Talumpati Tungkol Sa Pag ibig – 14 Maikling Talumpati Tungkol Sa Pag ibig

TALUMPATI TUNGKOL SA PAGIBIG – Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig sa kasintahan at kapwa ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang pag-ibig ang pinakamagandang pakiramdam ng isang tao. Ito ang nagbibigay inspirasyon sa araw araw at nagpapakulay ng mundo. Bagaman ang umibig ang sadyang napakasarap sa pakiramdam lalo pa kung sinusuklian ito. Pero, kung hindi ka naman iniibig ng mahal mo e sorry ka na lang wala tayong magagawa diyan. Kaya kung may iniibig ka gawin mo ang lahat para mapasayo siya. Gamitin mo tong mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig tiyak siya’y mapapa sayo.

Sana sa pamamagitan nitong mga talumpati tungkol sa pag-ibig nawa ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating asawa, kasintahan at kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng talumpati tungkol sa pag-ibig.

See also: Tula Tungkol Sa Pag-ibig

Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig – 14 Halimbawa Ng Maikling Talumpati Tungkol sa Pag-ibig

Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig – 14 Halimbawa Ng Maikling Talumpati Tungkol sa Pag-ibig

TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG 2021 - 14 HALIMBAWA NG MAIKLING TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG
TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG 2021 – 14 HALIMBAWA NG MAIKLING TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Talumpati Tungkol sa Pag-ibig. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng talumpati tungkol sa pag-ibig sa pamilya, kasintahan at kapwa.

Pagkatuto sa Pag-Ibig

“Don’t look for LOVE let LOVE look for you”, isang linyang galing sa isang palabas na naging bukang bibig ko na din. Madalas pag may humihingi sa kin ng payo yan ang sinasabi ko. Tama nga naman kasi, wag mong hanapin ang pag-ibig, hayaan mong sila ang humanap sayo. Kabaliktaran naman sa sinasabi nilang, ” Paano mo makikita ang taong para sa yo kung hindi ka gagawa ng paraan para makita siya? ” Tama nga din,kailangan mong ding gumawa ng paraan para hanapin kung sino man ang taong nakatadhana sayo. Ngunit, magulo, napakagulo ng mundo ng pag-ibig.. Maraming matalinhaga na may kaakibat na kabaliktaran katulad ng :

– Mahal mo , hindi ka mahal, tapos yung hindi mo mahal, mahal ka.
– Manhid siya, tanga ka
– Hinahanap mo ang taong tama para sayo, pero sa mali ka nahulog.
– Taong kinaiinisan mo noon, pero taong minamahal mo ngayon
– Moved On sa salita, pero hindi sa gawa.
– Pinagpupuyatan mo para lang sagutin ka, tapos pag kayo na, binabalewala mo na.
– Minamahal mo ng patago, takot kang umamin pero mahal ka rin pala at kung kelan huli na, wala na may mahal na siyang iba.
– Love as an inspiration, Love as a destruction.
– Pangakong napapako at sinusulat sa tubig.
– At syempre, pagmamahal ng kaibigan na matakot sabihin ang nararamdaman dahil sa pagkakaibigan.

Mga talinhaga ng pag-ibig para sa mga kabataan na tulad ko.Siguro nga, masyado nang nalulong kaming mga kabataan sa PAG-IBIG, maaring masama, maari ring mabuti ang naidudulot. Tulad sa pag-aaral, masasabing masama kung nagiging sagabal at nakakasira ito. Yun tipong mas inuuna ang “LABLYF” kung tawagin kesa sa pag-aaral.Mabuti naman kung ito ay nagiging inspirasyon, yun tipong matataas ang grades, nagpapakitang gilas para sa kanyang iniibig, yun maganda yun.Syempre,hindi mawawala sa masamang naidudulot ng PAG-IBIG ang pagiging batang ina at batang ama at yun ang pinakamalala sa lahat.

Marahil, lahat naman ng aming pagkakamali lalo na pagdating sa pag-ibig ay meron kaming aral na napupulot o sabihin na nating meron kaming pagkakatuto. Sabi nga, ” Mistakes are made for us to realize what is right” , sa bawat pagkakamali namin, nandyan din yung pagkatuto. Pagkatuto kung saan hindi lang namin itatanim sa isip at puso namin, bagkos sasamahan namin ng gawa.

– Natutunan na ang Pag-Ibig hindi minamadali, kailangan hinihintay ang tamang oras at panahon na kung saan doon ibibigay ang buong pagmamahal .Kung dumating man ang maling tao, at hindi napigilan ang nararamdaman, mamahalin yong taong yun ngunit magtitira sa sarili para kung dumating man ang tamang tao meron pa kaming maibibigay.

– Na ang Pag-Ibig ay hindi isang laro, ito ay isang seryosong bagay na hindi namin kailangan madaliin.
– Na ang Pag-Ibig ay kailangan maging isang inspirasyon sa amin hindi isang destruksyon
– Na ang Pag-Ibig ay isang emosyon na maaring magpabago ng isang indibidwal.
– Na kakambal ang PAG-IBIG ang PAGKABIGO, kaya kailangan handa kang masaktan at handa kang magparaya kung kinakailangan.

