TALUMPATI: KAHIRAPAN – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang talumpati na pinamagatang “Talumpati: Kahirapan.” Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kahirapan na nagmula sa talumpatikahirapan.blogspot.com.
Ang talumpati na ito ay tungkol sa dinadanas na kahirapan ng ating bansa. Isinasaad dito na ang isa sa mga mabigat na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling talumpati na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa isa sa mga malaking problema ng ating bansa.
TALUMPATI: KAHIRAPAN
Ang Kahirapan ang isa sa mga mabigat na problema sa ating bansa. Halos lahat ng mahihirap lagi nalang nilang sinisisi ang mga gobyerno dahil daw sa di sila nakapagaral at hindi sila makahanap ng trabaho at kung ano ano pa. Pero sila ba talaga ang may kasalanan o yung mga taong tamad? Tama ba na sinisisi natin ang ibang tao dahil sa ating kahirapan? Dapat tayo mismo ang gumagawa ng paraan para umangat tayo sa buhay. Kung palagi nalang tayo aasa sa ibang tao wala tayong mararating sa buhay.
Ang naisip ko may tanging paraan para umangat tayo sa buhay at solusyon sa kahirapan ng ating bansa ay ang pagiging matiyaga dahil may kasabihan nga tayo “kung walang tiyaga, walang nilaga.” Kailangan natin maging matiyaga dahil yun lamang ang paraan para tayo ay umangat sa buhay, hindi yung puro angal nalang, puro salita pero di ka naman gumagawa ng paraan para umangat sa buhay…
Talumpati tungkol sa kahirapan ng bansa mula sa talumpatikahirapan.blogspot.com
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng TALUMPATI: KAHIRAPAN
Ang talumpating ito ay nagsasaad na ang isa sa mga mabigat na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Marami sa mga mahihirap na isinisisi sa gobyerno ang kanilang kahirapan. Ngunit nararapat bang sila ang ating sisihin?
Ang dapat sisihin sa kahirapan ay ang mga taong tamad. Kaya tayo ay magsumikap at magtiyaga upang tagumpay ay ating makuha.
Aral ng Talumpati
Sa talumpating ito, natutunan ko na ang pagtitiyaga at pagsusumikap lamang ang makakatulong sa atin upang tayo ay makaahon sa kahirapan.
Summary
Ang talumpating ito ay nagsasaad na ang isa sa mga mabigat na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Ngunit hindi natin dapat itong isinisisi sa gobyerno kundi sa mga taong tamad. Pagtatiyaga at pagsusumikap ang daan tungo sa karangyaan.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons
- Filipino: Wikang Mapagbago
- Sa Problema ng Kahirapan, Hindi ang Gobyerno, mga Politiko, at…
- Mga Napapanahong Isyu Ngayon: Kahirapan
- Buhay Ng Mahirap
- Kahirapan: Hamon Sa Bawat Pilipino