Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig : Talumpati Ng TakdangAralin.com

Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig – Ang artikulong ito ay isang talumpati na pinamagatang “Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig.” Ito ay isa sa mga halimbawa ng isang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Sa talumpating ito, sinasaad ng TakdangAralin.com na pag-ibig ang pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha.

Ang “Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig” ay isang talumpati tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig.

TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG - TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG
TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG – TALUMPATI NG TakdangAralin.com

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pag-ibig.

Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig : Talumpati Ng TakdangAralin.com

At ito ang talumpati na pinamagatang “Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig”

Talumpati Tungkol sa Pag-ibig

Isa sa mga pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha ay ang pag-ibig. Nang dahil sa pag-ibig tayong lahat ay naging tao. Ang pag-ibig ay may iba’t-ibang uri ng kaanyuan.

May pag-ibig sa dakilang lumikha, sa kapwa-tao, sa alagang hayop, sa kalikasan at kung anu-ano pa na napag-tutuunan natin ng pagmamahal at ng emosyon.

Makapangyarihan ang pag-ibig. Puwede itong magbigay ng buhay at puwede rin itong kumitil ng buhay. Wika nga ng isang tula ni Francisco Balagtas “O, pag-ibig na makapangyarihan pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”. Isang napakatalinhagang pananalita na nagpaparating ng labis na kapangyarihan sa puso ng isang umiibig.

Walang masama sa kapangyarihan ng isang pag-ibig kung ito ay gagamitin natin sa positibong pananaw at pamamaraan. Magsilbi sana itong inspirasyon lamang sa ating mga puso. Halimbawa dito ay ang pagkakaroon natin ng ating mga sinisinta o iniirog sa buhay.

Huwag tayong magpa-alipin ng tuluyan sa ating puso. Isaalang-alang din natin ang gamit ng ating utak. Alalahanin ninyo na ang lahat ng labis ay lason.

Mayroong pag-ibig na mapagbalat-kayo. Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit. Karamihan sa mga may mapagbalat-kayong pag-ibig ay mga pulitiko sa ating lipunan. Labis-labis ang kanilang pagmamahal na pinapakita lalo na sa mga mahihirap tuwing malapit na ang panahon ng halalan.

Kahangalan ang tawag sa ganitong uri ng pag-ibig. Sadyang mahirap ang pagbibigay ng walang imbot na uri ng pag-ibig sa ating kapwa. Mayroong mga gumgawa at nagpapakita nito para lang mapuri at maging tanyag. Ang tunay na pag-ibig ay hindi ginagamit para sa sariling interes lamang. Ito ay binibigay na kusa na walang hinihintay na anumang kapalit.

Ang pinakadakila sa lahat ng pag-ibig ay ang pagmamahal ng ating mga magulang. Ito ang pag-ibig na nagsisimula sa loob ng ating mga tahanan. Pagmamahal at pag-aaruga na walang halong kondisyon at hangganan. Para sa akin ang pagmamahal nina tatay at nanay ang pinakamaganda kong biyaya na natanggap mula sa ating dakilang Lumikha.

Ngunit masakit mang sabihin ang pag-ibig na ito ang kadalasan na hindi nabibigyan ng halaga ng bawat isa sa atin, lalong lalo na ng mga kabataan. Mas binibigyang pansin nila ang mga materyal na bagay na bigay ng kanilang mga magulang.

Bago po mahuli ang lahat, lagi nating bigyang halaga ang pagmamahal ng ating mga magulang. Hindi sa lahat ng oras at panahon ay nasa tabi natin sila. Pagyamanin po natin at suklian ang pag-ibig na binibigay nila sa atin mula pa sa ating kamusmusan.

Nilikha ang pag-ibig para magkaroon ng katahimikan, kapayapaan at higit sa lahat ay ang pagkakaunawaan. Huwag po natin itong abusuhin at gamitin sa maling pamamaraan. Magsilbi sana itong sandata at ating saligan para maibsan ang anumang uri ng gusot at suliraning pangkapwa na mayroon tayo.

Kung pag-ibig lamang sana ang mananaig sa bawat puso ninuman, ang galit ay kusang mawawala sa mundo. Tanging kapayapaan at pagmamahalan na lamang ang siyang tunay na maghahari.

Nawa ay maging kasangkapan tayong lahat sa pagpapalaganap ng tunay na adhikain at kahulugan ng salitang pag-ibig. Imulat natin ang mga murang kaisipan ng ating mga anak sa kung ano ang tunay na kaulugan ng pag-ibig.

Busugin natin sila ng tamang kalinga at pagmamahal para sa kanilang paglaki ay pag-ibig rin ang nasa kanilang mga puso. Pag-ibig na busilak at wagas. Walang halong pag-iimbot at pagbabalat-kayo.

Isang uri ng pag-ibig na kaaya-aya hindi lamang sa mata ng tao ngunit sa mata ng dakilang nagbigay nito sa atin. Maging kupido tayo ng makabagong panahon, hindi lamang sa mga magsing-irog kundi sa lahat ng sangkatauhan.

Talumpati sa pag-ibig mula sa TakdangAralin.com

Buod ng Talumpati

Ang talumpating ito ay nagsasaad na pag-ibig ang isa sa mga pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha. Ito ay may iba’t-ibang kaanyuan, halimbawa ay ang pagmamahal sa kapwa o hayop. Ang pinakadakila sa lahat ay ang pag-ibig ng mga magulang, sapagkat, walang makakapantay sa pagmamahal ng mga ito sa kanilang mga anak.

Hindi rin natin maitatangging kung minsan ay hindi na nabibigyan ng halaga ang tunay na pagmamahal. Mayroon ng pag-ibig na mapagbalat-kayo at pakitang tao lamang. Kaya ating panaigin ang tunay na pagmamahal upang tayo’y magkaroon ng kapayapaan.

Aral ng Talumpati

Sa talumpating ito, natutunan ko na ating bigyang halaga ang tunay na pag-ibig kagaya na lamang ng pagmamahal ng ating mga magulang. Maging bukas ang ating mga mata sa tunay at pakitang-tao lamang na pagmamahal.

Summary

Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ito ay nagsasaad na ang isa sa mga pinakamahalagang handog sa ating ng dakilang lumikha ay ang pag-ibig. Ngunit mayroong pag-ibig na mapagbalat-kayo o pakitang tao lamang. Upang tayo ay magkaroon ng kapayapaan, ating panaigin ang pagmamahalan.

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng talumpati tungkol sa pag-ibig, narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment