Tunay Na Pag-ibig : Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

Tunay Na Pag-ibig – Ang artikulong ito ay isang talumpati na pinamagatang “Tunay Na Pag-ibig” Ito ay isa sa mga halimbawa ng isang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Sa talumpating ito, sinasaad ni Ianrhold07 ang mga bagay na ating nararanasan sa pag-ibig.

Ang “Tunay Na Pag-ibig” ay isang talumpati tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig.

TUNAY NA PAG-IBIG - TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG
TUNAY NA PAG-IBIG – TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pag-ibig.

Tunay Na Pag-ibig – Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

At ito ang talumpati na pinamagatang “Tunay Na Pag-ibig”

Tunay na Pag-ibig

Ikaw nga bang talaga? Isang simpling katanungan na maaaring magmulat sa ating lahat ng katotohonan . Anu nga ba ang salitang ito, maaaring ito’y bay magdulot ng kasiyahan o kalungkutan?

Ngayong tayo’y nasa high school year, dito natin mararadaman ang tinatawag na pag-ibig sa isang lalaki o babae man. Sa una pakiramdam natin ang saya-saya, sa tuwing makikita mo siya sa bawat oras, sa bawat sandali na ayaw mong lumipas. Syempre ito’y normal lamang sa isang tao, at minsan lamang mangyari ito sa parte ng buhay mo na kung tawagin ay “first love”. Sa bawat araw na lumilipas ay may mga pangyayari hindi inaasahan, yung una friends lang kayo ang close niyo sa isa’t-isa ni hindi kayo kayang paghiwalayin ng bagyo o ng kahit sino mang nagtatangkang pag-layuin ang landas niyong dalawa. Ang bawat araw ay puno ng kasiyahan, kaligayahan at harutan niyong dalawa, yung tipong parang kayo lang wala kayong paki-alam sa taong nasa paligid niyo, anu man ang sabihin nila. Hanggang dumating ang sandaling mahulog ang loob mo sa kanya, ngunit hindi mo kayang ipahayag ang tunay na pag-ibig na nadarama mo. Pero siya, simula nang malaman niyang may lihim kang pagtingin sa kanya ay unti-unting nagbabago ang pakiki-tungo niya. Bakit nga ba nagagawa ng isang tao ito? Ang sagot, simple lang hindi naman nating masasabing hindi kanya type kasi yong iba dahil na rin nahihiya siya sayo o may gusto siyang iba. Kaya tayong mga taong bigo, okay lang yan. Isipin na lang din natin na hindi siya yung taong itinakda na magmamahal sa atin habang-buhay,kunting paghihintay at darating din siya malay mo andyan lang siya sa tabi-tabi hindi mo lang napapansin. Bawat isa sa atin na naririto ngayon ay may tinatagong pag-ibig na hindi pa nabubunyag, hanggang kailan pa nga ba natin ito itatago? Maraming istorya sa ngayon ang mababasa natin sa magazine, wattpad,facebook at kung anu pa man na maraming tao ngayon ang tinatawag nating”turpe”. Turpe ito ay ang mga taong walang ibang ginawa kundi ay ang itago ang kanilang feelings sa taong kanilang na iibigan, o maaari ring taong gumagawa ng iba’t-ibang gimik para mapansin ni crush. Natatakot sila kasi ayaw nilang sila’y iwasan ng kanilang nagugustuhan. Pero sana minsan maintindihan niyo ang mga taong ganito, taong mahina ang loob pagdating sa pag-ibig. Kung saka-sakali mang naiinis o nagtatampo na kayo dahil hindi niya kayo nasusuyo, huwag kayong mag-alala kasi may malaking inihanda sila para supresahin at pasayahin ka.

Syempre hindi rin mawawala ang mga taong bigo. Oo maraming magsyota sa ngayun ang nag bi-break dahil na rin sa iba’t-ibang dahilan ilan na rin dito ay ang dala ng selos, kakulangan sa tiwala sa bawat isa, hindi pagtanggap kung anu nga ba talaga siya, at higit sa lahat yung pangbabae o panlalaki na madalas mangyari kung ang babae/lalaki na naibigan mo ay niluloko ka lang. Sabi ko nga kanina, hindi sila para sa inyo. Huwag niyong masyadong dibdibin ang mga sakit na iniwan nila sa iyo, bugkos tumayo ka at iangat ang sarili. Wala na rin tayong magagawa upang baguhin ang tapos na diba sabi nga nila Past is Past. Pero kung ikaw ay may malakas ng loob upang bumangon at umunlad balang araw pag-nakita ka niya ( yung taong pinabayaan ang lahat ng paghihirap at pagmamahal mo ) Maiisip niya na nagkamali siya dahil niloko ka niya. Hindi ko rin sinasabing limutin mo siya ng lubusan at maghiganti pero kung ang taong ito ay may malaking pagsisi sa lahat ng kaniyang ginawa sayo maaari natin/mo siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon upang ipakita niya kung anu ang pagbabago nangyari matapos ang lahat sa inyo. Para sa mga taong nagnanais na umibig huwag niyong madaliin si girl o boy kasi maaaring mainis siya sayo.

Para sabihin ko sa inyo, ako man ay hindi pa nakaranas kung paano nga ba ang tinatawag na tunay na pag-ibig ito ay basi lamang sa aking napapanood at nababasa lalong-lalo na sa Nobela ni Dr. Jose Rizal na nagpaliwanag sa akin kung gaano magmahal ng tunay sa iyong kasintahan. Ngunit bago magtapos nais ko sanang mag-iwan ng kaunting katanungan sa inyong isipan kung anu nga ba talaga ang dulot ng pag-ibig sa atin. Kasiyahan o Kalungkutan inaasahan ko inyong mga sagot.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Ianrhold07 

Buod ng Talumpati

Ang talumpating “Tunay Na Pag-ibig” ay nagsasaad tungkol sa kung ano ang tunay na dulot ng pag-ibig, kasiyahan ba o kalungkutan. Isinaysay dito na kapag ikaw ay tumuntung na ng hayskul, dito mo na mararamdaman ang tinatawag na “first love.” Mayroon iba’t-ibang uri ng tao pagdating sa pag-ibig, mayroong one-sided, iyong ikaw lang ang nagmamahal, mayroong “turpe”, ito ang klase ng tao na hindi kayang ipahayag ang kanyang nararamdaman, at meron ring bigo, ito naman ang taong nasaktan ng dahil sa pag-ibig.

Ayon pa dito, huwag nating madaliin ang pag-ibig. Sapagkat, ito ay kusa lamang na dadating at kusa nating mararamdaman.

Aral ng Talumpati

Sa talumpating ito, natutunan ko na ang pag-ibig ay hindi minamadali. Enjoyin natin ang mga bagay-bagay habang tayo ay bata pa, hindi mali ang umibig ngunit may tamang oras para dito.

Summary

Ang talumpating pinamagatang Tunay Na Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ito ay nagsasaad tungkol sa kung ano nga ba ang dulot ng pag-ibig, kasiyahan ba o kalungkutan. Isinaysay dito na kapag ikaw ay tumuntung na ng hayskul, dito mo na mararamdaman ang tinatawag na “first love.” Mayroon iba’t-ibang uri ng tao pagdating sa pag-ibig, mayroong one-sided, turpe, at meron ring bigo. Ayon pa dito, huwag nating madaliin ang pag-ibig. Sapagkat, ito ay kusa lamang na dadating at kusa nating mararamdaman.

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng talumpati tungkol sa pag-ibig, narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment