Talumpati Example – In this lesson, you will learn about Talumpati and an example of talumpati in Tagalog. Ang mga maikling example ng talumpati tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, at pamilya sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
Ang talumpati ay ang pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Dagdag pa rito, ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa at ito ay binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin ng talumpati ay humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman, at maglahad ng isang paniniwala.
Sana sa pamamagitan nitong mga talumpati examples ay maging inspirasyon natin para pahalagahan ang ating buhay at kapwa. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng mga maikling example ng talumpati sa Tagalog.
See also: Talumpati In English Translation
Talumpati Example : 10 Example of Talumpati [Tagalog] 2021
Time needed: 10 minutes.
Narito ang mga Halimbawa ng Talumpati Examples Tagalog.
- Talumpati tungkol sa Wika
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa wika ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Pangarap
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa pangarap sa buhay ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa tagumpay at pagkamit sa pangarap ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Pamilya
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang talumpati tungkol sa pamilya ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa pagmamahal sa pamilya ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Pag-ibig
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa pag-ibig sa kasintahan at kapwa ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Magulang
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang talumpati tungkol sa dakilang pagmamahal at pasasalamat sa magulang ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa kadakilaan ng mga magulang ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Kalikasan
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa kalikasan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa pangangalaga at pagmamahal sa kalikasan tagalog ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Kaibigan
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang tula tungkol sa kaibigan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa tunay na kaibigan ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Kahirapan
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa kahirapan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa kahirapan ng buhay at edukasyon sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Kabataan
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa kabataan ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa pakikipagrelasyon ng kabataan at droga ay iwasan sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
- Talumpati tungkol sa Edukasyon
Sa araling ito inyong matutunghayan ang ang mga kinalap at pinagsama-samang maikling talumpati tungkol sa edukasyon ng mga makatang Pilipino. Ang mga halimbawa ng maikling example ng talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ngayong pandemya sa Pilipinas ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
Talumpati Example : 10 Example of Talumpati [Tagalog] 2021

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang maikling Talumpati Example Tagalog. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng talumpati tungkol sa edukasyon, wika, kalikasan, kabataan, pangarap, kaibigan, kahirapan, pag-ibig, magulang, at pamilya sa Pilipinas.
Talumpati Example Tungkol Sa Wika Tagalog
Wikang Filipino: Wikang panlahat, ilaw at lakas, sa tuwid na landas
Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon ng globalisasyon? At paano natin ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago?
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika. Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.
Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan.
Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika. Kagaya sa website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang medium o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan ng mga Pilipinong gumagamit nito kung paano paganahin ito. Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede na sa wikang Filipino. Kamakailan lamang ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music video kung saan tampok ang isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay si David DiMuzio na lumabas na sa iba’t-ibang programa dito sa ating bansa.
Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa Estados Unidos ang nagsasalita sa wikang Filipino at ito ang pang-apat na lengwahe na parating ginagamit ng mga tao roon. Hindi rin mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan natututunan ng mga banyaga kung paano magsalita sa Filipino.
Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating pahalagahan at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung nandito ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang lubos na makilala ang kultura at panitikan ng ating lipunan.
Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at ito ang pagbabago sa lipunan. Nawa’y ating gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang Filipino at taas-noo tayong magsalita sa ating sariling wika!
Talumpati tungkol sa wika mula sa TheFilipinoServant.wordpress.com
Ang talumpati na pinamagatang Wikang Filipino: Wikang panlahat, ilaw at lakas, sa tuwid na landas ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang maikling example ng talumpati na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.
Talumpati Example Tungkol Sa Pangarap Tagalog
Pangarap na Makapagtapos sa Pag-aaral
Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, noong bata pa ako gusto ko nang makapagtapos sa pag-aaral upang masuklian ko ang mga kabutihang ginawa nila sa aming magkakapatid.At para matulungan ko rin ang 3 kung mga nakakabatang kapatid na sila rin ay makapagtapos sa pag-aaral para dumating din ang panahon na magkaroon sila nga sariling pamilya, hindi nila maranasan ang kahirapan na hinaharap namin ngayun. Gusto ko rin matulungan ang aking mga magulang sa mga gastusin sa bahay, gaya ngayon , mahal na ang mga bilihin, araw-araw na gastusin sa pagkain, pamasahe sa aming magkakapatid at gastos sa kuryente kaya pagsikapan ko na makatapos ako sa pag-aaral.
Ako ang panganay sa aming magkakapatid, kaming apat ay nag-aaral ako sa college, yung pangalawa ay secondarya at ang dalawang bunso ay elementarya. Hindi sana ako makapagpatuloy sa pag-aaral ngayun dahil sa kahirapan. Gusto ko sanang maghanap nga trabaho kaso pero hindi pa daw pwede dahil sa murang edad ko pa.Nang ang aking ante ay bumisita sa a amin, humingi ako nang tulong na siya ang gagastos sa aking pag-aaral para makatapos ako nga 2 taon pwede na akung mag-trabaho.
Ngayun na 2nd year na ako, hindi ko sasayangin antg ibinigay na opurtunidad na makapagtapos ng pag-aaral. Dahil laging sinasabi na aking nanay na ako ang pag-asa nya pag makatapos ako nang pag-aaral. Ggawin ko ang lahat na makakaya ko na para lang maabot ang aking pangarap na makapag tapos. at para rin na ipagmalaki ako na aking mga magulang na kahit 2 taon lang, nakatungtong ako sa kolehiyo.At laging sabi ng nanay ko na bago ako bumuo nang sarili kung pamilya, unahin ko muna sila pero hindi nila alam na yun ang plano ko. Gagawin ko ang lahat na makakaya ko na matapos ko ang huling taon na pinag-aaralan ko.
Talumpati tungkol sa pangarap ni Mary Jane Tarucan
Ang talumpati na pinamagatang Pangaraap na Makapagtapos sa Pag-aaral ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pangarap sa buhay. Ang maikling example ng talumpati na ito ay para maipakita ang mga karanasan ng sumulat tungkol sa tagumpay at pagkamit ng pangarap sa buhay.
Talumpati Example Tungkol Sa Pamilya Tagalog
Sandalan
Mayroong kasabihan na mas matimbang ang dugo kaysa sa tubig o sa ingles ay blood is thicker than water. Simula sa pagkamulat ng ating musmos na kaisipan, pamilya natin ang mga nasa tabi natin.
Andiyan sina tatay, nanay, kuya, ate at si bunso. Kahit na salat tayo sa buhay kung kumpleto, malusog, at masaya ang ating pamilya ay masasabi natin na bukod na tayong pinagpala.
Ang buhay ng isang pamilya ay sadyang puno ng mga pagsubok. Pagsubok na kung minsan ay nagpapatumba sa atin at nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak ng bawat miyembro ng ating mag-anak.
Hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan, kahit na sabihin pa nating iisang dugo lang ang nanalaytay ating mga ugat. Ngunit kahit ano pa man ang mangyari, sa oras ng kagipitan ay hinding-hindi natin matitiis ang tumulong sa ating mga kapamilya.
Sa bawat tagumpay na ating narating o natamasa sa ating buhay, hindi mo mararamdaman ang tunay na kasiyahan kung wala sa tabi mo ang iyong pamilya.
Mga pamilyang nagbibigay ng inspirasyon upang tayo ay magpunyagi at lumaban para makamit ang tagumpay na minimithi. Palaging may kulang sa ating pagkatao kung wala ang mga pamilya mo sa tabi mo.
Iba ang kasiyahang hatid ng mayroong pamilya na alam mo na aalalay sa iyo sa oras ng iyong pangangailangan. Masarap magkaroon ng mga taong alam mo na magmamahal at iintindi sa iyo ng walang hinihintay na anumang kapalit.
Higit sa lahat, masaya ang magkaroon ng mga taong alam mo na kahit ano pa ang mga pinagdaanan ninyo na hindi maganda noon ay sila pa rin ang iyong magiging huling kanlungan.
Mahalin natin at bigyang halaga ang ating mga pamilya, lalo na ang ating mga magulang. Dapat pagtanda nila ay ipadama natin sa kanila ang kalinga na ibinigay nila sa atin noong tayo ay mga bata pa. Sa unti-unnting pagkaubos ng kanilang mga lakas, akayin natin sila gaya ng pag-akay nila sa atin mula pa sa unang paghakbang natin.
Talumpati tungkol sa pamilya mula sa talumpati.info
Ang talumpati na pinamagatang Sandalan ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa pagmamahal sa pamilya. Ang maikling example ng talumpati na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng mga sumulat tungkol sa ating pamilya.
Talumpati Example Tungkol Sa Pag-ibig Tagalog
Pagkatuto sa Pag-Ibig
“Don’t look for LOVE let LOVE look for you”, isang linyang galing sa isang palabas na naging bukang bibig ko na din. Madalas pag may humihingi sa kin ng payo yan ang sinasabi ko. Tama nga naman kasi, wag mong hanapin ang pag-ibig, hayaan mong sila ang humanap sayo. Kabaliktaran naman sa sinasabi nilang, ” Paano mo makikita ang taong para sa yo kung hindi ka gagawa ng paraan para makita siya? ” Tama nga din,kailangan mong ding gumawa ng paraan para hanapin kung sino man ang taong nakatadhana sayo. Ngunit, magulo, napakagulo ng mundo ng pag-ibig.. Maraming matalinhaga na may kaakibat na kabaliktaran katulad ng :
– Mahal mo , hindi ka mahal, tapos yung hindi mo mahal, mahal ka.
