Talumpati Tungkol Sa Guro – 5 Maikling Talumpati

TALUMPATI TUNGKOL SA GURO – Ating tunghayan ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pasasalamat sa mga bayaning guro ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang mga guro ang pangalawang magulang at makabagong bayani na humuhubog sa ating magkaroon ng maliwanag na kinabukasan. Hindi madali ang trabaho ng isang guro. Dapat ay may pagmamahal at mahabang pasensya ang isang guro sa kanyang papel na gagampanan.

Kaya kung ikaw ay isang estudyante sa paaralan ating pasalamatan ang ating mga bayaning guro. Malaki ang naging papel nila sa ating kabataan dahil sa kung ano man ang narating natin o mararating sa hinaharap.

See also: Sanaysay Tungkol Sa Guro

Halimbawa ng Maikling Talumpati Tungkol sa Pasasalamat sa mga Guro

Time needed: 5 minutes.

Narito ang mga halimbawa ng talumpati tungkol sa guro.

  1. Talumpati Para Sa Mga Guro

  2. Guro

  3. Guro Ko Aking Idolo

  4. Taas Noo Sa Mga Guro

  5. Talumpati Ng Pasasalamat Sa Guro

TALUMPATI TUNGKOL SA GURO
TALUMPATI TUNGKOL SA GURO

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling talumpati. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng talumpati tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga guro ngayong pandemya.

1. Talumpati Para Sa Mga Guro

Mga guro. Sino nga ba sila para sa inyo? Sabi nila ang mga guro daw ang ikalawang mga magulang natin.

Sila ang nagsisilbing mga gabay natin sa paaralan. Sila ang nagtuturo, sila ang nagdidisiplina at sila ang gumugugol ng oras nila para tayo ay maturuan ng maayos sa loob ng walong oras na pamamalagi natin sa paaralan.

Hindi natin maikakaila na mayroong iba’t-ibang klase ng mga guro. May strikto, may mabait, at may parang barkada lang. Kung papipiliin kayo kung sino ang gusto niyo sa tatlong nabanggit, marahil pipiliin ng karamihan ang mabait at parang barkada lang. Iilan lang marahil ang pipili sa striktong guro…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Talumpati Para Sa Mga Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Talumpati Para Sa Mga Guro” ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.

2. Guro

Guro. Sila ang mga taong naging ikalawang magulang ng lahat. Magulang na nagturo sa atin ng mga kaalamang magsisilbi nating yaman habang sa tayo ay nabubuhay.

Magulang na hindi lamang naglaan ng oras, pagod at boses sa atin, naglaan din ng mga sakripisyo para lamang sa ikatututo natin. Mga magulang na hindi nagsawang itama tayo sa ating mga mali at hindi nagsawang magbigay ng mga pangaral na tumatatak sa puso at isipan natin.

Guro. Sila ang mga taong naging kaibigan natin. Tanggap nila kung ano ang mga kakayanan natin nang walang halong panghuhusga at pangungutya. Kaibigang handang magmukhang katawa-tawa mapasaya at mapangiti ka lamang…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Guro” ay isang halimbawa ng maikling talumpati sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.

3. Guro Ko Aking Idolo

Isang mapagpalang buhay sa ating lahat. Sa inyo mga tagapakinig nawa’y may kumintal na aral sa inyong isipan at tumanim na pagmamahal sa ating mga naging guro aa ating buhay.

Kulang ang isang milyong salamat para ihandog sa ating mga pangalawang magulang, mga nanay at tatay sa paaralan.

Isa ka na ba sa mga nakagalitan, nasigawan, binigyan ng espesyal na tingin sa lahat, pinahalagahan at higit sa lahat kinaurali ng iyong mga naging guro? Ganyan sila. Iba-iba ang kanilang maskara sa makulay nilang mundo sa loob ng klasrum…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Guro Ko Aking Idolo” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Guro Ko Aking Idolo” ni Master MG ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.

4. Taas Noo Sa Mga Guro

Ang pagiging isang guro ay hindi ganoon kadali gaya ng iniisip ng karamihan. Sa likod ng bawat pisara ay mga patak ng pawis at luha ang makikita. Sa bawat aklat na binubuklat ay may nakatagong pait at saya na pinagdadaanan.

Sa bawat leksyon na itinuturo nakatago ang isang malaking butil ng karunungan. Sila na may mabababang sahod ngunit matataas na prinsipyo sa buhay. Sila na walang hinangad kundi ang matuto ang mga mag-aaral. Sila na itinuturing na pangalawang magulang sa paaralan.

Sila na bumubuo ng ating pagkatao bilang mga mag-aaral. Sila na ang binubuno ay araw at gabi maihanda lang ang aralin. Sila na itinuturing na bayani ng bayan. Sila ang mga natatanging GURO na handing maglikod para sa bayan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Taas Noo Sa Mga Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Taas Noo Sa Mga Guro” ay isang halimbawa ng maikling talumpati sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.

5. Talumpati Ng Pasasalamat Sa Guro

PAGBATI SA AMING PUNONGGURO, MGA GURO, MAGULANG AT MAG-AARAL NA NAKIKINIG….

MALAKAS ANG KABOG NG AKING DIBDIB SA UNANG PAGTAPAK SA MUNDO NG HAYSKUL. Bagamat may halong pananabik, wala pa ring ideya na pumapasok sa aking isipan kung ano ang maaaring mangyari sa akin.

Mananatili kaya akong nangunguna sa klase kagaya noong nasa elementarya o kaya’y mas magiging pabaya na mula ngayon. At sumapit na ang apat na taon…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Talumpati Ng Pasasalamat Sa Guro” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Ang talumpati na pinamagatang “Talumpati Ng Pasasalamat Sa Guro” ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pasasalamat sa guro na magbibigay inspirasyon upang pasalamatan at pahalagahan natin ang ating mga guro ngayong pandemya.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Konklusyon

Guro ang tawag sa taong nagturo sa atin na magagamit natin sa pagharap sa hamon ng buhay. Sinakripisyo nila ang kanilang sarili at minahal ang kanilang bokasyon. Kaya ang artikulong Talumpati Para Sa Guro ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang pasalamatan ang ating mga guro.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment