Para Sa Batang Hindi Kasama Sina Nanay At Tatay : Talumpati

PARA SA BATANG HINDI KASAMA SINA NANAY AT TATAY – Sa araling ito matutuhayan ang talumpati na pinamagatang “Para Sa Batang Hindi Kasama Sina Nanay at Tatay”. Ang halimbawa ng talumpati tungkol sa Pagmamahal at Pasasalamat sa Magulang.

Ang talumpati tungkol sa magulang ay nagpapakita ng tunay at kung gaano ka mapagmamahal ang isang magulang. Sana ang mga talumpati tungkol sa magulang ang magsilbing inspirasyon upang mas mahalin at pahalagahan pa natin ang ating mga magulang.

Para-Sa-Batang-Hindi-Kasama-Sina-Nanay-At-Tatay-Talumpati-Tungkol-sa-Magulang
Para-Sa-Batang-Hindi-Kasama-Sina-Nanay-At-Tatay-Talumpati-Tungkol-sa-Magulang

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang mga nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol sa Magulang. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa mga magulang.

Talumpati Tungkol sa Magulang : Para Sa Batang Hindi Kasama Sina Nanay At Tatay

Para sa batang hindi kasama sina Nanay at Tatay

Ikaw ba ay bata? Kumusta ka na? Masaya akong kausap ka. Sana, masaya ka ngayon.

Marami ka bang natanggap na regalo noong Pasko? Kung ang sagot mo’y oo, mabuti naman. Kung ang sagot mo’y hindi, mabuti pa rin.

Hindi lang naman sa regalo nagiging masaya ang mga bata. Alam mo ba ang mas mahalaga sa regalo? Ang mas mahalaga sa regalo ay ang pamilya – si Nanay, si Tatay, ikaw at ang mga kapatid mo. Masaya ang lahat kung ang buong pamilya ay magkasama. Alam mo na ito, hindi ba?

Kung wala sina Nanay at Tatay dahil nagtatrabaho sa malayo, huwag kang malungkot. Babalik din naman sila. Kailangan lang nilang kumita ng pera. Hindi nila gustong maging malayo sa iyo. Mahal na mahal ka nila. Kapag nakaipon na sila, makakasama mo na sina Nanay at Tatay. Mayayakap at mahahalikan mo na sila!

Malaking sakripisyo ang ginagawa nila para sa iyo at sa mga kapatid mo. Alam mo ang ibig sabihin ng sakripisyo, hindi ba? Isang halimbawa ng sakripisyo ang pagtitipid ng baon mo. Hindi ka bumibili ng maraming bagay para mabili mo ang isang bagay na gusto mo. Kailangan mong magsakripisyo dahil kulang ang perang hawak mo.

Ano ang malaking sakripisyo nina Nanay at Tatay? Naghanap sila ng trabahong mas malaki ang suweldo. Nakita nila ito sa lugar na malayo sa bahay ninyo. Bakit ba kailangan ng malaking suweldo? Siyempre, para sa inyong magkakapatid ito. Dahil sa ipinapadalang pera nina Nanay at Tatay, nakakapag-aral kayo. Nakakakain din kayo nang tatlong beses isang araw.

Kahit malayo sila, masaya sina Nanay at Tatay kapag nalalaman nilang nasa maganda kayong kalagayan.

Sinulat ko ito hindi lang para kumustahin ka. Gusto ko ring sabihin sa iyong napakaraming batang katulad mo. Marami kasing katulad nina Nanay at Tatay na nagtatrabaho sa malayo. Maraming nahihiwalay sa kanilang mga magulang, hindi lang sa Pasko kundi sa mahabang panahon.

Minsan, nakakainggit ang makitang yakap-yakap ng mga kalaro mo ang nanay at tatay nila. Pero maniwala kang maiinggit din sila kapag ang magulang naman nila ang umalis.

Alam mong masama ang mainggit, hindi ba? Kung gusto mong maging mabuting bata, dapat matuwa ka sa magandang nangyayari sa mga kalaro mo. At kung malungkot sila, dapat sama-sama kayong magsaya. Yayain mo silang maglaro o tulungan mo silang mag-aral. Maraming puwedeng gawin ang mga bata, at mas masaya kung kayo ay sama-sama.

Sama-sama. Mahalagang tandaan ito ng mga batang tulad mo. Uulitin ko. Hindi ka nag-iisa.

Alam mo, masyadong mahabang kuwento kung bakit kailangang umalis sina Nanay at Tatay para lang mabigyan kayong magkakapatid ng mas magandang buhay. Pero huwag na huwag mong isiping nag-iisa ka sa kalungkutan ng paghihiwalay o kasiyahan sa pagbabalik nila.

Ganito rin ang nararanasan kahit ng mga batang hindi mo kakilala. Sa paglaki mo, maganda sigurong kilalanin mo sila. Yayain mo rin sila sa mga gawaing sama-sama.

Salamat sa pagbabasa. Mabuhay ka!

Talumpati tungkol sa pasasalamat sa magulang ni Danilo Araña Arao

Buod ng Talumpati

Ang talumpati na pinamagatang Para Sa Batang Hindi Kasama Sina Nanay at Tatay ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal ng magulang. Isinasaysay ng may akda ang kanyang pakiramdam tungkol sa mga magulang na malayo sa kanilang mga anak. Ito ay sa kadahilanang magtrabaho at maibigay ang pangangailangan tiniis ang lungkot at hirap para lamang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak.

Aral ng Talumpati na Para Sa Batang Hindi Kasama Sina Nanay at Tatay

Ang aral na makukuha ay huwag mainggit sa batang kasama ang kanilang mga magulang dahil kahit malayo man ang iyong mga magulang ramdam mo parin ang kanilang pagmamahal. Ang magandang gawin bilang bata ay mag-aral ng mabuti dahil yan lamang ang maisusukli mo para sa mga magulang na nasa malayo. Nagsasakripisyo sila para mabigyan ka ng magandang kinabukasan.

Summary

Ang maikling talumpati tungkol sa magulang na pinamagatang “Para Sa Batang HIndi Kasama Sina Nanay at Tatay” Ang talumpating ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang. Dahil kahit na mahirap para sa kanila na iwan ang mga anak ay ginawa parin nila. Palaging tandaan na para ito sa iyong ikabubuti at magandang buhay at hindi sa pansariling kagustuhan ng iyong mga magulang. Hindi man nila nais lumayo ngunit sa sobrang pagmamahal sa mga anak ay kaya nilang magsakripisyo at maibigay lamang ang pangangailangan mo.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng tula tungkol sa magulang na pinamagatang “Para Sa Batang Hindi Kasama Sina Nanay at Tatay.” Narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Talumpati Tungkol Sa Magulang. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati tungkol sa magulang. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment

Your email address will not be published.