TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN NG TAKDANGARALIN – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Talumpati tungkol sa Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na nagmula sa takdangaralin.ph.
Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

Talumpati Tungkol Sa Kaibigan
Ang tunay na kaibigan sa tuwina ay kaagapay. Mula sa ating pagkabata naging bahagi na ng ating kamusmusan ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Mga taong kung ituring natin ay hindi na naiiba at kabahagi na ng ating mga pamilya.
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sila ang ating mga sandigan at takbuhan sa oras ng ating mga pangangailangan, lalo na kapag malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay.
Mayroong mga bagay sa buhay na sadyang hindi natin masabi sa ating mga pamilya ngunit nasasabi natin at naidadaing sa ating mga malalapit na kaibigan…
Talumpati tungkol sa kaibigan na nagmula sa TakdangAralin.ph
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng “Talumpati Tungkol Sa Kaibigan”
Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na mahirap talaga humanap ng tunay kaibigan dahil marami sa ating kaibigan ngayon ay hindi mo matatawag na tunay.
Dahil yung iba gagamitin ka lamang at pababayaan pag hindi kana kailangan. Mahalaga ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan na masasandigan at matatakbuhan mo sa oras ng pangangailangan.
Aral ng Talumpati
Ang aral na makukuha sa maikling talumpati na ito ay “humanap ng matatawag mong tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kasama mo araw-araw ay tunay na kaibigan.”
Mayroong dalawang uri ng kaibigan. Yung tunay na kaibigan at ang mga huwad o mapagbalat-kayo. Maging mapanuri at masusi tayo dapat sa pagkakakilanlan ng mga taong kakaibiganin natin. Mahirap ang malinlang at sa bandang huli ay magsisisi.
Summary
Ang maikling talumpati tungkol sa kaibigan ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang maging mapanuri tayo sa ating kaibigan. Mahalin at pahalagahan natin kapag tayo ay nakatagpo ng tunay na kaibigan dahil bihira na lamang ito.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!
Iba Pang mga Halimbawa ng Talumpati
- Talumpati Tungkol Sa Kaibigan Ni Maribel O. Pancho
- Talumpati Tungkol Sa Kaibigan Ni Joy M. Alcantara
- Pagkakaibigan
- Talumpati Tungkol Sa Kaibigan Ni Sunshine G. Epilano
- Kasalanan Nya? O Kasalanan Mo?