– Manhid siya, tanga ka
– Hinahanap mo ang taong tama para sayo, pero sa mali ka nahulog.
– Taong kinaiinisan mo noon, pero taong minamahal mo ngayon
– Moved On sa salita, pero hindi sa gawa.
– Pinagpupuyatan mo para lang sagutin ka, tapos pag kayo na, binabalewala mo na.
– Minamahal mo ng patago, takot kang umamin pero mahal ka rin pala at kung kelan huli na, wala na may mahal na siyang iba.
– Love as an inspiration, Love as a destruction.
– Pangakong napapako at sinusulat sa tubig.
– At syempre, pagmamahal ng kaibigan na matakot sabihin ang nararamdaman dahil sa pagkakaibigan.Mga talinhaga ng pag-ibig para sa mga kabataan na tulad ko.Siguro nga, masyado nang nalulong kaming mga kabataan sa PAG-IBIG, maaring masama, maari ring mabuti ang naidudulot. Tulad sa pag-aaral, masasabing masama kung nagiging sagabal at nakakasira ito. Yun tipong mas inuuna ang “LABLYF” kung tawagin kesa sa pag-aaral.Mabuti naman kung ito ay nagiging inspirasyon, yun tipong matataas ang grades, nagpapakitang gilas para sa kanyang iniibig, yun maganda yun.Syempre,hindi mawawala sa masamang naidudulot ng PAG-IBIG ang pagiging batang ina at batang ama at yun ang pinakamalala sa lahat.
Marahil, lahat naman ng aming pagkakamali lalo na pagdating sa pag-ibig ay meron kaming aral na napupulot o sabihin na nating meron kaming pagkakatuto. Sabi nga, ” Mistakes are made for us to realize what is right” , sa bawat pagkakamali namin, nandyan din yung pagkatuto. Pagkatuto kung saan hindi lang namin itatanim sa isip at puso namin, bagkos sasamahan namin ng gawa.
– Natutunan na ang Pag-Ibig hindi minamadali, kailangan hinihintay ang tamang oras at panahon na kung saan doon ibibigay ang buong pagmamahal .Kung dumating man ang maling tao, at hindi napigilan ang nararamdaman, mamahalin yong taong yun ngunit magtitira sa sarili para kung dumating man ang tamang tao meron pa kaming maibibigay.
– Na ang Pag-Ibig ay hindi isang laro, ito ay isang seryosong bagay na hindi namin kailangan madaliin.
– Na ang Pag-Ibig ay kailangan maging isang inspirasyon sa amin hindi isang destruksyon
– Na ang Pag-Ibig ay isang emosyon na maaring magpabago ng isang indibidwal.
– Na kakambal ang PAG-IBIG ang PAGKABIGO, kaya kailangan handa kang masaktan at handa kang magparaya kung kinakailangan.Siguro nga, hanggang ngayon ang PAG-IBIG ay isa sa malaking problema ng kabataan ngayon, subalit parte na yun ng buhay. Lahat tao nagmamahal, siguro yung iba sa maling panahon, maling oras at maling pagkakataon. Ngunit dadating ang panahon na magmamahal din tayo, masasaktan at sa huli maaring maging masaya, nasa pagtanggap lang yan, kung paano mo tatanggapin ang taong nagmamahal sayo, kung paano mo tatanggapin lahat lahat sa kanya at kung paano mo tatanggapin ang pag-ibig na nakalaan sa yo.Walang taong hindi nagmamahal at hindi nasasaktan dahil magkakambal ang PAG-IBIG at PAGKABIGO. Pero ito lang ang masasabi, hanggang may nagmamahal sayo, wag kang magsasawang mahalin din ang taong mahal mo, hindi ka man niya mahal, dadating ang taong mamahalin ka ng buong-buo at duon mo ibigay ang pagmamahal mo ng walang labis at walang kulang.
Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Martin Ceazar Hermocilla
Ang talumpati na pinamagatang Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang maikling example ng talumpati na ito ay para sa ating iniibig na asawa, kasintahan, kaibigan, kapwa, at pamilya.
Talumpati Example Tungkol Sa Magulang Tagalog
Para sa batang hindi kasama sina Nanay at Tatay
Ikaw ba ay bata? Kumusta ka na? Masaya akong kausap ka. Sana, masaya ka ngayon.
Marami ka bang natanggap na regalo noong Pasko? Kung ang sagot mo’y oo, mabuti naman. Kung ang sagot mo’y hindi, mabuti pa rin.
Hindi lang naman sa regalo nagiging masaya ang mga bata. Alam mo ba ang mas mahalaga sa regalo? Ang mas mahalaga sa regalo ay ang pamilya – si Nanay, si Tatay, ikaw at ang mga kapatid mo. Masaya ang lahat kung ang buong pamilya ay magkasama. Alam mo na ito, hindi ba?
Kung wala sina Nanay at Tatay dahil nagtatrabaho sa malayo, huwag kang malungkot. Babalik din naman sila. Kailangan lang nilang kumita ng pera. Hindi nila gustong maging malayo sa iyo. Mahal na mahal ka nila. Kapag nakaipon na sila, makakasama mo na sina Nanay at Tatay. Mayayakap at mahahalikan mo na sila!
Malaking sakripisyo ang ginagawa nila para sa iyo at sa mga kapatid mo. Alam mo ang ibig sabihin ng sakripisyo, hindi ba? Isang halimbawa ng sakripisyo ang pagtitipid ng baon mo. Hindi ka bumibili ng maraming bagay para mabili mo ang isang bagay na gusto mo. Kailangan mong magsakripisyo dahil kulang ang perang hawak mo.
Ano ang malaking sakripisyo nina Nanay at Tatay? Naghanap sila ng trabahong mas malaki ang suweldo. Nakita nila ito sa lugar na malayo sa bahay ninyo. Bakit ba kailangan ng malaking suweldo? Siyempre, para sa inyong magkakapatid ito. Dahil sa ipinapadalang pera nina Nanay at Tatay, nakakapag-aral kayo. Nakakakain din kayo nang tatlong beses isang araw.
Kahit malayo sila, masaya sina Nanay at Tatay kapag nalalaman nilang nasa maganda kayong kalagayan.
Sinulat ko ito hindi lang para kumustahin ka. Gusto ko ring sabihin sa iyong napakaraming batang katulad mo. Marami kasing katulad nina Nanay at Tatay na nagtatrabaho sa malayo. Maraming nahihiwalay sa kanilang mga magulang, hindi lang sa Pasko kundi sa mahabang panahon.
Minsan, nakakainggit ang makitang yakap-yakap ng mga kalaro mo ang nanay at tatay nila. Pero maniwala kang maiinggit din sila kapag ang magulang naman nila ang umalis.
Alam mong masama ang mainggit, hindi ba? Kung gusto mong maging mabuting bata, dapat matuwa ka sa magandang nangyayari sa mga kalaro mo. At kung malungkot sila, dapat sama-sama kayong magsaya. Yayain mo silang maglaro o tulungan mo silang mag-aral. Maraming puwedeng gawin ang mga bata, at mas masaya kung kayo ay sama-sama.
Sama-sama. Mahalagang tandaan ito ng mga batang tulad mo. Uulitin ko. Hindi ka nag-iisa.
Alam mo, masyadong mahabang kuwento kung bakit kailangang umalis sina Nanay at Tatay para lang mabigyan kayong magkakapatid ng mas magandang buhay. Pero huwag na huwag mong isiping nag-iisa ka sa kalungkutan ng paghihiwalay o kasiyahan sa pagbabalik nila.
Ganito rin ang nararanasan kahit ng mga batang hindi mo kakilala. Sa paglaki mo, maganda sigurong kilalanin mo sila. Yayain mo rin sila sa mga gawaing sama-sama.
Salamat sa pagbabasa. Mabuhay ka!
Talumpati tungkol sa pasasalamat sa magulang ni Danilo Araña Arao
Ang talumpati na pinamagatang Para sa batang hindi kasama sina Nanay at Tatay ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga magulang. Ang maikling example ng talumpati na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang.
Talumpati Example : 10 Example of Talumpati [Tagalog] 2021
Talumpati Example Tungkol Sa Kalikasan Tagalog
Kalikasan, Ating Pangalagaan!
Ang kalikasan ang isa sa mga pinakamagandang regalo ng Diyos sa atin kaya dapat natin itong pangalagaan. Subalit sa halip na pangalagaan, kapabayaan ang aking nakikita. ‘Di ba kaya nga nilikha ang tao para pangalagaan ito?
Kaming mga Iskolar ng Philberth sa Taal, Batangas ay nagkaroon ng isang workshop/seminar nitong nakaraang June 1-3, 2012. Ang naging tema ng aming workshop ay tungkol sa kalikasan. Isa sa mga ipinaliwanag dito ang kung paano sinisira ang ating kalikasan. Sa loob ng tatlong araw, nagkaroon kami ng talakayan tungkol sa kalikasan upang magkaroon kami ng dagdag kaalaman ukol dito at bilang mga kabataan, ano ang aming magiging hakbang upang maprotektahan ang ating Inang kalikasan at paano namin ito sisimulan. At para magkaroon ng output ang workshop na ito, gumawa kami ng isang teatro na umiikot lamang sa problemang pangkalikasan ng Batangas at maganda naman ang kinalabasan nito.
