TALUMPATI TUNGKOL SA KALIKASAN – Tunghayan ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan tagalog ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
Ang kalikasan ang nagbabalanse sa mundo. Dito nakasalalay ang kinabukasan natin. Napakaganda ng kalikasan, may bundok, gubat, lawa, karagatan at iba pa. Napakagandang tunay ng mundo kaya pangalagaan natin ito.
Bagama’t lahat nang pangangailangan natin ay binibigay ng kalikasan marapat lamang na alagaan natin ito. Ngayon ay marami nang mga organisasyon ang nakatuon sa pagpapangalaga sa kalikasan. Sana kahit sa maliit lang na paraan ay makatulong tayo sa ating inang kalikasan.
Sana sa pamamagitan nitong mga talumpating ito nawa ay maging inspirasyon natin ito sa pagmamahal at pangangalaga sa ating inang kalikasan.
15 Halimbawa Ng Talumpati Tungkol Sa Pangangalaga Sa Kalikasan Tagalog
Time needed: 10 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Talumpati Tungkol sa Kalikasan Tagalog.
- Kalikasan, Ating Pangalagaan!
- Talumpati Tungkol Sa Kalikasan
Talumpati mula sa takdangaralin.ph
- Talumpati Tungkol Sa Kalikasan
Talumpati mula sa pinoynewbie.com
- Kalikasan: Pangalagaan At Ingatan
- Kahalagahan Ng Kalikasan
- Kalikasan
- Kalikasan Ang Ating Paraiso
- Ang Kalikasan Noon At Ngayon
- Inang Kalikasan Ating Pangalagaan
- Muling Buhayin Ang Kalikasan
- Ang Kalikasan At Ang Tao (Walang Pinagkakaiba)
- Talumpating Pangkalikasan
- kalikasan Ay Ating Pangalagaan
- Pangangalaga Ng Kalikasan Para Sa Ikauunlad Ng Bayan
- Ano Ba Ang Nangyayari Sa Ating Kapaligiran?
Halimbawa Ng Talumpati Tungkol Sa Pangangalaga Sa Kalikasan Tagalog

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang Talumpati Tungkol sa Kalikasan Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati.
1. Kalikasan, Ating Pangalagaan!
Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?
Kaming mga Iskolar ng Philberth sa Taal, Batangas ay nagkaroon ng isang workshop/seminar nitong nakaraang June 1-3, 2012. Ang naging tema ng aming workshop ay tungkol sa kalikasan. Isa sa mga ipinaliwanag dito ang kung paano sinisira ang ating kalikasan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Kalikasan, Ating Pangalagaan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Kalikasan, Ating Pangalagaan!“ ni Percy ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran. Ang talumpating ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
2. Talumpati Tungkol sa Kalikasan
Narito ako ngayon upang talakayin ang mga hindi nawawalang isyu na tungkol sa kalikasan. Napakalaki ng pangangailangan ng tao sa kalikasan.
Ang tubig na ating iniinum, karne, gulay, isda at iba pang pagkain na hinahain sa ating mesa, at ang mga materyales na ginagamit sa paggawa ng ating mga kabahayan ay nagmumula lahat sa kalikasan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Talumpati Tungkol sa Kalikasan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran. Ang talumpating ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
3. Talumpati Tungkol Sa Kalikasan
Talumpati Tungkol Sa Kalikasan
Magandang umaga sa inyo mga kaibigan! Naririto ako ngayon sa inyong harapan para maghayag ng aking maikling talumpati tungkol sa kalikasan.
Bago ko simulan ang paghahayag ng aking saloobin, atin munang bigyang kahulugan ang kalikasan. Ano nga ba ito? Bakit kailangan pa nating itong pag-usapan? Ang kalikasan, siyam na letra, apat na patnig, isang salita…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Talumpati Tungkol sa Kalikasan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang Talumpati Tungkol Sa Kalikasan ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran. Ang talumpating ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
4. Kalikasan: Pangalagaan at Ingatan
Paano nga ba mapangangalagaan ang kalikasan at paano ito mas mapagyayaman? Isang napakalaking katanungan.
Kung kalikasan lamang ang pag-uusapan tiyak hindi tayo madedehado. Sapagkat madami tayong mga maipag-mamalaking mga magagandang tanawin. Ngunit sapat na ba ito? Hindi ba’t dapat ay pangalagaan natin ito at pagyamanin? Dahil ang iba ay walang pakialam, mga abusado, at sinisira ang kalikasan!…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Kalikasan: Pangalagaan At Ingatan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Kalikasan: Pangalagaan At Ingatan” ni Rachel Alarcon ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran. Ang talumpating ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
5. Kahalagahan ng Kalikasan
Malaki ang ugnayan ng tao at ng kalikasan. Sa loob ng mahabang panahon,malaki na ang naging pakinabang ng tao sa kalikasan. Ngunit alam nga ba ng ilan kung paano tayo natutulungan ng kalikasan?Sa anong paraan at kung kailan? Ano nga ba ang kahalagahan sa atin ng kalikasan?
“Kalikasan”, simpleng katawagan sa lugar kung saan tayo naninirahan at kumukuha ng pangangailangan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Kahalagahan ng Kalikasan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpati na pinamagatang “Kahalagahan Ng Kalikasan” ni Angelo Asendido ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran. Ang talumpating ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
6. KALIKASAN
Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano nga ba ang kalikasan noon at nagayon?Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran.Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “KALIKASAN” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Delapena Karla ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating inang bayan.
7. Kalikasan ang ating Paraiso
Isang malinis, maayos, sariwang hangin, sagana sa likas na yaman at tirahan iyan ang paraiso. Ito’y buong pusong ihinain n gating may likha ang kalikasang nasasa-ating pangangalaga. Isang paraisong maihahandog sa tao.
Ang paraiso ba natin ay ang ating daigdig. Tunay, isang paraiso ang daigdig….. paraisong likha ng kalikasang nasa kanyang sinapupunan….. kalikasang dito lamang matatagpuan. Hindi ito makikita sa magandang naglalakihang planeta…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Kalikasan ang ating Paraiso” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Milinda O. Bernardino ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran.
8. Ang Kalikasan Noon At Ngayon
Madalas itinuturo sa paaralan ang kahalagahan ng likas na yaman natin ngunit ano nga ba ang kalikasan noon at ngayon?
Kung ikukumpara natin ang kalikasan noon at ngayon, mapapansin natin ang ilang pagbabago na nagaganap sa ating kapaligiran. Noon ang kalikasan natin ay sagana sa mga likas na yaman, maraming puno, sariwang hangin, magandang kapaligiran, tanawin at malinis na dagat at ilog…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Ang Kalikasan Noon At Ngayon” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Lisa Marie Agno ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran.
9. Inang Kalikasan Ating Pangalagaan
“Magandang hapon Ginoong Damaso at sa inyo mga mahal kong kamag-aral. Isang napakalaking karangalan at pribilehiyo na mapaunlakan at makatayo sa inyong harapan upang makapagbigay ng aking kaalaman ukol sa kalikasan.
Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo at biyaya ng ating Panginoon na siyang dapat nating pangalagaan habang tayo ay naririto sa mundong ginagalawan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Inang Kalikasan Ating Pangalagaan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Joyce Wendy Manalo Deciepeda ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating kapaligiran.
10. Muling Buhayin ang Kalikasan
Buong puso po akong pumarito ngayon at haharap sa madla dala ang aking napakahalagang mensahe.
Ang kalikasan ay isang pinakamahlagang bagay sa buhay ng tao. Lahat ng ating pangangailangan ay naibibigay nito. Tayong mga nilalang ay hindi nabubuhay kung wala ang kalikasan. Tayo’y lubos na umaasa sa ibinibigay nito…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Muling Buhayin ang Kalikasan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Jeric B. Ventoza ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kapaligiran. Ang talumpating ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
11. Ang Kalikasan at ang Tao [Walang Pinagkakaiba]
“Ang Diyos ay nilikha tayong lahat ng pantay-pantay”
Sa aking mga kaklase, aking mga minamahal na guro at sa ginagalang nating lahat na mga HURADO, Magandang Hapon po sa inyong lahat.
Magandang Kalikasan at Mapagmahal na tao, Asan kayo?
Nilikha ng Diyos ang tao para pangalagaan ang kanyang mga likha. Ginawa ng Diyos ang Kalikasan hindi para sirain o tapak-tapakan. Dapat ang ating kalikasan ay pinapangalagaan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Ang Kalikasan at ang Tao [Walang Pinagkakaiba]” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Miho ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating inang bayan.
12. Talumpating pangkalikasan
Sa paggising sa umaga at sa pagpasok sa eskuwela. Sa pagkatok sa pintuan nakita ang elektrikpan ako’y nakaharap dito.. Dito! Sa harap ninyo.. Para maunawaan ninyo kung ano ang nakita ko habang papunta sa eskwelahan.
Ang kalikasan ay dapat alagaan ito ay mahalaga dahil sa ito ay nilikha ng Diyos
huwag natin sirain dahil bunga ay kalamidad.
Tayong mga tao ang nilikha ng diyos para mangalaga sa kapaligiran dahil tayong mga tao ang mas pinakamakapangyarihang nilalang na nilikha…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Talumpating pangkalikasan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating inang bayan.
13. Kalikasan ay ating Pangalagaan
Pagmasdan natin ang ating paligid. Natutuwa ba kayo? Natutuwa ba kayo sa kasalukuyang nangyayari sa ating kalikasan? Natutuwa ba kayo sa kaliwa’t kanang mga delubyo?
Kung oo ang iyong, marahil ay hindi mo lubos na nauunawaan ang tunay na kalagayan ng ating kalikasan. Para saiyong kaalaman, sira na… sira na ang kalikasang bumubuhay sa atin. Sira na ang kalikasang pinagkukunan natin. At, sino ang may gawa? Tao!..
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Kalikasan Ay Ating Pangalagaan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Steve Carol ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating inang bayan.
14. Pangangalaga Ng kalikasan Para Sa Ikauunlad Na Bayan
Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lahat ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang.
Mula sa pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok natin ang hangganan ng ating kaalaman…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Pangangalaga Ng kalikasan Para Sa Ikauunlad Na Bayan” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Ang talumpating ito ni Isaachar John L. Legados ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa ating inang bayan.
15. Ano Na Ba Ang Nangyayari Sa Ating Kapaligiran?
Enero pa lang at kauumpisa pa lang ng taon ngunit bakit tila nag-uunahan ang mga kalamidad sa pagdagsa sa ating mundo? Umpisahan natin ang ating talaan sa malawakang sunog sa Australia, giyera sa Middle East, lindol sa iba’t ibang panig ng mundo, pagputok ng bulkang Taal dito sa ating bansa, baha sa Indonesia at Dubai, ang nakaambang pagkatunaw ng mga “glaciers” sa New Zealand, matitinding mga bagyo sa America, at ang pinakahuli ay ang pagdami ng kaso ng nakamamatay na Novel Corona Virus (NCOV) mula China.
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng “Ano Na Ba Ang Nangyayari Sa Ating Kapaligiran?” sa pamamagitan ng pagpindot ng buton sa ilalim.
Konklusyon
Ang kalikasan ang bumubuhay sa atin araw-araw. Ang kalikasan din ang nagbibigay sa atin ng pagkain pati na sa mga hayop. Kaya ang artikulong mga Talumpati Tungkol Sa Kalikasan Tagalog ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon na pahalagahan at mahalin ang ating Inang Kalikasan.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.