Siguro nga, hanggang ngayon ang PAG-IBIG ay isa sa malaking problema ng kabataan ngayon, subalit parte na yun ng buhay. Lahat tao nagmamahal, siguro yung iba sa maling panahon, maling oras at maling pagkakataon. Ngunit dadating ang panahon na magmamahal din tayo, masasaktan at sa huli maaring maging masaya, nasa pagtanggap lang yan, kung paano mo tatanggapin ang taong nagmamahal sayo, kung paano mo tatanggapin lahat lahat sa kanya at kung paano mo tatanggapin ang pag-ibig na nakalaan sa yo.Walang taong hindi nagmamahal at hindi nasasaktan dahil magkakambal ang PAG-IBIG at PAGKABIGO. Pero ito lang ang masasabi, hanggang may nagmamahal sayo, wag kang magsasawang mahalin din ang taong mahal mo, hindi ka man niya mahal, dadating ang taong mamahalin ka ng buong-buo at duon mo ibigay ang pagmamahal mo ng walang labis at walang kulang.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Martin Ceazar Hermocilla

Ang talumpati na pinamagatang Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Kabiyak Ng Puso

Kapag ang iyong puso ay puno ng pag-ibig, tiyak na kapayapaan at kasiyahan ang sa iyong buhay ay nanaig. Ayon sa pagsasaliksik, ang pag-iibig ay maraming pag-uuri. Nandiyan ang pagmamahal sa pamilya, sa kaibigan, sa kapwa-tao, sa bansa, sa dakilang lumikha at sa iniirog.

Napakalawak at napakarami ang kahulugan ng salitang pag-ibig, pero ang pinakasimpleng kahulugan nito ay ang damdamin ng puso. Sa lahat ng klase ng pag-ibig, pinaniniwalaan nag ang pinakabusilak ay ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak.

Walang bagay na hindi gagawin ng isang nanay para sa kanyang minamahal na anak. Pag-ibig ni nanay na pinakadakila sa lahat at masuwerte ka kung ito ay ipinadadama sa iyo ng iyong nanay.

Dumako naman tayo sa pagpapahayag ng pagmamahal. Bagamat narining niyo na ang mga katagang “O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat makuha ka lamang.”

Ito ang mga katagang sumasalamin sa mga bugso ng damdamin ng mga taong umiibig sa kanilang mga sinisinta noong mga makalumang panahon.

Sa panahon ngayon ng mga makabagong milenyal, kung gaano kabilis nagkakakilala ang mga magsing-irog ay ganun rin sila kabilis naghihiwalay.

Minsan ay nawawala na ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Hindi na ito sinasabi ng personal na may kasamang emosyon, bagkus ay sa pamamagitan na lang ng “text” sa cellphone ito sinasabi.

Pansin niyo ba kung papaano nagbago at tila unti-unti ng nawawala ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag-ibig sa panahon ngayon?

Bagamat madalas natin siyang naririnig, ang bugso ng emosyon ng wikang ito ay tanging sa salita na lamang at wala na sa puso. Masakit man isipin pero ito ang tunay na katotohanan. Halimbawa na lang ay ang mga nakaupo sa ating lipunan.

Karamihan ay mapagmahal lamang sa kanilang mga sarili. Ang pag-ibig na alam nila ay pag-ibig sa pera at kapangyarihan. Mga uri ng pag-ibig na sakim at ganid.

Sana, ang pag-ibig na ipinadarama natin ay higit pa sa salitang pag-ibig na binibigkas lamang ng ating mga bibig. Sana ay huwag tayong makakalimot na panatilihin kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal.

Talumpati tungkol sa pag-ibig mula sa Talumpati.info

Ang talumpati na pinamagatang Kabiyak Ng Puso ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Unang Pag-Ibig

Ang unang pag-ibig…

Hindi ibig sabihin nito’y una mong nakarelasyon o una mong nakatagpo. Ang unang pag-ibig ay ang kauna-unahang tao na minahal mo ng lubos na higit pa sa inaakala mo. Maaring siya ay ang pang-apat mong kasintahan o pang-pito. O maari rin namang siya ang huli at iyong nakatuluyan.

Masarap umibig, masarap ibigin at lalong masarap ang tunany na pag-ibig. Sabi ng iba, ang unang pag-ibig ay hindi kailanman nalilimot. Hindi kailanman nawawala. Marahil totoo, sa aking pananaw, ang pag-ibig ay hindi nawawala, hindi nauubos, hindi nalilimot. Nanatili ito sa pusong nagmamahal at sa puso ng nagmahal. Ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw bagkus nahihigitan lamang ng bagong pag-ibig ngunit ang ligaya at pait ay mananatili ngayon at kailanman.

Sa unang pag-ibig, marami kang maaalala, ang iba’y nanghihinayang, ang iba’y nahihiya at ang iba’y hindi maka-move on. Iba’t ibang damdamin, iba’t ibang paniniwala ngunit ang tamis ng unang pag-ibig ay mananatiling alaala. Alaala ng kahapon, alaala ng mga bagay na nawala at lumipas, alaala ng araw na may mga kakaiba kang nagawa’t napatunayan, alaala ng taong nagpangiti at nagpatibok sa puso mong nananahimik. Ang pait at ligaya, ang araw at oras, ang kwentuhan at iyakan, ang love song at tawagan, ang date at tagpuan, ang pangako at awayan, ang pagsagot at paglisan… Ang lahat ng iyan ay mararanasan sa unang pag-ibig na nakakatuwang balikan.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni PinayAko

Ang talumpati na pinamagatang Unang Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Walang Katumbas, Walang Kapalit

Sabi nila, ang tunay na pag-ibig ay walang hinihintay na kapalit. Ganito rin ang aking paniniwala.

Kapag tumibok ang iyong puso, dapat mo itong sundin, may nakukuha ka mang pagmamahal o wala.

Minsan ka lamang mabubuhay, at masarap na ilabas ang tunay na nararamdaman ng iyong puso. Hindi naman kapag sinabing pag-ibig, lagi ka dapat may nakukuhang para sa iyo.

Kung minsan, hindi talaga natin makukuha ang pagmamahal na ibinibigay natin sa mga espesyal sa atin dahil hindi naman ganoon ang nararamdaman nila para sa atin.

Pero hindi ito dahilan upang hindi natin isigaw ang laman ng ating puso. Kahit gaano man kalaki o kaliit ang pag-ibig na nakukuha mo, dapat mong ipalaganap ang pagmamahal na nasa loob ng iyong puso.

Talumpati tungkol sa pag-ibig mula sa Talumpati.info

Ang talumpati na pinamagatang Walang Katumbas, Walang Kapalit ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Ano ang Uunahin: Pag-ibig o Pag-aaral?

Malungkot, minsan masaya, tapos malungkot ulit. May problema kasi, kailangan kong mamili sa dalawang bagay na sobrang halaga sakin. Paano ko kaya malalampasan ang problema kong ito? Alam ko kasi na kailangan kong mamili lang ng isa para matuldukan na ang paghihirap kong ito. Sabi nga nila “You cant serve two masters at the same time” Ako, bata pa lang ako ay prayoridad ko na ang pag-aaral ko, sinunod ko lahat ng gusto ng magulang ko para sakin, pero nagayong ako naman nag may gusto, papayagan kaya nila ko?

Babae ako, natural hindi na bago sa akin ang salitang pag-ibig, sa ngayon ay may boyfriend ako, ang kaos nga lang ay ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Wala raw akong mararating sa buhay ang lalaking ito, wala raw akong kinabukasan sa kanya. Pero bata pa ang puso ko, mabilis magdamdam. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang dumating sda puntong kailangan ko pang mamili. pinagbawalan kasi akong lumabas at makipagkita sa kanya at kinuha na rin ang cellphone ko. Alam ko naman na kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral. Sa totoo lang, mataasa ang pangarap ko, gusto kong makapagtapos ng apat na taong kurso, makarating sa ibang bansa at makapagpundar ng negosyo. Hindi ko naman talaga sila balak suwayin, ang gusto ko lang ay inspirasyon, yung konting tamis sa buhay.

Ngayon ay mas pinili ko ang pag-aaral, gusto ko ng manahimik, sinabihan ko ang kasintahan ko na kailangan ko munang magtapos ng pag-aaral bago ang lahat-lahat.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Elaisha Recide

Ang talumpati na pinamagatang Ano ang Uunahin: Pag-ibig o Pag-aaral? ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Kahalagahan Ng Pag-ibig

Isang magandang pagbati sa inyng lahat!

ano nga ba ang pag-ibig? ito ang isa sa pinakamakapangyarihan sa daigdig kung saan ito ay nararamdaman ng isang taong may pagpapahalaga hindi lamang sa kaniyang sarili kundi maging sa kaniyang kapwa at kapaligiran ngunit ano ba talaga ang kahalagahan nito? bakit ito patuloy na isinasabuhay ng lahat? kailangan ba talaga natin ito para mabuhay sa mundong ating kinagagalawan? mga katangungang pumasok sa aking isipan.

alam ko na halos lahat tayo ay nakaranas ng umibig dahil para sa atin ay hindi tayo makukumpleto o hindi makukumpleto ang ating pagkatao kapag hindi natin ito naranasan. masasabi natin sa lahat ng sikat ngayon ay walng tatalo sa pag ibig na kahit na anong mangyari ay patuloy paring kikislap at magniningning dahil mapa noon pa mano hanggang ngayon ay bukambibig at patuloy parin ito nararamdaman ng bawat tao ang pag ibig ay parang isang kayamananan na nagpapanatili ng kaayusan sa mundo dahil naniniwala ako na kung walang pag ibig o pagmamahal ang buong mundo ay mapupuno ng kaguluhan at kasamaan.

ang pag ibig ay may ibat’t ibang aspekto gaya na lamang ng pagmamahal sa diyos, pamilya, kasintahan, kaibigan at iba pang tao na lubos nating pinapahalagaan. sa bawat aspekto ng pag ibig ay may ibat’t ibang pamantayan at limitasyon, isang halimbawa nito ay ang pagmamahal natin sa ating pamilya kung saan sumasaloob dito ang paggalang at pagsunod bilang pagpapakita ng respeto sa kanila, sunod ay ang pagmamahal sa kasintahan na siyang patuloy na nararamdama at ginagawa ng mga kabataan ngayon, alam kong wala pa akong karanasan sa ganitong uri ng pagibig ngunit base sa aking nakikita sa aking kapaligiran. Isa naroon ang pinakamatalik kong kaibigan na lubusang dinaramdam ang problema tungkol sa paghihiwalay ng kanilang kasintahan. nakita at naramdaman ko kung gaano siya nasaktan dahil nung mga oras na iyon kahit na anong gawin kong pagpapatahan sa kaniya ay hindi parin ito tumitigil sa pag iyak hanggang sa hinayaan ko na lamng itong ilabas ang kaniyang hinanakit sa pamamagitan ng kaniyang pag iyak. noong una okay naman siya ngunit nung dumating sa punto na napapabayaan na niya ang kaniyang pag aaral ay labis akong nalungkot. gusto ko mang magalit dahil sa kaniyang kapabayaan ay inintindi ko na lamang dahil alam ko na mahirap ang kaniyang pinagdadaanan lalo nat mahal na mahal niya ang taong iyon, maging ako nga ay hindi ko na malaman ang aking gagawin para ituwid ang kaniyang landas para bumalik na siya sa dati. minsan naiiyak na lang din ako dahil ako itong kaibigan ngunit wala man lang akong magawa para tulungan siya pero kahit na ganoon ay hindi parin ako sumuko. nanatali parin ako sa kaniyang tabi kahit na anong mangyari habang kinakausap at sinasabihan ng mga bagay na ikakalubag ng kaniyang loob. doon ay napagtanto ko na ang pag ibig ay hindi puro saya lamang dahil kaakibat din nito ay ang lungkot at pighati ng pagkasawi na kayang sumira ng ating pagkatao.

Oo, alam ko namang napakahalaga ng pag ibig sa bawat tao dahil ito ang nagbibigay sa atin ng kasiyahan. ito ang dahil kmung bakit may rason tayong ngumiti at ito ang nagbibigay sa malungkot nating buhay ngunit huwag naman sana nating kalimutan na bukod sa puso ay mayroon din tayong utak na kayang isaisip ang tama sa mali. maari din natin itong gamitin samga desisyon na taing gagawin sakali mang maranasan natin ang masawi sa kasalukuyan ang hirap lamang isipin na halos lahat ng kabataan ngayon ay sobra sobra kung magmahal kaya nararanasan nila ang sobrang pagkasawi sa huli. sana matuto tayong higit na mahalin ang ating sarili kaysa sa iba dahil sa aking palagay ito ang pinakamabisang panlaban sa sakit na maidudulot kapag kayo ay nagkahiwalay na dahil walang permanente sa mundo lahat ay nawawala at nagbabago.

hindi naman masama ang umibig lalo na’t kung para naman ito sa kasiyahan ng bawat tao ngunit sana ay alamin natin ang ating limitasyon. hindi maganda sa isang relasyon ang puro puso lang dapat gamitin din ang isip upang hindi ka ganoong masaktan at magmukhang talunan sa huli. Isa pa ay sana matuto tayong higit na mahalin ang ating sarili at bilang parte ng kabataan bakit hindi nalang nating ituon ang ating pagmamahal sa pamilya at diyos na laging nandiyaan para sa atin at hindi tayo iiwan kahit ano pa ang mangyari dahil para sa akin sa kanila natin makakamtan ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng pagmamahal.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni MeiBerKo

Ang talumpati na pinamagatang Kahalagahan Ng Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Kabaitan, Pag-ibig sa Kapwa-tao, at Pagmamahal

Mahal kong mga kapatid, ikinararangal ko ang pribilehiyong magsalita sa inyo sa pandaigdigang pagpupulong na ito ng matatapat na maytaglay ng priesthood ng Diyos. Ngayong gabi, babalikan ko ang paksa na naging talumpati ko na noon.

Inilarawan ni propetang Mormon ang isa sa mahahalagang katangian ng Tagapagligtas na dapat tularan ng Kanyang mga disipulo. Sabi niya:

“Kung ang isang tao ay maamo at may mapagpakumbabang puso, at kinikilala sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na si Jesus ang Cristo, kailangang magkaroon siya ng pag-ibig sa kapwa-tao; sapagkat kung wala siyang pag-ibig sa kapwa-tao ay wala siyang kabuluhan; anupa’t kailangan niyang magkaroon ng pag-ibig sa kapwa-tao.

“At ang pag-ibig sa kapwa-tao ay nagtitiis nang matagal, at mabait, at hindi naiinggit, at hindi palalo, hindi naghahangad para sa kanyang sarili, hindi kaagad nagagalit. …

“Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, kung wala kayong pag-ibig sa kapwa-tao, wala kayong kabuluhan, sapagkat ang pag-ibig sa kapwa-tao kailanman ay hindi nagkukulang. Kaya nga, manangan sa pag-ibig sa kapwa-tao, na pinakadakila sa lahat, sapagkat ang lahat ng bagay ay nagkukulang—

“Datapwat ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo, at iyon ay nagtitiis magpakailanman; at sinumang matagpuang mayroon nito sa huling araw, ay makabubuti sa kanya.”1

Mga kapatid, hindi natin iginagalang ang priesthood ng Diyos kung hindi tayo mabait sa iba.

Ang mahal kong kaibigan at kasamahang si Elder Joseph B. Wirthlin ay totoong isang mabait na tao. Sabi niya:

“Ang kabaitan ang pinakadiwa ng selestiyal na buhay. Mabait makitungo sa kapwa ang taong may katangiang tulad ng kay Cristo. Dapat makita ang kabaitan sa ating salita at kilos, sa trabaho, sa simbahan, at lalo na sa ating mga tahanan.

“Si Jesus, na ating Tagapagligtas, ang pinakamagandang halimbawa ng kabaitan at awa.”2

Itinuturo sa atin ng mga banal na kasulatan na ang matwid na paggamit ng priesthood ay nakasalalay sa pamumuhay natin ng mga alituntunin ng kabaitan, pag-ibig sa kapwa-tao, at pagmamahal. Mababasa natin sa Doktrina at mga Tipan:

“Walang kapangyarihan o impluwensiya na maaari o nararapat na panatilihin sa pamamagitan ng kabanalan ng pagkasaserdote, tanging sa pamamagitan lamang ng paghihikayat, … ng kahinahunan at kaamuan, at ng hindi pakunwaring pag-ibig;

“Sa pamamagitan ng kabaitan, at dalisay na kaalaman, na siyang lubos na magpapalaki ng kaluluwa nang walang pagkukunwari, at walang pandaraya.”3

Mga kapatid, suriin natin ang ating buhay at magpasyang sundin ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagiging mabait, mapagmahal, at may pag-ibig sa kapwa-tao. Sa paggawa natin nito, mas makakapanawagan tayo sa mga kapangyarihan ng kalangitan para sa ating sarili, para sa ating mga pamilya, at para sa mga kasama nating manlalakbay sa kung minsan ay mahirap na paglalakbay pabalik sa ating tahanan sa langit. Ito ang dalangin ko sa pangalan ni Jesucristo, amen.

