Talumpati Tungkol Sa Kaibigan Ni Joy M. Alcantara

TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN NI JOY M ALCANTARA – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ng makatang Pilipino na si Joy M. Alcantara.

Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

KAIBIGAN - TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN
KAIBIGAN – ISANG TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN

Kaibigan

Madaming nagsasabing mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan. Bakit nga ba mahirap magkaroon ng tunay na kaibigan sa panahon natin ngayon? samantalang palakaibigan naman ikaw, ako tayo. pero may mga tao talagang hindi pala kaibigan iilan lang naman saatin ang ganon dahil sa panahon natin ngayon hindi ka mabubuhay kapag hindi ka nakikipagusap lalo na’t kapag kailangan mong magtanong.

Oo, mahirap magkaroon ng kaibigan sa panahon natin ngayon dahil andyan yung salitang plastik ,traydor, talo-talo at iba pa.a na para bang magkasintahan narin kayo dahil sa pagkakaibigan hindi mawawala ang sabihan ng mga problema. Isa itong mahalaga sa buhay natin bukod sa mga pamilya natin…

Talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Joy M. Alcantara

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.

Buod ng Talumpati tungkol sa “Kaibigan” ni Joy M Alcantara

Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na mahirap humanap ng tunay na kaibigan sa panahon natin ngayon.

Mahirap maghanap ng kaibigang masasandalan sa oras ng pangangailangan. May iilang kaibigan na tunay, mayroon namang hindi, at kaibigan ka lamang sa tuwing siya ay may kailangan.

Aral ng Talumpati tungkol sa “Kaibigan” ni Joy M Alcantara

Ang aral na makukuha sa maikling talumpati na ito ay “humanap tayo ng kaibigan na tunay na kaya kang damayan sa oras ng mga pagsubok.” Tunay na kaibigan na hindi plastik at traydor, at kaibigan na mapagkakatiwalaan at maasahan sa kahit ano pang mangyari ay nasa likod pa rin.

Summary

Ang maikling talumpating ito ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating tunay na kaibigan. Humanap rin tayo ng mga tunay na kaibigan na hindi tayo iiwan at pababayaan.

Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!

Iba Pang mga Halimbawa ng Talumpati

Leave a Comment