaan na darating ang panahon na mapapasama ang sinuman sa ating pamilya sa datos ng mga taong lulong at pinapatay ng dahil sa droga…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ito ay isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan. Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kabataan droga iwasan Tagalog.

Talumpati Tungkol Sa Edukasyon
Edukasyon ang Solusyon

Magandang araw po sa inyo!

Nawa po sa maikling pagkakataon na ibinigay sa akin dito ay makinig kayo.

Edukasyon.. Edukasyon.. Talaga bang mahalaga ito? Ano ba ang maitutulong nito sa ating kinabukasan? Maraming katanungan ang nais nating mabigyan ng kasagutan.

Tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayan, maraming nagsasabi nito. Ngunit, bakit maraming mga kabataan ang hindi nag-aaral? Nagiging tambay na lang sila at nalululong sa masamang bisyo…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Edukasyon ang Solusyon” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Batay sa kung ano kahulugan, at mga ibat ibang uri ng talumpati ayon sa layunin at pamamaraan, narito ang isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Edukasyon ang Solusyon. Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ngayong pandemya sa Pilipinas.

Talumpati Tungkol Sa Kabataan
Talumpati Para Sa Mga Kabataan

Naalala niyo pa ba ng mga kasabihan noon na “Ang kabataan ay pagasa ng bayan”? Marahil sa panahon ngayon, kinalimutan na iyan ng mga tao. Ang dating pagasa ng bayan ay naging sentro na ng mga maruming isyu ng lipunan.

Namulat na ang ilan na hindi na maasahan ang mga kabataan. Hahayaan kong ipabatid sa inyo ang mga isyu na ito na nagging dahilan ng negatibong pananaw sa mga kabataan ngayon.

Kalat ngayon sa mga urban na lugar ang mga grupo ng kabataang bumabasag sa katahimikan ng paligid. Sila ang mga grupo ng mga kabataan, mapababae man o mapalalaki, na tinatawag na Gang o Fraternity…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Talumpati Para Sa Mga Kabataan” sa pamamagitan pagpindot ng button sa ilalim.

Ito ay isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Talumpati Para Sa Mga Kabataan. Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kabataan ng sa Pilipinas. Ang talumpati tungkol sa droga ay para maipakita na ang mga kabataan magpukos sa pag-abot ng kanilang pangarap dahil sila ang kinabukasan ng ating bayan.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga uri ng talumpati ayon sa layunin at pamamaraan at kahulugan nito. Dagdag na rin ang mga halimbawa na makakatulong sa inyo.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment