Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN – Sa araling ito inyong matutunghayan ang talumpating ito sa kaibigan ng makatang Pilipino. Ang halimbawa ng maikling talumpati ito ay nanggaling sa tunay na nadarama o galing sa puso ng sumulat.

Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan at hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigan kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan at nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN - TALUMPATI
TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN – TALUMPATI

Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

Ang tunay na kaibigan sa tuwina ay kaagapay. Mula sa ating pagkabata naging bahagi na ng ating kamusmusan ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Mga taong kung ituring natin ay hindi na naiiba at kabahagi na ng ating mga pamilya.

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sila ang ating mga sandigan at takbuhan sa oras ng ating mga pangangailangan, lalo na kapag malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay.

Mayroong mga bagay sa buhay na sadyang hindi natin masabi sa ating mga pamilya ngunit nasasabi natin at naidadaing sa ating mga malalapit na kaibigan.

Masarap at maganda ang mamuhay kapag tayo ay napapaligiran ng mga tunay na kaibigan. Nasabi ko na tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kaibigan ay totoo. Mayroong mga tao na sadyang kasa-kasama mo sa tuwina pero hindi mo naman kaibigang tunay.

Ang tagal ng pakikisama mo sa isang tao ay hindi basehan para masabi mo na siya ay kaibigan mo o hindi. Mayroong dalawang uri ng kaibigan. Yaong tunay na kaibigan at ang mga huwad o mapagbalat-kayo. Maging mapanuri at masusi tayo dapat sa pagkakakilanlan ng mga taong kakaibiganin natin. Mahirap ang malinlang at sa bandang huli ay magsisisi.

Ang tunay na kaibigan ay masasabi nating isang malaking biyaya galing sa langit. Sila yong mga tao na maaasahan mo na makakasama mo sa kasayahan o maging sa oras ng kagipitan. Sila ang mga kaibigan na alam mo na kahit nakatalikod ka ay hindi ka susunggaban at sisiraan.

Mahirap humanap ng tunay na kaibigan dahil mangilan-ngilan na lamang sila. Sadyang marami ang mga taong mapagkunwari at mapagbalat-kayo. Sila yong mga naghahanap ng mga taong lolokohin at bibiktimahin nila. Kakaibiganin ka nila hanggang mahulog ang loob mo at makuha nila ng lubos ang iyong tiwala. Mag-ingat sa mga ganitong uri ng tao.

Ang pakikipag-kaibigan ay parang pag-aalaga ng isang halaman sa hardin. Inaalagaan at pinapalago dapat ang samahan para ito ay lumago at tumatag. Kapag natagpuan mo na ang tunay mong kaibigan, mahalin mo ito bigyan ng halaga ang inyong samahan.

Ang tunay na magkakaibigan ay nagbibigayan. maging bukas tayo sa pagbibigay ng mga magagandang papuri maging ng mga bagay na hindi maganda tungkol sa ating kaibigan. Ang hindi pagkonsinti sa maling gawain ng kaibigan ay isang tanda ng tunay at mapagmalasakit na kaibigan.

Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay napakahalaga sa matatag na samahan, at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tunay na pagmamahal na walang halong pag-iimbot.

Kung gusto mo makahanap at mapalibutan ng mga tunay na kaibigan, magsimula ka sa sarili mo. Maging mabuti kang kaibigan sa iyong mga kaibigan.

Talumpati tungkol sa kaibigan tagalog mula sa TakdangAralin.ph

Buod ng Talumpati

Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na mahirap talaga humanap ng tunay kaibigan dahil marami sa ating kaibigan ngayon ay hindi mo matatawag na tunay. Dahil yung iba gagamitin ka lamang at pababayaan pag hindi kana kailangan. Mahalaga ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan na masasandigan at matatakbuhan mo sa oras ng pangangailangan.

Aral ng Talumpati

Ang aral na makukuha sa maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Humanap ng matatawag mong tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kasama mo araw-araw ay tunay na kaibigan. Mayroong dalawang uri ng kaibigan. Yaong tunay na kaibigan at ang mga huwad o mapagbalat-kayo. Maging mapanuri at masusi tayo dapat sa pagkakakilanlan ng mga taong kakaibiganin natin. Mahirap ang malinlang at sa bandang huli ay magsisisi.

Summary

Ang maikling talumpati tungkol sa kaibigan ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang maging mapanuri tayo sa ating kaibigan. Mahalin at pahalagahan natin kapag tayo ay nakatagpo ng tunay na kaibigan dahil bihira na lamang ito.

Para Sa Iba Pang Tula,Talumpati At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa totoo at mabuting kaibigan na pinamagatang “Talumpati Tungkol Sa Kaibigan” Narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng Talumpati Tungkol Sa Kaibigan Para sa iba pang halimbawa ng talumpati tungkol sa kaibigan. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment