Taos-pusong Pasasalamat Sa Mga Kaibigan At Tagasubaybay Sa…

TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA MGA KAIBIGAN AT TAGASUBAYBAY SA DIARYO AT RADYO – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ng makatang Pilipino na si Hilda C. Ong.

Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA MGA KAIBIGAN AT TAGASUBAYBAY SA DIARYO AT RADYO - TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN
ISANG TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN

Taos-pusong Pasasalamat Sa Mga Kaibigan At Tagasubaybay Sa Diaryo At Radyo!

Una sa lahat, ang taos-puso kong pagpapasalamat sa ating poong lumikha, sa pagbibigay niya sa akin ng isang taon na naman sa aking buhay, na punong-puno ng kapayapaan, kaligayahan, sa piling ng mga taong nagmamahal sa akin.

Nagpapasalamat ako sa mabubuti at kapaki-pakinabang na mga karanasan na aking nasagupa, sa nakaraang isang taon ng aking buhay. Sa panahon ng pagtatagumpay na nagiging masasayang bahagi sa buhay ko, gayundin ng mga kabiguan na nagpapaalala sa aking mga kahinaan, lalo na sa oras na kailangan ko kayo…

Talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Hilda C. Ong

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.

Buod ng Talumpating “Taos-pusong Pasasalamat Sa Mga Kaibigan At Tagasubaybay Sa Diaryo At Radyo!”

Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na maswerte siya na mayroon siyang mga kaibigan na maaalahanin at mapagmahal.

Nagpapasalamat siya sa puong lumikha sa mga mabubuti at kapaki-pakinabang na mga karanasan na aking nasagupa.

Aral ng Talumpati

Ang aral na makukuha sa maikling talumpating ito tungkol sa kaibigan ay magpasalamat tayo sa puong maykapal. Dahil may kaibigan tayong maaalahanin at mapagmahal sa kabila ng minsan ay nakakalimutan natin na magpasalamat sa ating mga kaibigan na nagpapasaya sa ating buhay.

Summary

Ang maikling talumpating ito ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan. Kahit na minsan ay nakakalimutan natin sila pero lagi parin silang nandiyan para sa atin.

Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!

Iba Pang mga Halimbawa ng Talumpati

Leave a Comment