Talumpati Tungkol sa Wika Noon at Ngayon

TALUMPATI TUNGKOL SA WIKA NOON AT NGAYON – Ang tekstong ito ay magbibigay sa’yo ng halimbawa ng talumpati tungkol sa Wikang Filipino o Wikang Pambansa.

Noon at ngayon ay ang Wikang Filipino ang pangunahing pagtuturo sa paghubog ng ating pagkatao at sa kulturang kinagisnan.

Ano ang TALUMPATI?

Ang kahulugan ng talumpati ay ang pagbibigay ng sariling pag-unawa at opinyon mula sa paksang itinatalakay. Ito ay orasyon o oration sa wikang Ingles.

Mula sa kinabisado o binabasang pyesa, ito ay isinasagawa sa harap ng madla na may layuning mahikayat ang mga tagapakinig o manonood na mapaniwala at mapasang-ayunan ang paksang ibinabahagi ng manalumpati.

Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Wika

Narito ang mga halimbawa ng isang talumpati tungkol sa wika.

Pagkakakilanlan ng Wikang Filipino, Sandigan Tungo sa Pandaigdigang Kahusayan.

Sa ating nagagadangahan at naggagawapuhang mga hurado, diterminadong mga guro, masisipag na mag-aaral at magulang, isang napakagandang hapon sa iyong lahat.

Tayo’y naririto upang idaos at mabigyan ng halaga ang ating wika, ang wikang Filipino . Tanda lamang ito na pinayaman na ng panahon ang ating bayan. Makikita  ito sa ating kapaligirang ginagalawan,   mga usapan na maririning sa daan, sa opisina at maging ng dalawang magkaibigan.

Mga karatulang mababasa sa nakasabit sa tyange, sa pintuan at mga gusali at sa ating paaralan, Wikang tinatangkilik at hindi iniwan…

Talumpati tungkol sa wika ni Sir John

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.

Talumpati Tungkol sa Wika Noon at Ngayon

Sadyang malayo na ang ating inilakbay, malayo na! Ang dati’y usad pagong na paglalakad at lantad sa tirik na sikat ng araw ay napalitan ng ito ng malakidlat na pagbabago, sa larangan ng teknolohiya, siyensya, ekonomiya at edukasyon. Oo! Edukasyon, nariyan ang mga makabagong gadyet tulad ng laptop, selpon at  kompyuter na tanging  daliri, utak at makuha mo  lang sa tingin ay makakabuo ka na ng makabuluhang bagay at para sa mga gawain sa paaralan ay sadyang malaking gabay.

Dagdag pa dito ang K to 12, bagong kabanata sa aklat ng edukasyon, Heto na ang hinihintay natin, ang sangkap sa pagluto ng ating mga pangarap. Pangarap na makapili ng libri at angkop na kurso, makapagtapos na handang makipagtapatan sa ano mang trabaho gamit ang nahasa nating kasanayan at makapagbigay ng magandang serbisyo dito sa ating bansa at maging sa  buong mundo…

Talumpati tungkol sa wika ni Sir John

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.

Kahalagahan ng talumpati sa Wikang Filipino

Isang talumpati para sa ating wikang Filipino ngayong Buwan ng Wika at isang pagkilala sa ating mga natamong mga tagumpay na naging sandigan ang ating wika, ang Wikang Filipino.

Halimbawa Ng Iba Pang Mga Mabasahin

Tanong!

Ikaw ba ay may maraming alam tungkol sa iba pang mga talumpati tungkol sa wika? Mag-iwan ng iyong mensahe sa ibaba!

Leave a Comment