Talumpati Halimbawa – 10 Halimbawa ng Talumpati (Tagalog) 2021

Talumpati Halimbawa – In this lesson, you will learn about Talumpati and example o halimbawa of talumpati in Tagalog. Ang mga maikling halimbawa ng talumpati Tagalog tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, at pamilya atbp. sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Ang talumpati o speech sa Ingles ay isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan nagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa. Ang taong gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao ay tinatawag na mananalumpati.

Ang talumpati ay itinituring na kumunikasyong pampubliko dahil ang mananalumpati ay nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

See also: Tula Example : 10 Examples of Tula [Tagalog] 2021

Talumpati Kahulugan – Kahulugan, Halimbawa, At Uri Ng Talumpati

Talumpati Halimbawa – 10 Example o Halimbawa ng Talumpati (Tagalog)

Time needed: 10 minutes.

Narito na ang mga example o halimbawa ng maikling talumpati Tagalog.

  1. Talumpati Tungkol Sa Edukasyon

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa edukasyon ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ngayong pandemya sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  2. Talumpati Tungkol Sa Wika

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa wika ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  3. Talumpati Tungkol Sa Kalikasan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang talumpati tungkol sa kalikasan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan tagalog ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  4. Talumpati Tungkol Sa Kabataan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa kabataan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pakikipagrelasyon ng kabataan at droga ay iwasan sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  5. Talumpati Tungkol Sa Pangarap

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa pangarap sa buhay ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa tagumpay at pagkamit sa pangarap ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  6. Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang talumpati tungkol sa kaibigan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa tunay na kaibigan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  7. Talumpati Tungkol Sa Kahirapan

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa kahirapan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kahirapan ng buhay at edukasyon sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  8. Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig sa kasintahan at kapwa ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

  9. Talumpati Tungkol Sa Magulang

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang talumpati tungkol sa dakilang pagmamahal at pasasalamat sa magulang ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kadakilaan ng mga magulang ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.

  10. Talumpati Tungkol Sa Pamilya

    Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang talumpati tungkol sa pamilya ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.

Talumpati Halimbawa – 10 Example o Halimbawa ng Talumpati (Tagalog)

Talumpati Halimbawa - 10 Example o Halimbawa ng Mga Maikling Talumpati (Tagalog) 2021
Talumpati Halimbawa – 10 Example o Halimbawa ng Mga Maikling Talumpati (Tagalog) 2021

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga example o halimbawa ng maikling talumpati Tagalog tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, pamilya atbp. sa Pilipinas.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Edukasyon

Edukasyon ang Solusyon (Talumpati)

Walang duda’t alinlangan, kung gaano kahalaga ang edukasyon sa paghubog ng isang magandang kinabukasan.

“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ang mga salitang ito ay minsang namutawi sa labi ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Siya’y mayroong maraming pangarap sa ating bayan. Hindi lamang ang hangaring makalaya noon sa pananakop ng mga mapang-aping kamay ng mga Kastila kundi pati na rin ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga kawawang Pilipino na madalas laitin ng mga ito. Hindi niya malimot ang mga salitang “Indio” o “mangmang” na karaniwang tawag ng mga mapangilnlang na Espanyol sa mga Pilipino noong panahon ng kolonisasyon. Ninais ni Rizal na mahango sa kahirapan ng buhay ang mga Pilipiino at makakamit lamang iyon kung sila’y makapag-aaral. Ang edukasyon ang susi para mahango sa kahirapan ang mga Pilipino. Iyon ang tanging paraan at wala ng iba pa.

Ngunit nakapanlulumong makita na ang pangarap ni Rizal na mahango sa kahirapan ang mga Pilipino ay nananatiling panaginip na lamang. Wala na rin halos makita sa kanyang mga sinabing, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan sa hinaharap.” Nasaan na ang mga kabataang ito?

Ang mga kabataang pag-asa ng bayan ay wala nang makitang pag-asa sa kasalukuyan. Maraming kabataan ang lulong sa bawal na droga. Marami sa atin ang isinusuka na ng lipunan sapagkat pawang karahasan ang ginagawa. Marami ang nasasangkot sa pagpatay, pagnanakaw, panggagahasa at iba pang krimen. Naging kalbaryo na ng kanilang mga magulang ang mga kabataang ito. Kawawa naman si Rizal na umasa noon na tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayang ito.

May magagawa pa tayo para maisalba ang mga kabataang naliligaw ang landas dahil sa kahirapan. Hindi pa huli ang lahat, di ba mayroong mga programa ang ating pamahalaan sa mga OSY o Out of School Youths ? Halimbawa na lang ang mga DepEd ALS o Alternative Learning System na nagbibigay ng pagkakataon sa mga OSY na makapasok ulit sa paaralan. Marami pang mga programa sa edukasyon ang ating gobyerno upang masugpo ang kahirapan;nandyan na ang pagbibigay ng mga scholarship grants at ’study now, pay later scheme’ para sa mga ‘poor but deserving students’, ang pagpaggawa ng mga paaralan sa bawat barangay upang hindi na tayo mahirapan sa pagpasok sa eskwela.Kung ganoy may pagkakataon pang makapag-balik loob ang mga kapwa nating kabataang naligaw ng landas at nasadlak sa kahirapan.

Kaya naman huwag nating sayangin ang opurtunidad na makapag-aral at makapasok sa isang paaralan. Dahil ang ating mga paaralan ay hindi lamang institusyong pang akademiya at instrumento sa paghubog ng pagkatao ngunit ito’y isang “Training Ground” na rin sa ating mga kabataan upang maihanda ang ating mga sarili sa pagharap sa totoong laban ng buhay at ito rin ay magiging isang susi sa pag-ahon sa ating bayan sa kahirapan…Tayo’y mag-aral ng mabuti,dahil ang ‘edukasyon ay ang solusyon’. At ayon nga sa isang kasabihan, “Ang kaalaman ay hindi mananakaw ninuman.”

Huwag ng magtumpik-tumpik pa, halina’t gisingin natin ang tila natutulog na kaisipan ng kapwa nating kabataan at kusang gugulin ang ating lakas sa pagsulong ng tunay na ikabubuti ng ating bayan. Tayo’y makisangkot sa mga napapanahong isyu, dahil sa pamamagitan ng ating kaalaaman at kuro-kuro ito’y magiging daan sa kaliwanagan at kaunlaran…ipakita natin na ang kahirapan ay hindi hadlang upang maabot ang magandang kinabukasan. At nang sa gano’y karapat-dapat nating sabihin na tayo ang bukas…

Ang pag-asa ng bayan!

Talumpati tungkol sa edukasyon sa new normal mula sa themanwhofelltoearth

Ang talumpati na pinamagatang Edukasyon ang Solusyon (Talumpati) ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ngayong pandemya sa Pilipinas. Ang talumpating ito ay para ipabatid sa lahat na kahalagahan ng pag-aral at ang edukasyon ang susi sa ating mga pangarap sa buhay.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Wika

Pagkakakilanlan ng Wikang Filipino, Sandigan Tungo sa Pandaigdigang Kahusayan.

Sa ating nagagadangahan at naggagawapuhang mga hurado, diterminadong mga guro, masisipag na mag-aaral at magulang, isang napakagandang hapon sa iyong lahat.

Tayo’y naririto upang idaos at mabigyan ng halaga ang ating wika, ang wikang Filipino . Tanda lamang ito na pinayaman na ng panahon ang ating bayan. Makikita  ito sa ating kapaligirang ginagalawan,   mga usapan na maririning sa daan, sa opisina at maging ng dalawang magkaibigan.

Mga karatulang mababasa sa nakasabit sa tyange, sa pintuan at mga gusali at sa ating paaralan, Wikang tinatangkilik at hindi iniwan.

Ang tema ng talumpating ito ay naglalayong maipaipahayag ang kahalagahan ng ating wika bilang pangunahing gamit sa pang-araw-araw nating pakikipagtalastasan. Ito rin ang nagsisilbing sandigan sa pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang larangan.

