TALUMPATI TUNGKOL SA PAMILYA – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling mga talumpati tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
Ang pamilya ang pinakamahalang grupo ng mga taong bumubuo ng isang kumunidad. Sa Isang pamilya, ang bawat isa ay may tungkuling ginagampanan. Ang ama ang haligi ng tahanan na siyang taga-suporta sa pangangailangan at taga-disiplina ng pamilya.
Ang ina naman ang ilaw ng tahanan na siyang katuwang ng ama sa pagtataguyod at pag-gabay sa kanilang mga anak hanggang sa kanilang paglaki. Mga anak naman ang kasiyahan at biyaya ng Diyos sa isang pamilya.
See also: Tula Tungkol Sa Pamilya
10 Halimbawa Ng Maikling Talumpati Sa Pagmamahal Sa Pamilya
Time needed: 5 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Pamilya.
- Sandalan
- Talumpati Tungkol Sa Pamilya
- Pinag-isa Ng Daloy Ng Dugo
- Sa Iisang Bubong
- Talumpati Para Sa Pamilya
- Malawig Na Pag-ibig
- Regalo Ng Maykapal
- Pagmamahal Ng Magulang Ating Bigyang Halaga
- Relasyon O Pamilya?
- Talumpati Tungkol Sa Kahalagahan Ng Pamilya

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling talumpati. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng talumpati sa paggpapahalaga at pagmamahal sa inyong pamilya.
1. Sandalan
Mayroong kasabihan na mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig o sa ingles ay blood is thicker than water. Simula sa pagkamulat ng ating musmos na kaisipan, pamilya natin ang mga nasa tabi natin.
Andiyan sina tatay, nanay, kuya, ate at si bunso. Kahit na salat tayo sa buhay kung kumpleto, malusog, at masaya ang ating pamilya ay masasabi natin na bukod na tayong pinagpala.
Ang buhay ng isang pamilya ay sadyang puno ng mga pagsubok. Pagsubok na kung minsan ay nagpapatumba sa atin at nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng bawat miyembro ng ating mag-anak…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Sandalan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Sandalan ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
2. Talumpati Tungkol Sa Pamilya
Sa anumang oras ng pangangailangan, anumang hidwaan at hindi pagkakaunawaan mayroon tayo, sa hulit-huli ang pamilya pa rin ang ating natatanging kanlungan sa buhay.
Tayo bilang isa sa mga bansang nabibilang sa Asya ay may kaugalian at kulturang kinagisnan na may malapit na ugnayan sa bawat miyembro ng ating mga pamilya.
Hindi bago sa atin na nakakakita tayo ng mga uri ng pamilya sa ating lugar na kung saan ay halos lahat hanggang sa mga lolo, lola at mga tiyahin at iba pang kasapi ng pamilya ay kasama sa loob ng isang maliit na tahanan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Talumpati Tungkol Sa Pamilya” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Talumpati Tungkol Sa Pamilya ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
3. Pinag-isa ng Daloy ng Dugo
May isang English na kasabihan, “blood is thicker than water.” Ibig sabihin nito ay mas nananaig ang dugo sa anumang klase ng likido sa mundo.
Sa pamamagitan kasi ng pulang likido na ito sa loob ng ating katawan, nalalaman kung sino ang magkakaanak at magkakapamilya.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit walang katulad ang samahan ng pamilya. Mula sa mga nilalang na nagsasama-sama sa loob ng iisang bubong, hanggang sa ibang kaanak na nasa ibang lugar o lalawigan, ay madalas na nakikita natin ang mga kasangga natin sa anumang hamong kinahaharap natin…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Pinag-isa Ng Daloy Ng Dugo” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Pinag-isa Ng Daloy Ng Dugo ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
4. Sa Iisang Bubong
“Bahay kubo… kahit munti…” Tama, kahit munti, ang aming kubo ay hindi matitibag. Hindi matitibag hindi dahil sa matibay ang pagkakabuo nito, kung hindi dahil matibay ang samahan ng mga taong naninirahan dito.
Ang bubong na sinisilungan naming ay nagsisilbi ring buklod sa aming magkakapamilya. Sa ilalim ng bubong na ito ay napag-uusapan namin ang aming magandang kinabukasan.
Sa ilalim ng iisang bubong naming natatalakay ang aming mga suliranin. Sa loob ng bubong at mga dingding ay napatitibay namin ang aming samahan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Sa Iisang Bubong” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Sa Iisang Bubong ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
5. Talumpati para sa Pamilya
Pamilya, ang mga taong inspirasyon ko sa lahat ng bagay.
Sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay,
sila ang dahilan kung bakit sa bawat umaga ay masaya akong gumigising.
Sila ang mga taong nagpapangiti at nagpapaiyak sa akin,
Nagpapangiti dahil sila ang aking lakas,nagpapaiyak kapag nakikita kung
Ang isa sa kanila ay nasasaktan o nagdurusa, ang panghihina nila ay nadarama ko rin
Kaya naman lahat ay kaya kung gawin para sila ay saluhin.Ang pamilya ko ang mga taong handang umunawa sa akin.
Ilang beses man akong nagkamali at nadapa, sila ay laging nadiyan upang
Sa tuwina ako ay unawain, sila ang mga taong nagbabangon at umaakay sa akin
Kapag ako ay nadadapa, at nakakaramdam ng sobrang panghihina ng kalooban…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Talumpati Para Sa Pamilya” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Talumpati Para Sa Pamilya” ni WiseHearted ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
6. Malawig Na Pag-ibig
Pag-ibig. Ano ang unang pumasok sa iyong isipan tuwing ito ay iyong maririnig? Isa ka bang dalagang lulong sa pagpapantasya sa makisig mong nobyo?
Marahil pangalan niya ang iyong dagli na sinambitla. Binata, ang isip mo ba ay umaapaw sa mga ala-ala mo kasama ang iyong kasintahan? Siya siguro ang iyong unang nagunita.
Ang mga salitang aking bibigkasin, ang ideya ng talumpating aking ilalahad sainyong harapan ay marahil batid ninyo nang lahat. Kaya’t ang layunin ko ay mapaalalahanan at makilos ang damdamin ng aking mga tagapakinig ukol sa isang paksang mula sa aking puso: Ang Pag-ibig ng Isang Ina…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Malawig Na Pag-ibig” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Malawig Na Pag-ibig”ni rizaro ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
7. Regalo ng Maykapal
Maraming biyaya akong gustong makamit at hinihiling gabi-gabi sa aking mga panalangin. Ngunit hindi ko batid na sa lahat ng mga materyal na bagay na gusto ko, nakamit ko na pala ang pinakamalaking biyaya mula sa Maykapal.
Isang uri ng biyaya na kailanman ay hindi mo na mahahanap pa sa iba. Isang uri ng biyaya na tanging isang beses mo lang makakamit at wala nang kapalit.
Ang aking pamilya ang tinutukoy kong malaking biyaya. Biyaya ito dahil dapat kong ipagpasalamat ang kanilang presenya. Dapat kong ipagpasalamat sa Diyos na dahil sa pamilya ko ay nalalaman ko ang aking tunay na halaga…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Regalo Ng Maykapal” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Regalo Ng Maykapal ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
8. PAGMAMAHAL NG MAGULANG ATING BIGYANG HALAGA
Naalala ninyo pa ba kung kalian ninyo huling sinabihan ng “I love you” o “mahal kita” ang inyong mga magulang? Sino ang mas madalas ninyong sabihan ng mga katagang iyan? Sino nga ba ang mas pinahahalagahan ninyo?
Simula’t sapul minahal na tayo ng ating mga magulang. Hindi pa lamang tayo iniluluwal, alagang-alaga na nila tayo. Siyam na buwang pagtitiis ng ating ina, magisnan lang natin kung gaano kaganda ang daigdig.
Habang ang ating ama naman ay nagpapakahirap, mapaghandaan lamang ang ating kinabukasan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “PAGMAMAHAL NG MAGULANG ATING BIGYANG HALAGA” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang PAGMAMAHAL NG MAGULANG ATING BIGYANG HALAGA ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
9. Relasyon o Pamilya?
Marami sa atin ang nag-aasawa ng maaga dahil sa pagkabuntis ng maaga.
Hindi man ako Isa sa kanila, ngunit marami pa ring pinipili ang relasyon. Sa ating kababaihan, ano ang mas mahalaga, relasyon o pamilya?
Sa ating kalalakihan, ano ang mas mahalaga, katawan o panahon?
Ating pag-isipan. Kung pipiliin natin ang relasyon sa maling panahon, masama ang idinudulot. Hindi lang masama, marami pang problema ang dumadating. Iyan ang dahilan kung bakit marami sa atin ang nagpapakamatay, naghihirap at gumagawa na masasama…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Relasyon o Pamilya?” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Relasyon o Pamilya?” ni Marianne Sayson ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
10. Talumpati tungkol sa kahalagahan ng pamilya
Marahil madalas nating nakakasama ang ating mga kaibigan sa eskwelahan man o sa opisina subalit sa ating paguwi ang pamilya ang ating nakakasama.
Sila yung laging naggagabay at nag-aalala. Kasabay sa kainan, panunuod ng telebisyon, at pagtawa. Ngunit madalas hindi natin nakikita ang kanilang importansya...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Talumpati tungkol sa kahalagahan ng pamilya” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Talumpati tungkol sa kahalagahan ng pamilya ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati sa pagmamahal sa pamilya.
Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons
Konklusyon
Ang pamilya ay isang napakahalagang biyaya ng Diyos sa atin. Kaya ang artikulong mga Talumpati Sa Pamilya ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na dapat pahalagahan at mahalin natin ang ating pamilya.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.