Talumpati Tungkol Sa Pangarap – 10 Maikling Talumpati

TALUMPATI TUNGKOL SA PANGARAP – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa tagumpay at pagkamit sa pangarap sa buhay ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Lahat tayo ay may pangarap, batid din ng marami sa atin hindi madali ang pag-abot nito. Ngunit kung tayo ay pursigido na maabot ito lahat ay ating gagawin para magtagumpay. Gaano man kalaki o kaliit ang ating pangarap basta’t pagsusumikapan ay tiyak na makakamtan.

Sana sa pamamagitan nitong mga talumpati para sa pangarap ay maging inspirasyon natin ito para magtagumpay at makamit sa ating pangarap. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng talumpati sa pangarap.

See also: Tula Tungkol Sa Wikang Filipino

10 Halimbawa Ng Mga Talumpati Tungkol Sa Tagumpay At Pagkamit Sa Pangarap Sa Buhay

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga Halimbawa ng Talumpati para sa Pangarap sa buhay.

  1. Pangarap Na Makapagtapos Ng Pag-aaral

  2. Talumpati Tungkol Sa Pangarap

    Talumpati ni  little ol’ ghost~

  3. Ating Abutin Ang Ating Pangarap

  4. Pangarap Ng Isang Simpleng Tao

  5. Talumpati Tungkol Sa Pangarap

    Talumpati ni Gerald Picorro Velasco

  6. Kaya Kitang Abutin

  7. Pangarap

  8. Talumpati Tungkol Sa Pangarap

    Talumpati ni TakdangAralin.ph

  9. Pangarap Ko, Aabutin Ko

  10. Sarili Ang Hadlang Sa Pangarap

TALUMPATI TUNGKOL SA PANGARAP 2021 - 10 HALIMBAWA NG MAIKLING TALUMPATI TUNGKOL SA PANGARAP
TALUMPATI TUNGKOL SA PANGARAP

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling talumpati. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng maikling talumpati para sa pangarap.

1. Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa nila sa aming magkakapatid.

At para matulungan ko rin ang 3 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun.

Gusto ko rin matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain, pamasahe sa aming magkakapatid at gastos sa kuryente kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa pag-aaral…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Pangaraap na Makapagtapos sa Pag-aaral” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Pangaraap na Makapagtapos sa Pag-aaral” ni Mary Jane Tarucan ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

2. Talumpati Tungkol sa Pangarap

“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Bill Gates, Katy Perry, Walt Disney, Oprah, Pia Wurtzbach. Alam natin na mga matagumpay na tao ang mga ito. Subalit nagtataka man ba kayo paano sila naging ganito?

Paano ba nila naabot ang kanilang mga ambisyon? Simple lang iyon: nakuha nila ang inspirasyong iyon mula sa isang simpleng pangarap.

Mayroong iba’t ibang klase ng pangarap: pangarap sa pag-aaral, pagkakaibigan, pag-ibig, negosyo, ang magiging buhay natin sa kinabukasan at iba pa. Magkaiba man ang mga bagay na ito, mayroon silang parehong layunin: ang makamit ang pangarap na iyon…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati ni little ol’ ghost- ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

3. Ating Abutin Ang Ating Pangarap

Ikaw may pangarap ka ba? Pangarap mo bang yumaman, maging sikat na artista, magaling na negosyante, makapagtayo ng sariling eskwelahan, propesyunal sa napiling kasanayan o kaya’y maging bayani ng bayan?

Maging sino ka man, bata man o matanda, may pera o wala may pangarap at ito’y iyong karapatan na TUPARIN, ABUTIN, MAKAMTAN AT MAKUHA.

Ito ang mga salitang gusto kong ITATAK, IDIKIT, ISAMA AT AT ITANIM sa inyong kaisipan at kalooban kapag naiiisip ninyo ang inyong pangarap. “Libre” ang mangarap pero lahat ng indibidwal ay mayroon nito, samakatuwid lahat ay maaring umunlad...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Ating Abutin Ang Ating Pangarap” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Ating Abutin Ang Ating Pangarap” ni Charmaine R. Frankie ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

4. Pangarap ng Isang Simpleng Tao

Ako, simpleng tao lang, simple, pero malaki ang pangarap sa buhay. Pangarap na masuklian ang ibinibigay ng aking mga magulang, kahit na hindi lahat naibibigay, masaya parin ako.

Nung ako ay bata palang mura pa ang isip, wala pang gasinong alam sa mundo. Wala pang naiisip kung anu ba ang magiging propesyon ko, at kung anu ba ang mararating ko kapag ako’y lumaki na. Subalit ngayon akoy malaki na, marami akong pangarap na gustong abutin.

Kaya sinusunod ko lahat ng payo at pangaral ng aking mga magulang. Kapag sinabi nila na bawal yan sinusunod ko naman, siyempre alam ko na para sa akin din ang kanilang sinasabi…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Pangarap ng Isang Simpleng Tao” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Pangarap ng Isang Simpleng Tao” ni Jay-ann S. Talabis ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

5. TALUMPATI TUNGKOL SA PANGARAP

Ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga munting pangarap .Mga munti na kalaunan ay unti-unting lumalaki at nagkakaroon ng hugis,kulay,buhay at kauparan para sa ating hinaharap.

Hindi naman ito masama huwag lang po nating seseryosohin ito.Ang mamuhay na walang plano at pangarap sa buhay ang siyang maituturing nating masama.

Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad sa buhay.
Lahat ay pantay-pantay. Maging ang mga batang paslit ay mayroon ring mga minimithing gustong makamit…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati ni Gerald Picorro Velasco ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

6. Kaya Kitang Abutin

Bago ko maisulat ang isang talumpati tungkol sa ambisyon, kailangan kong tanungin muna ang aking sarili kung ano nga ba talaga ang ambisyon. Ano ang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagiging ambisyoso, at ano ang mga pakinabang at disbentaha ng pagiging ambisyosong tao?

Sa una, dapat kong aminin na medyo mahirap maunawaan ito. Ngunit natagpuan ko ang kahulugan nito sa isang grupo na mga tao – ang mga taong mapangarap, karaniwang tinatawag sa ingles na dreamers.

Kapag iniisip ko ang mga ambisyosong tao, iniisip ko ang mga taong ito. Sila ang mga tao na umaasa na balang araw ang mga pangarap nila ay makakamit nila. Na ang mga daan patungo sa kanilang pangarap ay isa-isang magpapantay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Kaya Kitang Abutin” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang Kaya Kitang Abutin ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

7. Pangarap

Ang pangarap ay hindi nakukuha agad-agad. Ito ay nagsisimula sa isang pagpaplano tungkol sa mga bagay na gusto nating mangyari sa ating buhay.

Ang plano na minsa’y nanggagaling sa pagkakaroon ng inspirasyon mula sa ibang tao upang pagtibayin ang inyong paniniwala na balang araw ay matutupad lahat ng inyong panaginip.

Hindi madaling abutin ang mga pangarap. Marami kang pagdadaanan at marami kang pagsubok na haharapin. Diyan masusukat ang iyong katatagan at pagtitibayin ang inyong pananampalataya. Madali lang mangarap…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Pangarap” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Pangarap” ni Nikki Reyes ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

8. Talumpati Tungkol Sa Pangarap

Ang buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga munting pangarap. Mga munti na kalaunan ay unti-unting lumalaki at nagkakaroon ng hugis, kulay, buhay at kauparan para sa ating hinaharap.

Walang kasing ganda ang bumuo ng mga pangarap sa buhay. Minsan ay umaabot tayong nangangarap ng mga bagay na wala na halos sa realidad at katotohanan.

Hindi naman ito masama huwag lang po nating seseryosohin ito. Ang mamuhay na walang plano at pangarap sa buhay ang siyang maituturing nating masama…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na ito ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

9. Pangarap Ko, Aabutin Ko

Bawat tao ay may mga pangarap na nais makamit sa kanilang buhay. Isa na rito ang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo at magkaroon ng masaganang buhay sa hinaharap.

Para makamit ito kailangan nating magsikap at magtiwala sa ating sarili na kaya nating abutin ang ating mga hinahangad sa buhay.

Alam ko na hindi lamang ako ang nag-iisip ng ganitong bagay dahil lahat naman tayo ay may mga pangarap na nais nating matupad balang araw at isa ako sa mga mag-aaral na may mataas na pangarap, pangarap na ninanais kong matupad...

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Pangarap Ko, Aabutin Ko” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Pangarap Ko, Aabutin Ko” ni shunkhairo ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

10. Sarili ang Hadlang sa Pangarap

Isang giyera kung maituturing ang buhay ng isang tao. Magulo, masalimuot at punong-puno ng problema. At, ang pinakamalakas nating sandata ay ang ating pangarap. Ngunit, kung naubos ang bala ng ating sandata, sino ang dapat sisihin: ang iba o ang sarili?

Isang magandang araw sa inyong lahat.

Pangarap. Isang simpleng salita pero punong-puno ng pag-asa. Pag-asang magbabangon sa pagkalugmok ng bawat isa. Isang pag-asang nagbibigay-kahulugan sa kabuluhan ng ating buhay…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Sarili Ang Hadlang Sa Pangarap” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang Sarili Ang Hadlang Sa Pangarap ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pangarap sa buhay.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Konklusyon

Ang pangarap ay isang bagay na dapat pahalagahan at isapuso natin. Kaya ang artikulong mga Talumpati Para Sa Pangarap ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral sa pagkamit at pagtagumpay sa ating mga pangarap sa buhay.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

1 thought on “Talumpati Tungkol Sa Pangarap – 10 Maikling Talumpati”

Leave a Comment