Taas noo ako sa lahi ko , ang lahing Pilipino, sino ba naman ang makakalimot sa lahing palaban? Anumang pagsubok ay nilampasan! Kalunos-lunos ang sinapit sa Lungsod ng Marawi, nasadlak sa hiningang itim ng putukan subalit sa ngalan ng dasal at pananampalataya, bayan ay natamo ang kalayaan. Bagyo, baha, pagyanig ng lupa, at maging ang pagbulusok ng Bulkang Mayon. Lahat  tayo ay hinamon ng pagkakataon ngunit di tayo nagpasiil! Lumaban at bumangon.

Wala kang may ibabahagi kung wala kang kaalaman. Ito ang sabi ng aking guro. Mga linyang sumusukat sa kakayahan ng ating isipan, tulad ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal, ang kanyang utak ang nagpagising sa natutulog nating bayan, kanyang siniwalat sa kanyang mga aklat, ang kasamaan ng mga dayuhan.

Talumpati tungkol sa wika ni Sir John mula sa proudpinoy.ph

Ang talumpati na pinamagatang Pagkakakilanlan ng Wikang Filipino, Sandigan Tungo sa Pandaigdigang Kahusayan ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang talumpati na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Kalikasan

Kalikasan, Ating Pangalagaan!

Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?

Kaming mga Iskolar ng Philberth sa Taal, Batangas ay nagkaroon ng isang workshop/seminar nitong nakaraang June 1-3, 2012. Ang naging tema ng aming workshop ay tungkol sa kalikasan. Isa sa mga ipinaliwanag dito ang kung paano sinisira ang ating kalikasan. Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa kalikasan upang magkaroon kami ng dagdag kaalaman ukol dito at bilang mga kabataan, ano ang aming magiging hakbang upang maprotektahan ang ating Inang kalikasan at paano namin ito sisimulan. At para magkaroon ng output ang workshop na ito, gumawa kami ng isang teatro na umiikot lamang sa problemang pangkalikasan ng Batangas at maganda naman ang kinalabasan nito.

Batay sa aming nakuhang kaalaman tungkol sa workshop, unti-unti na ngang nasisira ang ating kapaligiran bunga ito ng mga sakunang dumarating sa ating buhay. Marami nang tao ang nagkakasakit dahil na din sa maruming kapaligiran. Ang landslide, flashfloods, at iba pang mga sakuna na galing sa kalikasan ay epekto ng illegal logging sa kabundukan at maging sa kagubatan. Ang Ozone layer ay unti-unti na ring nabubutas dahil sa mga pagsusunog ng basura at sobrang paggamit ng carbon dioxide. Ito ang nagiging sanhi ng Climate Change.

Bilang isang mamamayan ng ating bayan, may magagawa pa tayo para mapigil pa ang mga masasamang epekto nito. Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Laging Tandaan: Nasa Huli ang Pagsisisi.

Ikaw, bilang mamamayan, ano ang magiging hakbang mo upang mapigilan ang ganitong sitwasyon? Paano mo ito sisimulan?

Talumpati tungkol sa pangangalaga sa kalikasan ni Percy mula sa DefinitelyFilipino.com

Ang talumpati na pinamagatang Kalikasan, Ating Pangalagaan! ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang talumpating ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Kabataan

Ang Kabataan sa Makabagong Henerasyon

Ang tangi ko lamang pong layunin ay mabigyan ng kamalayan ang ating mga kababayan at mga magulang. Sapagkat nakikita ko na parang walang pakialam ang iba sa atin lalo na tungkol sa mga kabataang nakikita nating palaboy-laboy sa mga lansangan.

Nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan? Ika nga ng ating pambansang bayani (Dr. Jose P. Rizal) ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ba’y mababaon na lamang ba sa limot? Huwag naman po nating biguin ang ating pambansang bayani. Kaya tayo po’y kumilos habang may panahon pa.

Mga magulang makinig kayo! Huwag ninyong pabayaan na lamang ang inyong mga supling sapagkat kayo ang magtuturo ng daang kanilang tatahakin. Kaya’t habang may panahon pa’y kumilos tayo bigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon. Kaya po nakapag-sulat ang inyong lingkod hinggil dito ay sa kadahilanang kahit saang dako ako pumaroon ay nakikita ko po kawalang pag-asa ng bansang ito.

Sa mga kalunsuran man o sa mga lalawigan patunay ang mga kabataang ligaw ng landas na dapat sana’y nasa mga paaralan.Ngunit nasaan sila? Naroon sa mga lansangan nakikipag laro kay kamatayan maka-amot man lang ng konting barya at ang iba naman ay lulong sa droga ito ang dahilan kaya kahit mga musmos pa’y nakakagawa na ng mga karumal-dumal na mga krimen.

Ito ba ang mga kabataang pag-asa ng ating bayan? Isa itong malaking suliranin sa ating bansa. Kaya dapat na hindi ipag-sawalang bahala sapagkat kapakanan ng ating lipi ang nakataya dito kaya’t pakiusap sa mga magulang alagaan ninyo ang inyong mga supling. Hindi katuwiran ang kahirapan sapagkat ang kahirapan ay kakambal na natin noong tayo ay ipinanganak.

Ang tamaan ay huwag magalit sapagkat may klase ng mga magulang na gusto pa nilang mag trabaho ang kanilang mga anak kahit ala pa sa panahon imbes na mag aral. Meron namang mga magulang na luho ng katawan ang inaatupag imbes na alagaan ang mga anak. Anong klaseng mga magulang kayo? Huwag naman po nating ipahiya ang lahing kayumanggi na minsa’y kinilala sa lahat ng dako hanggang sa kasalukuyan.

Sa aking palagay kahit na ilng medalya pa ang makuha ng ating pambansang kamao ay hindi kayang ikubli ang tunay na imahe ng ating inang bayan. Kaya mga kababayan ko kumilos tayo habang may panahon pa huwag nating hintayin na dayuhan pa ang magsabi na linisin mo ang iyong bayan. Hindi po lalabas tayong kahiya-hiya sa mga taga ibang bansa? Kaya habang may panahon pa sagipin natin ang ating mga kabataan sa maka-mundong kalagayan.

Ito po ang aking saloobin mga minamahal kong mga kababayan magtulungan tayong akayin sa mga mabubuting gawi ang ating mga kabataan.

Talumpati tungkol sa kabataan pag-asa ng bayan mula sa ludwig02.wordpress.com

Ang talumpati na pinamagatang Ang Kabataan Sa Makabagong Henerasyon ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kabataan ng sa Pilipinas. Ang talumpati tungkol sa pakikipagrelasyon at iwasan ang droga ay para maipakita na ang mga kabataan magpukos sa pag-abot ng kanilang pangarap dahil sila ang kinabukasan ng ating bayan.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Pangarap

Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa nila sa aming magkakapatid.At para matulungan ko rin ang 3 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun. Gusto ko rin matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain, pamasahe sa aming magkakapatid at gastos sa kuryente kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa pag-aaral.

Ako ang panganay sa aming magkakapatid, kaming apat ay nag-aaral ako sa college, yung pangalawa ay secondarya at ang dalawang bunso ay elementarya. Hindi sana ako makapagpatuloy sa pag-aaral ngayun dahil sa kahirapan. Gusto ko sanang maghanap nga trabaho kaso pero hindi pa daw pwede dahil sa murang edad ko pa.Nang ang aking ante ay bumisita sa a amin, humingi ako nang tulong na siya ang gagastos sa aking pag-aaral para makatapos ako nga 2 taon pwede na akung mag-trabaho.

Ngayun na 2nd year na ako, hindi ko sasayangin antg ibinigay na opurtunidad na makapagtapos ng pag-aaral. Dahil laging sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa nya pag makatapos ako nang pag-aaral. Ggawin ko ang lahat na makakaya ko na para lang maabot ang aking pangarap na makapag tapos. at para rin na ipagmalaki ako na aking mga magulang na kahit 2 taon lang, nakatungtong ako sa kolehiyo.At laging sabi ng nanay ko na bago ako bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko na matapos ko ang huling taon na pinag-aaralan ko.

Talumpati tungkol sa pangarap ni Mary Jane Tarucan

Ang talumpati na pinamagatang Pangaraap na Makapagtapos sa Pag-aaral ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pangarap sa buhay. Ang talumpati na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Kaibigan

Kaibigan

“Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagi-lagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di mapantayan kahit langit.”

Madalas ko itong marinig sa mga matatanda. Sa kaibigan raw kasi masasalamin ang pagkatao mo. Sa uri at ugali ng kaibigan mo.Lagi kaming nagkakatampuhan ng kaibigan ko dahil lang sa pagkikita namin na madalas ma reset kesa matuloy.Sa isandaang kaibigan ko ay iilan lamang ang tootong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, karamihan sa kanila ay kaibigan ko lang pagdating sa kaligayahan at nalisan kapag ako na ang nangangailangan ng tulong nila. Kunwariy wala sila, may ginagawang importante. Bakit? Hindi ba ko importante? Sa palagay ko nga’y hindi pero nagpapasalamat ako at may natitira pa rin na tunay ang pakikipagkaibigan sa akin, sabi nga nila ay mas tatatag pa daw ito pagdating ng marami pang taon. Pero ano ba ang pagkakaiba ng tunay na kaibigan sa kaibigan?

Ang tunay na kaibigan ay hindi nangangako na hindi ka iiwan pero nandiyan iyan. Ang kaibigan ay mahilig mangako ngunit lagi iyang napapako.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalaglag kahit hirap sila. Ang kaibigan kapag nalamang umaangat ka ay hindi ka na kilala.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka sasamahan kapag may kasama ka, sila ang lalapit kapag mag-isa ka na. Ang kaibigan lumalapit lang para sa tingin ng iba ay kaibigan mo sya.

Ang tunay na kaibigan ay sasaluhin ka kapag babagsak ka. Ang kaibigan kapag bumagsak ka tatawanan ka pa.

Ang tunay na kaibigan hanggang sa huli nandiyan iyan. Ang kaibigan hanggang umpisa lang.

Ang tunay na kaibigan ay hindi malalapitan at matatakbuhan, bagkus sila ang lalapit kapag nangangailangan ka. Ang kaibigan tutulungan ka kapag may nakatingin na iba, pero kapag kayong dalawa na lang, “Bahala ka na”.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinupuri. Ang kaibigan pinupuri ka kapag nakaharap ka lang. Ang tunay na kaibigan ay pinakikinggan ka ng tahimik. Ang kaibigan pag nakinig, lahat makakaalam.

Ang tunay na kaibigan ay hindi binibilang kung gaano kadami ang kaibigan. Ang kaibigan pinipili kung sino ang sasamahan.

Ang tunay na kaibigan ay hindi ginagamit ang pagkakaibigan kapag gipit na. Ang kaibigan nagiging kaibigan kapag hihingi ng pabor.

Ang tunay na kaibigan ay pinupuna ang iyong kamalian. Ang kaibigan kapag may mali ka walang iyang pakialam.

Ang tunay na kaibigan nagsasabihan ng problema kapag may alitan. Ang kaibigan kapag kinausap mo hindi ka papansinin.

Ang tunay na kaibigan kahit magkalayo kayo ay hindi ka kakalimutan. Ang kaibigan kapag malayo ka na hindi ka na kilala.

Ang tunay na kaibigan nagpapahalaga. Ang kaibigan walang pakialam.

Salamat sa ating mga tunay na kaibigan, Oo, mahirap magpasalamat sa kanila.

Talumpati tungkol sa kaibigan tagalog ni Rachelle Pamatmat

Ang talumpati na pinamagatang Kaibigan ay isang halimbawa ng maikli na talumpati tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Kahirapan

Talumpati sa Isyu ng Lipunan: Kahirapan

Isang magandang bati sa lahat!

Iba’t ibang isyu ang kinakaharap ng ating lipunan kung kaya’t kaming mga kabataan ay dapat na may sapat na kaalaman tungkol dito upang hindi na madagdagan ang mga isyung ito.

Sa lahat ng isyung kinakaharap ng ating lipunan isa rito’y nakaagaw ng aking pansin, ang kahirapan.

Kahirapan ang kadalasang napag-uusapang isyu ng lipunan. Dahil sa isyung ito maraming tao ang naapektuhan at nakagagawa ng kasalan, kumakapit sa patalim kumbaga.

Maraming kabataan ang walang natutunan dahil hindi nakakapag-aral bunsod na dala ng kahirapan, walang perang panggastos ang kanilang mga magulang sa kanilang pag-aaral.

Sa halip, ang mga kabataang ito’y natututong magtrabaho kahit wala pa sa tamang edad, natututong magnakaw, gumamit ng droga, mamalimos sa lansangan, magsugal at iba pang hindi kaaya-ayang gawain.

Ang mga gawaing ito ay hindi nararapat na magpatuloy pa sapagka’t ito ay nakakadagdag ng mga suliranin at nagiging panibagong isyu na naman sa ating lipunan.

Sa aking palagay ito’y masosolusyunan kung mabibigyang pansin ang pagkakaroon ng libreng edukasyon ang ating bansa at ang mga magulang na walang trabaho ay bigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho upang magkaroon ng sila ng puhunan na magagamit nila sa pang-araw-araw na gastusin at sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa tingin ko’y isang malaking tulong na ang mga kabataan ay makapag-aral upang magkaroon ng kaalaman kung ano ang tama at ang mali; at nang mababawasan ang mga isyu sa lipunan.

Bilang isang mag-aaral na gustong makatulong sa lipunan kahit sa simpleng paraan lamang, hinihikayat ko ang aking mga kapwa kabataan na mag-aral ng mabuti.

Ang edukasyon ay isang kayaman na hindi kailan man mananakaw sa atin kaya atin itong pahalagahan dahil ito’y makapagbibigay sa atin ng susi ng ating kinabukasan upang makamit natin ang tagumpay.

Dapat tayo ay determinado, may tiwala sa sarili sa bawat gagawin at manalig sa panginoon at humingi ng gabay.

Talumpati tungkol sa kahirapan sa Pilipinas ni Lovely Shaine Consuegra

Ang talumpati na pinamagatang Talumpati sa Isyu ng Lipunan: Kahirapan ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa kahirapan ng buhay at edukasyon sa Pilipinas. Ang talumpating ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Pag-ibig

Unang Pag-Ibig

Ang unang pag-ibig…

Hindi ibig sabihin nito’y una mong nakarelasyon o una mong nakatagpo. Ang unang pag-ibig ay ang kauna-unahang tao na minahal mo ng lubos na higit pa sa inaakala mo. Maaring siya ay ang pang-apat mong kasintahan o pang-pito. O maari rin namang siya ang huli at iyong nakatuluyan.

Masarap umibig, masarap ibigin at lalong masarap ang tunany na pag-ibig. Sabi ng iba, ang unang pag-ibig ay hindi kailanman nalilimot. Hindi kailanman nawawala. Marahil totoo, sa aking pananaw, ang pag-ibig ay hindi nawawala, hindi nauubos, hindi nalilimot. Nanatili ito sa pusong nagmamahal at sa puso ng nagmahal. Ang pag-ibig ay hindi nagmamaliw bagkus nahihigitan lamang ng bagong pag-ibig ngunit ang ligaya at pait ay mananatili ngayon at kailanman.

Sa unang pag-ibig, marami kang maaalala, ang iba’y nanghihinayang, ang iba’y nahihiya at ang iba’y hindi maka-move on. Iba’t ibang damdamin, iba’t ibang paniniwala ngunit ang tamis ng unang pag-ibig ay mananatiling alaala. Alaala ng kahapon, alaala ng mga bagay na nawala at lumipas, alaala ng araw na may mga kakaiba kang nagawa’t napatunayan, alaala ng taong nagpangiti at nagpatibok sa puso mong nananahimik. Ang pait at ligaya, ang araw at oras, ang kwentuhan at iyakan, ang love song at tawagan, ang date at tagpuan, ang pangako at awayan, ang pagsagot at paglisan… Ang lahat ng iyan ay mararanasan sa unang pag-ibig na nakakatuwang balikan.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni PinayAko

Ang talumpati na pinamagatang Unang Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Magulang

Para sa batang hindi kasama sina Nanay at Tatay

Ikaw ba ay bata? Kumusta ka na? Masaya akong kausap ka. Sana, masaya ka ngayon.

Marami ka bang natanggap na regalo noong Pasko? Kung ang sagot mo’y oo, mabuti naman. Kung ang sagot mo’y hindi, mabuti pa rin.

Hindi lang naman sa regalo nagiging masaya ang mga bata. Alam mo ba ang mas mahalaga sa regalo? Ang mas mahalaga sa regalo ay ang pamilya – si Nanay, si Tatay, ikaw at ang mga kapatid mo. Masaya ang lahat kung ang buong pamilya ay magkasama. Alam mo na ito, hindi ba?

Kung wala sina Nanay at Tatay dahil nagtatrabaho sa malayo, huwag kang malungkot. Babalik din naman sila. Kailangan lang nilang kumita ng pera. Hindi nila gustong maging malayo sa iyo. Mahal na mahal ka nila. Kapag nakaipon na sila, makakasama mo na sina Nanay at Tatay. Mayayakap at mahahalikan mo na sila!

Malaking sakripisyo ang ginagawa nila para sa iyo at sa mga kapatid mo. Alam mo ang ibig sabihin ng sakripisyo, hindi ba? Isang halimbawa ng sakripisyo ang pagtitipid ng baon mo. Hindi ka bumibili ng maraming bagay para mabili mo ang isang bagay na gusto mo. Kailangan mong magsakripisyo dahil kulang ang perang hawak mo.

Ano ang malaking sakripisyo nina Nanay at Tatay? Naghanap sila ng trabahong mas malaki ang suweldo. Nakita nila ito sa lugar na malayo sa bahay ninyo. Bakit ba kailangan ng malaking suweldo? Siyempre, para sa inyong magkakapatid ito. Dahil sa ipinapadalang pera nina Nanay at Tatay, nakakapag-aral kayo. Nakakakain din kayo nang tatlong beses isang araw.

Kahit malayo sila, masaya sina Nanay at Tatay kapag nalalaman nilang nasa maganda kayong kalagayan.

Sinulat ko ito hindi lang para kumustahin ka. Gusto ko ring sabihin sa iyong napakaraming batang katulad mo. Marami kasing katulad nina Nanay at Tatay na nagtatrabaho sa malayo. Maraming nahihiwalay sa kanilang mga magulang, hindi lang sa Pasko kundi sa mahabang panahon.

Minsan, nakakainggit ang makitang yakap-yakap ng mga kalaro mo ang nanay at tatay nila. Pero maniwala kang maiinggit din sila kapag ang magulang naman nila ang umalis.

Alam mong masama ang mainggit, hindi ba? Kung gusto mong maging mabuting bata, dapat matuwa ka sa magandang nangyayari sa mga kalaro mo. At kung malungkot sila, dapat sama-sama kayong magsaya. Yayain mo silang maglaro o tulungan mo silang mag-aral. Maraming puwedeng gawin ang mga bata, at mas masaya kung kayo ay sama-sama.

Sama-sama. Mahalagang tandaan ito ng mga batang tulad mo. Uulitin ko. Hindi ka nag-iisa.

Alam mo, masyadong mahabang kuwento kung bakit kailangang umalis sina Nanay at Tatay para lang mabigyan kayong magkakapatid ng mas magandang buhay. Pero huwag na huwag mong isiping nag-iisa ka sa kalungkutan ng paghihiwalay o kasiyahan sa pagbabalik nila.

Ganito rin ang nararanasan kahit ng mga batang hindi mo kakilala. Sa paglaki mo, maganda sigurong kilalanin mo sila. Yayain mo rin sila sa mga gawaing sama-sama.

Salamat sa pagbabasa. Mabuhay ka!

Talumpati tungkol sa pasasalamat sa magulang ni Danilo Araña Arao

Ang talumpati na pinamagatang Para sa batang hindi kasama sina Nanay at Tatay ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga magulang. Ang talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.

Example o Halimbawa Ng Maikling Talumpati tungkol sa Pamilya

Malawig Na Pag-ibig

Pag-ibig. Ano ang unang pumasok sa iyong isipan tuwing ito ay iyong maririnig? Isa ka bang dalagang lulong sa pagpapantasya sa makisig mong nobyo? Marahil pangalan niya ang iyong dagli na sinambitla. Binata, ang isip mo ba ay umaapaw sa mga ala-ala mo kasama ang iyong kasintahan? Siya siguro ang iyong unang nagunita.

Ang mga salitang aking bibigkasin, ang ideya ng talumpating aking ilalahad sainyong harapan ay marahil batid ninyo nang lahat. Kaya’t ang layunin ko ay mapaalalahanan at makilos ang damdamin ng aking mga tagapakinig ukol sa isang paksang mula sa aking puso: Ang Pag-ibig ng Isang Ina.

Mula nang tayo’y nasa sinapupunan nila, ay tayo’y kanila nang binubuhay. Siyam na buwang nagdalang-tao ang ating mga ina. Nang tayo ay mailuwal ay walang tigil na nila tayong inalagaan. Bawat dagok ay sinisikap nilang masolusyonan upang mapalaki tayo ng maayos at maimulat tayong lubos sa mundong ito.

Sa hapag-kainan, hindi mo sila makikitang unang kakain at sasandok ng kanilang ulam at kanin. Tatawagin nila tayo “Anak, kain na.”, at pagmamasdan nila kung sapat ba ang ulam na kanilang inihain. Kanilang kaligayahan na makitang busog ang kanilang mga supling.

Sa pagtulog, wari baga’y hindi sila makapagpapahinga hangga’t hindi nasisiguradong mahimbing na ang pagtulog ng kanilang mga anak.

Dahil sa hirap ng buhay sa daigdig na ating ginagalawan, ay napipilitang maghanap-buhay ang ibang mga ilaw ng tahanan. Kung tayo ay nasasaktan at nangangailangan ng kalinga, ang yakap at haplos ng isang ina ang pinaka makakapagpatibay ng ating puso.

Kung tayo ay may hinihingi, bagamat mahirap ang buhay, ay sisikapin nilang maibigay ito sa atin. Kung wala naman silang maibigay, ay palihim pa silang tatangis sapagkat nasasaktan sila kapag hindi nila naibibigay ang ating mga kahilingan. Hindi nila tayo natitiis.

Malalim ang pagmamahal ng isang ina. Tayo ang laman ng kanilang mga panalangin. Kung tayo’y nagkakasakit ay sila ang umaaruga sa atin at isinisigaw ng kanilang damdamin na “Sana ako nalang ang nagkasakit.”

O mga kapatid, kay lungkot isipin na marami sa atin ang hindi marunong gumalang sa mga magulang. Tama kaya ang tayo’y magdabog at sumagot ng pabalang? Mainam ba sa pandinig ang pagrereklamo ng isang anak? Isipin nalamang natin ang magiging buhay natin kung wala tayong ina. Una ay wala tayo dito ngayon, Walang lutong almusal at hapunan tayong daratnan. Tayo ang maglalaba at magtutupi ng ating sariling mga damit. Ni ang pagluluto at pamimili ay tayo ang gagawa.

Nawa ay ating lingunin ang mabubuting sakripisyo ng ating mga magulang. Tumanaw tayo ng utang na loob. Maging mapagkumbaba, mapagpasakop at mapagmahal sa ating Ina na siyang pumapahid sa bawat luha ng ating mga mata, mula sa pag kasanggol, hanggang sa dako paroon ng kanilang buhay ay nananatili silang mga tagasubaybay. Paano man nila tayo pinalaki ay hindi maikukubli ang lalim ng pag-ibig ng isang ina na hindi nagbabago hanggang sa kanilang huling hininga.

Talumpati tungkol sa pamilya ni rizaro

Ang talumpati na pinamagatang Malawig Na Pag-ibig ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal sa pamilya. Ang talumpati na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng mga sumulat tungkol sa ating pamilya.

Para Sa Iba Pang Filipino Lessons

Summary of Mga Maikling Talumpati Example Tagalog

Ang buhay ay sadyang makabuluhan. Ito ang biyaya ng Diyos na ating dapat pahalagahan. Kaya ang artikulong mga Example o Maikling Halimbawa ng Talumpati Tagalog ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na dapat pahalagahan at mahalin natin ang ating buhay.

Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling example o halimbawa ng Talumpati Tagalog. Happy reading and God bless.

Inquiries

If you have any questions or suggestions about, Talumpati Halimbawa – 10 Halimbawa ng Talumpati (Tagalog) 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.

We are Proud Pinoy.

Leave a Comment