TALUMPATI TUNGKOL SA SARILI – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagpapakilala at pagmamahal sa sarili ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.
Ang mga maikling talumpati sa pagpapakilala sa sarili ay nagpapakita na ang bawat tao ay may natatanging taglay na katangian. Lahat tayo ay hindi perpekto at pantay pantay sa mata ng Diyos. Iba-iba din ang pagpapalaki sa atin ng ating mga magulang na siyang naging dahilan kung bakit may mga kanya-kanyang kaugalian tayo.
Sana ang mga halimbawa ng maikling talumpati sa pagmamahal sa sarili ay maging daan upang mahalin natin ang ating mga sirili. Iwasan ang pagkumpara ng sarili sa iba. Nawa ay tanggapin natin kung sino tayo at mahalin muna natin ang ating sarili bago ang iba.
See also: Tula Tungkol Sa Sarili
Halimbawa Ng Maikling Talumpati Tungkol Sa Pagmamahal Sa Sarili
Time needed: 5 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Sarili.
- Talumpati Tungkol Sa Sarili
- Obra Maestra
- Talumpati Tungkol Sa Buhay Estudyante
- Sariling Desisyon
- Kagalakan Sa Gitna Ng Kapansanan

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang talumpati. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng talumpati sa sarili.
1. Talumpati Tungkol Sa Sarili
Ang buhay ng isang tao ay maihahambing sa isang bahag-hari, isang simbolismo na puno ng kulay at hindi alam kung hanggang saan ang hangganan at saan ang patutunguhan.
Mula sa aking pagkabata ay may mga pangarap na akong marating sa buhay. Simple at mga mumunting mga pangarap na para sa aking ama at ina ay nagdudulot na ng malaking tuwa at galak.
Nakagisnan ko sa aking kamusmusang isip ang ordinaryong uri ng pamumuhay. Hindi kami mayaman ngunit may sapat na kakayahan para matugunan ang mga bagay na importante sa aming pamumuhay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Tula Tungkol Sa Sarili ay isang halimbawa ng talumpati sapagmamahal at pagpapakilala sa sarili. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
2. “Obra Maestra”
Kinikilala ng buong mundo ang larangan ng sining upang mabisang lunsaran ng pagiging malikhain at kahusayan ng bawat nilalang. Saklaw nito ang pagguhit, pagsayaw, pag-awit, pagpipinta, iskultura, at maging pag-arte.
Ngunit sa lahat ng sining na ito, isa ang pinakamagandang obra ang kinikilala ng daigdig—ang ating mga sarili. At ganito rin ang pananaw ko, na ako ang pinakamagandang obra na nalikha sa daigdig ng Panginoon.
Magandang obra ako sa kabila ng mga kamalian. Ang mga pinagdaraanan ko sa buhay ay mga nagsisilbing paraan upang ako lalong tumibay at maging produktibo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Obra Maestra” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Obra Maestra ay isang halimbawa ng talumpati sapagmamahal at pagpapakilala sa sarili. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
3. TALUMPATI TUNGKOL SA BUHAY ESTUDYANTE
Magandang umaga/hapon po sa inyong lahat!
Napakaraming bagay ang tinatahak ng isang estudyante,Hirap at pagod ay binabalewala para sa pangarap,sa pamilya at para sa sarili,mayaman man o mahirap,may pera man o wala Tayo ay nag-aaral,Bakit nga ba tayo nag-aaral?
Anu ang kahalagahan nito sa buhay ng tao? Maraming Oras,Taon at panahon ang ginugugol natin sa pag-aaral,Simula kinder,Elementary,High School at Kolehiyo na atin na namang pagsisikapan,pagtiyatiyagaan at pagtitiisan makapagtapos lang ng pag-aaral…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Talumpati Tungkol Sa Buhay Estudyante” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Talumpati Tungkol Sa Buhay Estudyante” ni Lyka Enovejas ay isang halimbawa ng talumpati sapagmamahal at pagpapakilala sa sarili. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
4. Sariling Desisyon
Lahat tayo ay mayroong mga pangarap na gustong makamit. Gusto natin tayo ay masusunod. Gusto natin tayo mismo ang magdedesisyon para sa ating sarili.
Gusto nating maging malaya sa pagdedesisyon. Minsan ayaw nating mayroong maki-alam. Ayaw nating pinapangunahan tayo ng iba. Gusto nating makagawa tayo ng desisyon para sa ating sarili...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Sariling Desisyon” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Sariling Desisyon” ni inactivewriter ay isang halimbawa ng talumpati sa pagmamahal at pagpapakilala sa sarili. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
5. “Kagalakan sa kabila ng kapansanan”
Kung ang pagkakaroon ng buhay ay nangangahulugan ng paulit-ulit na pagkakadapa mo na halos hindi ka na makabangon sa sakit ng tumba. Kung ang pagkakaroon ng buhay ang pangangailangan mong abutin ang mga bituin na ang paa mo ay nakaposas at wala kang kawala.
Kung ang pagkakaroon ng buhay ay parang paglusong mo sa rumaragasang baha na walang kasiguraduhan kung saan ka mapupunta at madadala, ay parang ayoko na yatang mabuhay.
Minsan tayo, napaka-hilig natin sa mga bagay na masasarap at nakakapagbigay sa atin ng luho at rangya. Nakakalimutan nating isipin na ito ay tunay na buhay, ito ang realidad kung saan hindi lahat ng gusto mo ay mapapasayo…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Kagalakan Sa Gitna Ng Kapansanan” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Kagalakan Sa Gitna Ng Kapansanan” ni Rio Cyrine Coralde ay isang halimbawa ng talumpati sapagmamahal at pagpapakilala sa sarili. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Talumpati Tungkol Sa Pandemya
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino
- Tula Tungkol Sa Pangarap
- Talumpati Tungkol sa Wika
- Talumpati Tungkol Sa Droga
Konklusyon
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kaugalian at paniniwala. Kaya ang artikulong halimbawa ng maikling Talumpati Para Sa Pagmamahal Sa Sarili ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang tanggapin at mahalin ang ating sarili.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.