Talumpati tungkol sa pag-ibig mula sa churchofjesuschrist.org

Ang talumpati na pinamagatang Kabaitan, Pag-ibig sa Kapwa-tao, at Pagmamahal ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig – 14 Halimbawa Ng Maikling Talumpati Tungkol sa Pag-ibig

Talumpati Tungkol sa Pag-ibig

Isa sa mga pinakamahalagang handog sa atin ng dakilang lumikha ay ang pag-ibig. Nang dahil sa pag-ibig tayong lahat ay naging tao. Ang pag-ibig ay may iba’t-ibang uri ng kaanyuan.

May pag-ibig sa dakilang lumikha, sa kapwa-tao, sa alagang hayop, sa kalikasan at kung anu-ano pa na napag-tutuunan natin ng pagmamahal at ng emosyon.

Makapangyarihan ang pag-ibig. Puwede itong magbigay ng buhay at puwede rin itong kumitil ng buhay. Wika nga ng isang tula ni Francisco Balagtas “O, pag-ibig na makapangyarihan pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang”. Isang napakatalinhagang pananalita na nagpaparating ng labis na kapangyarihan sa puso ng isang umiibig.

Walang masama sa kapangyarihan ng isang pag-ibig kung ito ay gagamitin natin sa positibong pananaw at pamamaraan. Magsilbi sana itong inspirasyon lamang sa ating mga puso. Halimbawa dito ay ang pagkakaroon natin ng ating mga sinisinta o iniirog sa buhay.

Huwag tayong magpa-alipin ng tuluyan sa ating puso. Isaalang-alang din natin ang gamit ng ating utak. Alalahanin ninyo na ang lahat ng labis ay lason.

Mayroong pag-ibig na mapagbalat-kayo. Batu-bato sa langit ang tamaan ay huwag magagalit. Karamihan sa mga may mapagbalat-kayong pag-ibig ay mga pulitiko sa ating lipunan. Labis-labis ang kanilang pagmamahal na pinapakita lalo na sa mga mahihirap tuwing malapit na ang panahon ng halalan.

Kahangalan ang tawag sa ganitong uri ng pag-ibig. Sadyang mahirap ang pagbibigay ng walang imbot na uri ng pag-ibig sa ating kapwa. Mayroong mga gumgawa at nagpapakita nito para lang mapuri at maging tanyag. Ang tunay na pag-ibig ay hindi ginagamit para sa sariling interes lamang. Ito ay binibigay na kusa na walang hinihintay na anumang kapalit.

Ang pinakadakila sa lahat ng pag-ibig ay ang pagmamahal ng ating mga magulang. Ito ang pag-ibig na nagsisimula sa loob ng ating mga tahanan. Pagmamahal at pag-aaruga na walang halong kondisyon at hangganan. Para sa akin ang pagmamahal nina tatay at nanay ang pinakamaganda kong biyaya na natanggap mula sa ating dakilang Lumikha.

Ngunit masakit mang sabihin ang pag-ibig na ito ang kadalasan na hindi nabibigyan ng halaga ng bawat isa sa atin, lalong lalo na ng mga kabataan. Mas binibigyang pansin nila ang mga materyal na bagay na bigay ng kanilang mga magulang.

Bago po mahuli ang lahat, lagi nating bigyang halaga ang pagmamahal ng ating mga magulang. Hindi sa lahat ng oras at panahon ay nasa tabi natin sila. Pagyamanin po natin at suklian ang pag-ibig na binibigay nila sa atin mula pa sa ating kamusmusan.

Nilikha ang pag-ibig para magkaroon ng katahimikan, kapayapaan at higit sa lahat ay ang pagkakaunawaan. Huwag po natin itong abusuhin at gamitin sa maling pamamaraan. Magsilbi sana itong sandata at ating saligan para maibsan ang anumang uri ng gusot at suliraning pangkapwa na mayroon tayo.

Kung pag-ibig lamang sana ang mananaig sa bawat puso ninuman, ang galit ay kusang mawawala sa mundo. Tanging kapayapaan at pagmamahalan na lamang ang siyang tunay na maghahari.

Nawa ay maging kasangkapan tayong lahat sa pagpapalaganap ng tunay na adhikain at kahulugan ng salitang pag-ibig. Imulat natin ang mga murang kaisipan ng ating mga anak sa kung ano ang tunay na kaulugan ng pag-ibig.

Busugin natin sila ng tamang kalinga at pagmamahal para sa kanilang paglaki ay pag-ibig rin ang nasa kanilang mga puso. Pag-ibig na busilak at wagas. Walang halong pag-iimbot at pagbabalat-kayo.

Isang uri ng pag-ibig na kaaya-aya hindi lamang sa mata ng tao ngunit sa mata ng dakilang nagbigay nito sa atin. Maging kupido tayo ng makabagong panahon, hindi lamang sa mga magsing-irog kundi sa lahat ng sangkatauhan.

Talumpati tungkol sa pag-ibig mula sa TakdangAralin.com

Ang talumpati na pinamagatang Talumpati Tungkol sa Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Para sa Nag-iisa Kong Ikaw

Para sa nag-iisa kong ikaw. Ikaw na nagpaintindi sa akin kung paano ang umibig. Maligaya akong nakilala kita dahil nalaman ko kung paano ang magbigay ng pagmamahal. Nalaman kong kaya ko pala ang magpahalaga at maging isang bahagi ng relasyon.

Para sa nag-iisa kong ikaw na nagturo sa akin ng daan patungo sa maligayang mundo. Salamat sa iyo dahil nalaman kong napakasayang sundin ang aking puso at di makinig sa iba.


Dahil sa iyo ay narating ko ang tunay na kaligayahan. Ikaw ang dahilan kung bakit naipakita ko sa mundo ang tunay na ngiti at halakhak.

Para sa nag-iisa kong ikaw na lagi kong kasangga. Kakaiba ka kasi ikaw ang nagsilbi kong pagkakapitan sa mga panahong ako ay mahina.

Salamat dahil pinabatid mo sa akin ang pag-ibig ay gamot sa anumang suliranin at minulat ako sa katotohanang hindi ako nag-iisa.

Para sa nag-iisa kong ikaw na wala na ngayon, sana ay masaya ka sa piling ng pinili mo. Batid kong marami akong pagkukulang at sapat na ito upang ako ay iyong iwan. Ikaw pa rin ang nag-iisa kong ikaw kahit sakit ang nararamdaman ko ngayon.

Wala nang makatutumbas sa iyo, hindi na yata makahahanap pa ng ibang katulad mo. Para sa nag-iisa kong ikaw, kahit hindi ako ang nag-iisa sa puso mo.

Talumpati tungkol sa pag-ibig mula sa www.Panitikan.com.ph

Ang talumpati na pinamagatang Para sa Nag-iisa Kong Ikaw ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga?

Je t’aime, Ti amo, Saranghae, Ai shiteru, I love you, ang ilan lamang sa mga salitang nagpapahayag ng damdamin o pagibig ng isang tao na nagmula sa iba’t ibang bansa ngunit ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang “mahal kita”. “Mahal kita” na salitang Filipino na ginagamit ng mga Pilipino at pati na rin ng mga taga ibang bansa sa paglalahad ng kanilang pagmamahal o pagibig sa isang tao.

Ang pagmamahal daw ang pinaka mahalaga at makapangyarihang bagay sa mundo na kayang bumuhay, bumuo pero kaya rin nitong mambulag at manakit. Kaya nitong sumira at kalimutan ang lahat. Ang sabi rin nila, makakaya lang nating magmahal, kung buo tayo, dahil ang tunay na pagmamahal, makakaya lang daw nating ibigay kapag buong-buo na ang pagmamahal natin sa sarili natin. Pero! kapag nagmahal ba tayo ay kailangan mahal din tayo ng minamahal natin? mapakaibigan man o ka-ibigan. Sapat na nga ba na nagmamahal tayo nang walang hinihiling na kapalit? Matatanggap ba nating tayo lang ang nagmamahal o yung tinatawag na “one sided love”? Marami ang naghahanap ng taong mamahalin nila at mamahalin din sila pabalik subalit hindi ba pwedeng magmahal nalang tayo nang magmahal? at masaktan nalang tayo nang masaktan dahil yun naman ang reyalidad diba?! Ang reyalidad na mahirap harapin, unawain, at tanggapin ng marami sa atin. Ang reyalidad na nagiging hadlang sa ating maging masaya nalang pang habambuhay. Mahirap. Ang hirap. Nakakapagod magmahal ng taong alam mong hirap ding mahalin ang sarili niya. Masaya. Ang saya. Masarap sa pakiramdam kapag umiibig ka lalo na at kung iniibig ka rin niya. Pero! Masaya nga bang talaga? Kung ang nararanasan nyo ay malayo na kayo sa isa’t isa pero nakakasakal na?

Je t’aime. Ti’ amo. Saranghae. Ai shiteru. I love you. Mula sa mga salitang nagpapahayag ng seryosng pagmamahal, kailan kaya ako makakarinig ng isang totoong “Mahal kita” ?

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Dalanata

Ang talumpati na pinamagatang Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga? ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Tunay na Pag-ibig

Ikaw nga bang talaga? Isang simpling katanungan na maaaring magmulat sa ating lahat ng katotohonan . Anu nga ba ang salitang ito, maaaring ito’y bay magdulot ng kasiyahan o kalungkutan?

Ngayong tayo’y nasa high school year, dito natin mararadaman ang tinatawag na pag-ibig sa isang lalaki o babae man. Sa una pakiramdam natin ang saya-saya, sa tuwing makikita mo siya sa bawat oras, sa bawat sandali na ayaw mong lumipas. Syempre ito’y normal lamang sa isang tao, at minsan lamang mangyari ito sa parte ng buhay mo na kung tawagin ay “first love”. Sa bawat araw na lumilipas ay may mga pangyayari hindi inaasahan, yung una friends lang kayo ang close niyo sa isa’t-isa ni hindi kayo kayang paghiwalayin ng bagyo o ng kahit sino mang nagtatangkang pag-layuin ang landas niyong dalawa. Ang bawat araw ay puno ng kasiyahan, kaligayahan at harutan niyong dalawa, yung tipong parang kayo lang wala kayong paki-alam sa taong nasa paligid niyo, anu man ang sabihin nila. Hanggang dumating ang sandaling mahulog ang loob mo sa kanya, ngunit hindi mo kayang ipahayag ang tunay na pag-ibig na nadarama mo. Pero siya, simula nang malaman niyang may lihim kang pagtingin sa kanya ay unti-unting nagbabago ang pakiki-tungo niya. Bakit nga ba nagagawa ng isang tao ito? Ang sagot, simple lang hindi naman nating masasabing hindi kanya type kasi yong iba dahil na rin nahihiya siya sayo o may gusto siyang iba. Kaya tayong mga taong bigo, okay lang yan. Isipin na lang din natin na hindi siya yung taong itinakda na magmamahal sa atin habang-buhay,kunting paghihintay at darating din siya malay mo andyan lang siya sa tabi-tabi hindi mo lang napapansin. Bawat isa sa atin na naririto ngayon ay may tinatagong pag-ibig na hindi pa nabubunyag, hanggang kailan pa nga ba natin ito itatago? Maraming istorya sa ngayon ang mababasa natin sa magazine, wattpad,facebook at kung anu pa man na maraming tao ngayon ang tinatawag nating”turpe”. Turpe ito ay ang mga taong walang ibang ginawa kundi ay ang itago ang kanilang feelings sa taong kanilang na iibigan, o maaari ring taong gumagawa ng iba’t-ibang gimik para mapansin ni crush. Natatakot sila kasi ayaw nilang sila’y iwasan ng kanilang nagugustuhan. Pero sana minsan maintindihan niyo ang mga taong ganito, taong mahina ang loob pagdating sa pag-ibig. Kung saka-sakali mang naiinis o nagtatampo na kayo dahil hindi niya kayo nasusuyo, huwag kayong mag-alala kasi may malaking inihanda sila para supresahin at pasayahin ka.

Syempre hindi rin mawawala ang mga taong bigo. Oo maraming magsyota sa ngayun ang nag bi-break dahil na rin sa iba’t-ibang dahilan ilan na rin dito ay ang dala ng selos, kakulangan sa tiwala sa bawat isa, hindi pagtanggap kung anu nga ba talaga siya, at higit sa lahat yung pangbabae o panlalaki na madalas mangyari kung ang babae/lalaki na naibigan mo ay niluloko ka lang. Sabi ko nga kanina, hindi sila para sa inyo. Huwag niyong masyadong dibdibin ang mga sakit na iniwan nila sa iyo, bugkos tumayo ka at iangat ang sarili. Wala na rin tayong magagawa upang baguhin ang tapos na diba sabi nga nila Past is Past. Pero kung ikaw ay may malakas ng loob upang bumangon at umunlad balang araw pag-nakita ka niya ( yung taong pinabayaan ang lahat ng paghihirap at pagmamahal mo ) Maiisip niya na nagkamali siya dahil niloko ka niya. Hindi ko rin sinasabing limutin mo siya ng lubusan at maghiganti pero kung ang taong ito ay may malaking pagsisi sa lahat ng kaniyang ginawa sayo maaari natin/mo siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon upang ipakita niya kung anu ang pagbabago nangyari matapos ang lahat sa inyo. Para sa mga taong nagnanais na umibig huwag niyong madaliin si girl o boy kasi maaaring mainis siya sayo.

Para sabihin ko sa inyo, ako man ay hindi pa nakaranas kung paano nga ba ang tinatawag na tunay na pag-ibig ito ay basi lamang sa aking napapanood at nababasa lalong-lalo na sa Nobela ni Dr. Jos Rizal na nagpaliwana sa akin kung gaano magmahal ng tunay sa iyong kasintahan. Ngunit bago magtapos naiis ko sanang mag-iwan ng kaunting katanungan sa inyong isipan kung anu ng aba talga ang dulot ng pag-ibig sa atin. Kasiyahan o Kalungkutan inaasahan ko inyong mga sagot.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Ianrhold07 

Ang talumpati na pinamagatang Tunay Na Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Misteryo ng Pag-ibig

Napakamisteryoso ng pag-ibig. Maaaring mahal mo noon pero hindi na ngayon. Kaaway mo noon, partner in life mo na ngayon. At, ‘yong mga tipong kaibigan mo lang noon, lihim mo nang mahal ngayon.

Isang pagbati ng mapagmahal na araw sa inyong lahat.

Pag-ibig na marahil ang isa sa mga salitang may napakaraming depinisyon. Nariyan ang “love is blind,” “love is like a rosary,” at kung ano-ano pa. Mga kahulugang nagpapakilig, nagpapaluha at nagdadala sa iyo ng sakit.

Ngunit ang pag-ibig ay dumaraan din sa isang proseso. Prosesong kung tinatawag ay pagbabago. Isang prosesong maglalapit o maglalayo sa inyo. Isang pagsubok na susubok sa katatagan ng pagmamahalan. Yugto na magtatanong sa iyo ng: Gaano ka kahandang maghintay? Hanggang saan ang kaya mong tiisin? Gaano ka katagal kakapit?

Tulad nga ng kataga ng nakararami, “ang pag-ibig ay kakambal ng sakit.” Sa ayaw o sa gusto mo, masasaktan ka o makasasakit ka.

Dito mo marahil mauunawaan na hindi lahat ng minamahal ng isang tao ay nagmamahal din sa kaniya. Hindi lahat ng ngayon ay magiging bukas. Sa isang pitik ng tadhana, maaaring magbago ang lahat. Kaaway na nagkaibigan, pantasiya na naging realidad, pagmamahal na nagtapos sa hiwalayan. Idagdag pa ang forever n asana, naging bato pa.

Pag-ibig, sakit, pag-ibig, sakit – isang paulit-ulit na siklo. Isang siklong magpapatunay kung kayo nga ang itinadhana ng Diyos habambuhay.

Tunay ngang napakamisteryoso ng pag-ibig, Ngunit, ito ang siyang nagbibigy saysay at buhay sa salitang “pag-ibig”. Dumarating ito nang hindi inaasahan. Wala sa plano, wala sa listahan ng mga tipo mo.

Masuwerte ang mga taong nagmamahal ngayon sapagkat natagpuan nila ang bukod-tanging taong nagbigay kasagutan sa misteryo ng pag-ibig. Masuwerte rin ang mga taong lumuluha, naghihintay ngayon sapagkat hindi sila bumagsak sa mga taong hindi nakatadhana sa kanila.

Higit sa lahat, masuwerte tayong lahat dahil may mga taong hindi nagsasawang nagmamahal sa atin. Sila an gating mga kaibigan, mga magulang, mga kamag-anak. At siyempre, ang Diyos na hinding nagsasawang magmahal sa atin.

Misteryoso ang pag-ibig, ngunit ang pag-ibig ay pag-ibig. Magmahalan tayo, iyon ang mahalaga.

Talumpati tungkol sa pag-ibig mula sa Hibarong Filipino

Ang talumpati na pinamagatang Misteryo Ng Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Ang Pag-ibig

Pag-ibig? Ano nga ba ang pag-ibig? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig? Ano bang dulot nito sa isang tao? Bakit ba natin ito nararamdaman? Kayo? Naranasan nyo na bang umibig?

Ang pag ibig ay isang pakiramdam na napakahirap ipahiwatig. Nararamdaman mo ito, ngunit napakahirap bigyang kahulugan. Pakiramdam na nakakapagpabago sa damdamin ng isang tao. At nagdudulot ng iba’t ibang emosyon.

Ang Isang Taong umiibig ay Madalas nakangiti, lutang Ang Isip. Wari ba’y nasa ibang daigdig! O sa madaling sabi “May sariling mundo”, Kinikilig. Pag naiisip ang iniirog lalo na pagka-kasama! Madalas Masaya, kasi nga “iN-LOVE”!

Ang pag-ibig ay napakahirap ipaliwanag, na kahit ang sciencia ay hindi maibatid kung ano nga ba ang pag-ibig. Kaya sigurado ako, na lahat kayo ay naka-relate sa talumpati ko!

Sa mga taong umiibig, iniibig at iibig… Ang pag-ibig ay isang unibersal na pakiramdam. Lahat nakakadama, lahat nakakaranas. Kaya huwag ipagkait ang pagmamahal. Tayo’y magmahalan.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Estephanie May Venerayan

Ang talumpati na pinamagatang Ang Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Kapangyarihan ng Pag-ibig

Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihitnatnan.
PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.

Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.

Wala sa edad, klase ng buhay o kasarian makikita ang pag-ibig. Hanggat may pagmamahalan na namamagitan sa dalawang tao iba man o parehas ang buhay na meron sila wala na dapat tayong itanong pa. Hindi na ako nagulat sa pag-ibig ngayon. Hindi na bago sa akin ang pagmamahalan ng isang matanda at bata, isang mahirap at mayaman o maging dalawang lalaki o babae. Natutuwa pa nga ako dahil sa kabila ng mapanghusgang lipunan nariyan pa rin ang mga taong may kakaibang pagmamahalan. Tinitiis ang bawat masasamang salita na namumutawi sa mga taong makitid ang utak na intindihin ang sitwasyon nila.

Isa pa sa kapangyarihan ng pag-ibig ang TADHANA. Wala ng tatalo sa pagtagpo ng dalawang puso dulot nito. Napakasarap isipin na may mga taong nagiging masaya at maligaya sa kapangyarihang ito. Naghintay ka o naghanap ngunit may isang bagay na makakagawa nito sa isang iglap lang. Nakakatawa man ngunit ito ang katotohanan.

Kung minsan, hindi lang kasiyahan ang dulot ng pag-ibig. Pumapasok ang iba’t ibang suliranin at problema. Ang kasawian at kalungkutan bunga nito. Minsan, negatibong tinuturing ang pagkakaroon ng pag-ibig sa mga taong takot na magmahal at ang masama pa’y sa mga taong takot na masaktan. May iba ngang naniniwala na kailangan nating sumugal sa pagmamahal. Tipong manalo man o matalo, bumalik man o tuluyang mawala yung itinaya natin wala dapat tayong pagsisihan. Yun daw ang tinatawag na UNCONDITIONAL LOVE.

Tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May mga panahong magsasakripisyo tayo para makamit ang kaligayahan o kung sinusuwerte ka madali mong mararamdaman ang magmahal at mahalin. Ngunit kung ano man ang magiging sitwasyon mo at magiging bunga nito; masama man o hindi ito ay dulot ng iyong malayang kaisipan at higit sa lahat ng iyong PUSO.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Anthony Rosales Sarino

Ang talumpati na pinamagatang Kapangyarihan Ng Pag-ibig ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Summary of Mga Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig 2021

Ang pag-ibig ay napakasap sa damdamin. Kaya ang artikulong mga Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon sa pagpapahalaga at pagmamahal sa ating asawa, kasintahan, kaibigan, at kapwa.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig – 14 Halimbawa Ng Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment