Talumpati Kahulugan, Halimbawa, Bahagi, Layunin At Uri

KAHULUGAN NG TALUMPATI – Sa araling ito ating matutunghayan kung ano ang kahulugan ng talumpati sa Tagalog at mga bahagi, halimbawa, layunin at uri nito.

Ano Ang Kahulugan Ng Talumpati?

Ang talumpati o speech sa Ingles ay isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan nagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa. Ang taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao ay tinatawag na mananalumpati.

Ang talumpati ay itinituring na kumunikasyong pampubliko dahil ang mananalumpati ay nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Mayroong iba’t ibang klase ang talumpati, pinakapopular ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech). Ito ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.

Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag naman na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Kahulugan, Halimbawa, Uri, Bahagi, At Layunin Ng Talumpati

Talumpati Kahulugan - Kahulugan, Uri, Bahagi, Halimbawa, At Layunin Ng Talumpati
Talumpati Kahulugan

Bahagi Ng Talumpati

Batay sa nabasa ninyo sa itaas tungkol sa kung ano ang kahulugan ng talumpati, narito naman ang mga bahagi ng talumpati.

BahagiKahulugan
PamagatSa parteng ito kinukuha ang atensyon ng mga tagapakinig. Dito rin inilalahad ang layunin ng talumpati.
Katawan Sa bahaging ito binabanggit nang husto ang paksa at mga ideya at pananaw.
Katapusan Ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati. Dagdag pa rito, dito isinasaad ang mga pinakamalakas na punto ng talumpati.
Bahagi ng Talumpati

Uri Ng Talumpati Ayon Sa Pamamaraan

Time needed: 2 minutes.

Ngayon na nalaman na natin kung ano ang kahulugan at bahagi ng talumpati, talakayin naman natin ang mga uri ng talumpati.

  1. Talumpating Pampalibang

    Madalas itong binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo o kainan. Sa Uring ito, ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.

  2. Talumpating Nagpapakilala

    Kilala din ito sa tawag na panimulang talumpati. Ito ay karaniwang maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Pakay nitong ihanda ang mga tao at pukawin ang kanilang atensyon sa galing ng kanilang magiging tagapagsalita.

  3. Talumpating Pangkabatiran

    Sa uri ng talumpating ito ay gumagamit ng mga kagamitang makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay. Ginagamit ito sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.

  4. Talumpating Nagbibigay-galang

    Ito ay magandang talumpati sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.

  5. Talumpating Nagpaparangal

    Sa mga okasyon tulad pagbibigay ng parangal sa isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

    Ginagamit rin ito sa iba pang okasyon kagaya ng paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan, paglipat sa katungkulan ng isang kasapi, pamamaalam sa isang yumao at parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo.

  6. Talumpating Pampasigla

    Ang talumpating ito ang siyang pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro, isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro at isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani.

Uri Ng Talumpati Ayon Sa Layunin

Pagkatapos nating talakayin ang kahulugan, bahagi at uri ng talumpati, narito naman ang uri ng talumpati ayon sa layunin.

Uri ng Talumpati Ayon sa PamamaraanKahulugan
DagliIto ay isang uri ng talumpati na hindi pinaghandaan.
MaluwagSa uri ng talumpati na ito, ang mananalumpati ay may panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
PinaghandaanSa uri ng talumpati na ito, maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-aaral sa paksa.
Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan

Layunin Ng Talumpati

Batay sa nabasa ninyo kung ano ang kahulugan, bahagi, at uri ng talumpati, narito naman ang mga layunin ng talumpati.

  • Humikayat
  • Tumugon
  • Maglahad ng paniniwala
  • Magbigay ng impormasyon
  • Mangatwiran

Talumpati Kahulugan – Halimbawa Ng Talumpati

1. Talumpati Tungkol Sa Sarili
“Obra Maestra”

Kinikilala ng buong mundo ang larangan ng sining upang mabisang lunsaran ng pagiging malikhain at kahusayan ng bawat nilalang. Saklaw nito ang pagguhit, pagsayaw, pag-awit, pagpipinta, iskultura, at maging pag-arte.

Ngunit sa lahat ng sining na ito, isa ang pinakamagandang obra ang kinikilala ng daigdig—ang ating mga sarili…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Obra Maestra” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Batay sa kahulugan, bahagi, layunin at uri ng talumpati, narito ang isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Obra Maestra.

2. Talumpati Tungkol Sa Pandemya
Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontlinres

Sa gitna ng COVID-19 pandemic sa buong mundo, patuloy din ang ating mga frontliner sa pagharap at paglaban sa mga hamong dulot nito.

Hindi alintana ang anumang pagod o panganib, walang patid ang pagtupad ng ating mga BAGONG BAYANI sa kanilang sinumpaang tungkulin…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontliners” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Batay sa kahulugan, bahagi, layunin at uri ng talumpati, narito ang isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Mahigpit Na Yakap Sa Ating Mga Bayaning Frontliners.

3. Talumpati Tungkol Sa Droga
Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan

Para sa ating mga ordinaryong mamamayan hinihikayat ko kayo na makibahagi at gawing ang nararapat bilang isang responsableng mamamayan.

Umpisahan natin ang pagpapalaganap ng disiplina at takot sa ating mga anak sa loob mismo ng ating bawat tahanan…

Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talumpati na “Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.

Batay sa kahulugan, bahagi, layunin at uri ng talumpati, narito ang isang halimbawa ng talumpati na pinamagatang Paraan Upang Maiwasan Ito Ng Mga Kabataan.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Konklusyon

Iyan ang mga detalye tungkol sa kung ano ang mga uri ng talumpati at kahulugan nito. Dagdag na rin ang mga bahagi, layunin at halimbawa na makakatulong sa inyo.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong kahulugan ng talumpati. Happy reading and God bless.

We are Proud Pinoy.

1 thought on “Talumpati Kahulugan, Halimbawa, Bahagi, Layunin At Uri”

  1. Salamat nabigyan linis ang aking isipan. Maraming salamat nakapagbigay ng magandang kaliwanagan. Sana marami pang uli ganito para magmalasakit sa katylad namin.

    Reply

Leave a Comment