Batay sa aming nakuhang kaalaman tungkol sa workshop, unti-unti na ngang nasisira ang ating kapaligiran bunga ito ng mga sakunang dumarating sa ating buhay. Marami nang tao ang nagkakasakit dahil na din sa maruming kapaligiran. Ang landslide, flashfloods, at iba pang mga sakuna na galing sa kalikasan ay epekto ng illegal logging sa kabundukan at maging sa kagubatan. Ang Ozone layer ay unti-unti na ring nabubutas dahil sa mga pagsusunog ng basura at sobrang paggamit ng carbon dioxide. Ito ang nagiging sanhi ng Climate Change.
Bilang isang mamamayan ng ating bayan, may magagawa pa tayo para mapigil pa ang mga masasamang epekto nito. Hindi pa huli ang lahat upang mapigil ito. Ngunit kung papairalin natin ang ating kapabayaan, patuloy na masisira ang ating kalikasan at wag tayong mabibigla kung may dumating sa ating ganti ng kalikasan. Laging Tandaan: Nasa Huli ang Pagsisisi.
Ikaw, bilang mamamayan, ano ang magiging hakbang mo upang mapigilan ang ganitong sitwasyon? Paano mo ito sisimulan?
Talumpati tungkol sa pangangalaga sa kalikasan ni Percy mula sa DefinitelyFilipino.com
Ang talumpati na pinamagatang Kalikasan, Ating Pangalagaan! ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan. Ang maikling example ng talumpati na ito ay para sa ating inang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan.
Talumpati Example Tungkol Sa Kaibigan Tagalog
Kaibigan
“Ang kaibigan ay hindi yung taong kausap mo araw-araw, o kasama mo lagi-lagi. Ang kaibigan ay yung taong nagparamdam sayo, kahit isang sandali, na walang problema sa mundo, na kumpleto na ng iyong buhay, at pwede ka nang mamatay at maglaho, dahil nakaramdam ka na ng kasiyahang di mapantayan kahit langit.”
Madalas ko itong marinig sa mga matatanda. Sa kaibigan raw kasi masasalamin ang pagkatao mo. Sa uri at ugali ng kaibigan mo.Lagi kaming nagkakatampuhan ng kaibigan ko dahil lang sa pagkikita namin na madalas ma reset kesa matuloy.Sa isandaang kaibigan ko ay iilan lamang ang tootong nagmamahal at nagpapahalaga sa akin, karamihan sa kanila ay kaibigan ko lang pagdating sa kaligayahan at nalisan kapag ako na ang nangangailangan ng tulong nila. Kunwariy wala sila, may ginagawang importante. Bakit? Hindi ba ko importante? Sa palagay ko nga’y hindi pero nagpapasalamat ako at may natitira pa rin na tunay ang pakikipagkaibigan sa akin, sabi nga nila ay mas tatatag pa daw ito pagdating ng marami pang taon. Pero ano ba ang pagkakaiba ng tunay na kaibigan sa kaibigan?
Ang tunay na kaibigan ay hindi nangangako na hindi ka iiwan pero nandiyan iyan. Ang kaibigan ay mahilig mangako ngunit lagi iyang napapako.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka ilalaglag kahit hirap sila. Ang kaibigan kapag nalamang umaangat ka ay hindi ka na kilala.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka sasamahan kapag may kasama ka, sila ang lalapit kapag mag-isa ka na. Ang kaibigan lumalapit lang para sa tingin ng iba ay kaibigan mo sya.
Ang tunay na kaibigan ay sasaluhin ka kapag babagsak ka. Ang kaibigan kapag bumagsak ka tatawanan ka pa.
Ang tunay na kaibigan hanggang sa huli nandiyan iyan. Ang kaibigan hanggang umpisa lang.
Ang tunay na kaibigan ay hindi malalapitan at matatakbuhan, bagkus sila ang lalapit kapag nangangailangan ka. Ang kaibigan tutulungan ka kapag may nakatingin na iba, pero kapag kayong dalawa na lang, “Bahala ka na”.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinupuri. Ang kaibigan pinupuri ka kapag nakaharap ka lang. Ang tunay na kaibigan ay pinakikinggan ka ng tahimik. Ang kaibigan pag nakinig, lahat makakaalam.
Ang tunay na kaibigan ay hindi binibilang kung gaano kadami ang kaibigan. Ang kaibigan pinipili kung sino ang sasamahan.
Ang tunay na kaibigan ay hindi ginagamit ang pagkakaibigan kapag gipit na. Ang kaibigan nagiging kaibigan kapag hihingi ng pabor.
Ang tunay na kaibigan ay pinupuna ang iyong kamalian. Ang kaibigan kapag may mali ka walang iyang pakialam.
Ang tunay na kaibigan nagsasabihan ng problema kapag may alitan. Ang kaibigan kapag kinausap mo hindi ka papansinin.
Ang tunay na kaibigan kahit magkalayo kayo ay hindi ka kakalimutan. Ang kaibigan kapag malayo ka na hindi ka na kilala.
Ang tunay na kaibigan nagpapahalaga. Ang kaibigan walang pakialam.
Salamat sa ating mga tunay na kaibigan, Oo, mahirap magpasalamat sa kanila.
Talumpati tungkol sa kaibigan tagalog ni Rachelle Pamatmat
Ang tulang pinamagatang Kaibigan ay isang halimbawa ng maikli na talumpati tungkol sa pagmamahal sa tunay na kaibigan na magbibigay inspirasyon upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga kaibigan. Ang maikling example of talumpati Tagalog ay ipakita na dapat pahalagahan at mahalin ang ating kaibigan.
Talumpati Example Tungkol Sa Kahirapan Tagalog
Talumpati Para Sa Kahirapan
Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga?
O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Ang Kahirapan ay ang problemang di malutas-lutas Bakit nga ba?
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang Pilipino, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod sunod na pagtaas ng bilihin. Paano tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Diba mayroong tinatawag na programang 4P’s? Ito ay ginagamit upang suportahan ang pangangailangan ng mga bata. Pero bakit ang ibang magulang ay ginagamit ito upang gamitin sa masamang bisyo. Minsan andun sila sa Mahjongan, Tong’Its at iba pang gawaing masama o bisyo.
Ang mga nasabing halimbawa ay ilan lamang sa mga kaisipan na maaari kong ibahagi sa inyo. Ilan lang ang mga ito sa mga pangunahing dahilan ng paglaganap ng kahirapan sa ating bansa.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.
Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang umunlad ang ating buhay! Hindi na palaging sinisisi pa sa gobyerno at sa Presidente!
KUNG TAYO AY MAY PANGARAP NA UMUNLAD TAYO AY MAGSUMIKAP!
Maraming Salamat po!
Talumpati tungkol sa kahirapan at edukasyon nina Marvelous Grace S. Beldad, Roselle S. Morales, Bretta Taco, Karen Surio, Rica Morales, Wenny Marie Merino, Ernesto Muncada, at Leo Carl Baluyot
Nawa’y nagustuhan niyo po ito!
Ang talumpati na pinamagatang Talumpati Para Sa Kahirapan ay isang halimbawa ng mga maikling talumpati tungkol sa kahirapan ng buhay at edukasyon sa Pilipinas. Ang maikling example of talumpati Tagalog na ito ay para maipakita na dapat ay magsumikap tayo at huwag mawalan ng pag-asa na balang araw ay giginhawa din ang ating buhay.
Talumpati Example Tungkol Sa Kabataan Tagalog
Ang Kabataan sa Makabagong Henerasyon
Ang tangi ko lamang pong layunin ay mabigyan ng kamalayan ang ating mga kababayan at mga magulang. Sapagkat nakikita ko na parang walang pakialam ang iba sa atin lalo na tungkol sa mga kabataang nakikita nating palaboy-laboy sa mga lansangan.
Nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan? Ika nga ng ating pambansang bayani (Dr. Jose P. Rizal) ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ba’y mababaon na lamang ba sa limot? Huwag naman po nating biguin ang ating pambansang bayani. Kaya tayo po’y kumilos habang may panahon pa.
Mga magulang makinig kayo! Huwag ninyong pabayaan na lamang ang inyong mga supling sapagkat kayo ang magtuturo ng daang kanilang tatahakin. Kaya’t habang may panahon pa’y kumilos tayo bigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon. Kaya po nakapag-sulat ang inyong lingkod hinggil dito ay sa kadahilanang kahit saang dako ako pumaroon ay nakikita ko po kawalang pag-asa ng bansang ito.
Sa mga kalunsuran man o sa mga lalawigan patunay ang mga kabataang ligaw ng landas na dapat sana’y nasa mga paaralan.Ngunit nasaan sila? Naroon sa mga lansangan nakikipag laro kay kamatayan maka-amot man lang ng konting barya at ang iba naman ay lulong sa droga ito ang dahilan kaya kahit mga musmos pa’y nakakagawa na ng mga karumal-dumal na mga krimen.
Ito ba ang mga kabataang pag-asa ng ating bayan? Isa itong malaking suliranin sa ating bansa. Kaya dapat na hindi ipag-sawalang bahala sapagkat kapakanan ng ating lipi ang nakataya dito kaya’t pakiusap sa mga magulang alagaan ninyo ang inyong mga supling. Hindi katuwiran ang kahirapan sapagkat ang kahirapan ay kakambal na natin noong tayo ay ipinanganak.
Ang tamaan ay huwag magalit sapagkat may klase ng mga magulang na gusto pa nilang mag trabaho ang kanilang mga anak kahit ala pa sa panahon imbes na mag aral. Meron namang mga magulang na luho ng katawan ang inaatupag imbes na alagaan ang mga anak. Anong klaseng mga magulang kayo? Huwag naman po nating ipahiya ang lahing kayumanggi na minsa’y kinilala sa lahat ng dako hanggang sa kasalukuyan.
Sa aking palagay kahit na ilng medalya pa ang makuha ng ating pambansang kamao ay hindi kayang ikubli ang tunay na imahe ng ating inang bayan. Kaya mga kababayan ko kumilos tayo habang may panahon pa huwag nating hintayin na dayuhan pa ang magsabi na linisin mo ang iyong bayan. Hindi po lalabas tayong kahiya-hiya sa mga taga ibang bansa? Kaya habang may panahon pa sagipin natin ang ating mga kabataan sa maka-mundong kalagayan.
Ito po ang aking saloobin mga minamahal kong mga kababayan magtulungan tayong akayin sa mga mabubuting gawi ang ating mga kabataan.
Talumpati tungkol sa kabataan pag-asa ng bayan mula sa ludwig02.wordpress.com
Ang talumpati na pinamagatang Ang Kabataan Sa Makabagong Henerasyon ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kabataan ng sa Pilipinas. Ang maikling example of talumpati Tagalog na ito ay para maipakita na ang mga kabataan magpukos sa pag-abot ng kanilang pangarap dahil sila ang kinabukasan ng ating bayan.
Talumpati Example Tungkol Sa Edukasyon Tagalog
Edukasyon ang Solusyon (Talumpati)
Walang duda’t alinlangan, kung gaano kahalaga ang edukasyon sa paghubog ng isang magandang kinabukasan.
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ang mga salitang ito ay minsang namutawi sa labi ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Siya’y mayroong maraming pangarap sa ating bayan. Hindi lamang ang hangaring makalaya noon sa pananakop ng mga mapang-aping kamay ng mga Kastila kundi pati na rin ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga kawawang Pilipino na madalas laitin ng mga ito. Hindi niya malimot ang mga salitang “Indio” o “mangmang” na karaniwang tawag ng mga mapangilnlang na Espanyol sa mga Pilipino noong panahon ng kolonisasyon. Ninais ni Rizal na mahango sa kahirapan ng buhay ang mga Pilipiino at makakamit lamang iyon kung sila’y makapag-aaral. Ang edukasyon ang susi para mahango sa kahirapan ang mga Pilipino. Iyon ang tanging paraan at wala ng iba pa.
Ngunit nakapanlulumong makita na ang pangarap ni Rizal na mahango sa kahirapan ang mga Pilipino ay nananatiling panaginip na lamang. Wala na rin halos makita sa kanyang mga sinabing, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan sa hinaharap.” Nasaan na ang mga kabataang ito?
Ang mga kabataang pag-asa ng bayan ay wala nang makitang pag-asa sa kasalukuyan. Maraming kabataan ang lulong sa bawal na droga. Marami sa atin ang isinusuka na ng lipunan sapagkat pawang karahasan ang ginagawa. Marami ang nasasangkot sa pagpatay, pagnanakaw, panggagahasa at iba pang krimen. Naging kalbaryo na ng kanilang mga magulang ang mga kabataang ito. Kawawa naman si Rizal na umasa noon na tayong mga kabataan ang pag-asa ng bayang ito.
May magagawa pa tayo para maisalba ang mga kabataang naliligaw ang landas dahil sa kahirapan. Hindi pa huli ang lahat, di ba mayroong mga programa ang ating pamahalaan sa mga OSY o Out of School Youths ? Halimbawa na lang ang mga DepEd ALS o Alternative Learning System na nagbibigay ng pagkakataon sa mga OSY na makapasok ulit sa paaralan. Marami pang mga programa sa edukasyon ang ating gobyerno upang masugpo ang kahirapan;nandyan na ang pagbibigay ng mga scholarship grants at ’study now, pay later scheme’ para sa mga ‘poor but deserving students’, ang pagpaggawa ng mga paaralan sa bawat barangay upang hindi na tayo mahirapan sa pagpasok sa eskwela.Kung ganoy may pagkakataon pang makapag-balik loob ang mga kapwa nating kabataang naligaw ng landas at nasadlak sa kahirapan.
Kaya naman huwag nating sayangin ang opurtunidad na makapag-aral at makapasok sa isang paaralan. Dahil ang ating mga paaralan ay hindi lamang institusyong pang akademiya at instrumento sa paghubog ng pagkatao ngunit ito’y isang “Training Ground” na rin sa ating mga kabataan upang maihanda ang ating mga sarili sa pagharap sa totoong laban ng buhay at ito rin ay magiging isang susi sa pag-ahon sa ating bayan sa kahirapan…Tayo’y mag-aral ng mabuti,dahil ang ‘edukasyon ay ang solusyon’. At ayon nga sa isang kasabihan, “Ang kaalaman ay hindi mananakaw ninuman.”
Huwag ng magtumpik-tumpik pa, halina’t gisingin natin ang tila natutulog na kaisipan ng kapwa nating kabataan at kusang gugulin ang ating lakas sa pagsulong ng tunay na ikabubuti ng ating bayan. Tayo’y makisangkot sa mga napapanahong isyu, dahil sa pamamagitan ng ating kaalaaman at kuro-kuro ito’y magiging daan sa kaliwanagan at kaunlaran…ipakita natin na ang kahirapan ay hindi hadlang upang maabot ang magandang kinabukasan. At nang sa gano’y karapat-dapat nating sabihin na tayo ang bukas…
Ang pag-asa ng bayan!
Talumpati tungkol sa edukasyon sa new normal mula sa themanwhofelltoearth
Ang talumpati na pinamagatang Edukasyon ang Solusyon (Talumpati) ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kahalagahan ng edukasyon ngayong pandemya sa Pilipinas. Ang maikling example of talumpati Tagalog na ito ay para ipabatid sa lahat na kahalagahan ng pag-aral at ang edukasyon ang susi sa ating mga pangarap sa buhay.
Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino 2021 | 10+ Halimbawa Ng Tula sa Wika
- Tula Tungkol Sa Pangarap 2021 – 12 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pangarap
- 10 Halimbawa Ng Maikling Kwento Na May Gintong Aral – Short Stories 2021
- Tula Tungkol Sa Kalikasan – 25 Maikling Tula Tungkol Sa Pangangalaga At Pagmamahal Sa Kalikasan 2021
- Tula Tungkol Sa Pamilya – 10 Maikling Tula Tungkol Sa Pamilya 2021
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Kaibigan | Short Stories Tagalog
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig | Short Stories Tagalog
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap | Short Stories Tagalog
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan | Short Stories Tagalog
- Anu Ang Maikling Kwento: Kahulugan at Halimbawa
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
- Tula Tungkol Sa Pandemya – 10 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Panahon Ng Pandemya (Covid 19) 2021
- Nang at Ng Pagkakaiba – Tamang Paggamit ng Ng at Nang
- Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Bayan – 20 Maikling Tula Tungkol Sa Pagmamahal Sa Inang Bayan 2021
- Example of Tanaga Poem in English and Tagalog
- 30 Tula Tungkol Sa Guro (Pasasalamat Sa Mga Guro Ngayong Pandemya) 2021
- 15 Halimbawa Ng Maikling Tula Tungkol sa Paglabag O Pagkakapantay-pantay Ng Karapatang Pantao
- Tula Tungkol Sa Crush – 18 Tula Tungkol Sa Crush (Paghanga At Pag-ibig) 2021
- Tula Tungkol Sa Pag-ibig – 31 Halimbawa Ng Tula Sa Pag-ibig 2021
- Halimbawa Ng Pabula – 10+ Pabula Sa Pilipinas Na May Aral 2021
- Talumpati Tungkol Sa Pangarap – 10 Halimbawa Ng Talumpati Tungkol Sa Tagumpay At Pagkamit Sa Pangarap
- Talumpati Tungkol Sa Wika – 10 Halimbawa Ng Talumpati Tungkol Sa Kahalagahan At Buwan Ng Wika 2021
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa | Meaning and Examples
- Tula Tungkol Sa Sarili 2021 – 8 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Sarili
- Tula Tungkol Sa Kaibigan – 14 Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Kaibigan (Pambata at Barkada) 2021
Summary of Mga Maikling Talumpati Example Tagalog
Ang buhay ay sadyang makabuluhan. Ito ang biyaya ng Diyos na ating dapat pahalagahan. Kaya ang artikulong mga Talumpati Example Tagalog ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na dapat pahalagahan at mahalin natin ang ating buhay.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong mga maikling talumpati example Tagalog. Happy reading and God bless.
Inquiries
If you have any questions or suggestions about, Talumpati Example – 10 Example Of Talumpati Tagalog 2021. Let us know what you think about this post by leaving a comment below.
We are Proud Pinoy.