PAGMAMAHAL MASAYA NGA BA TALAGA? – Ang artikulong ito ay tungkol sa talumpati na pinamagatang “Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga?” Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig na isinulat ni Dalanata.
Ang “Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga?” ay isang talumpati tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig. Isinasaad dito na ang pagmamahal ay ang pinaka mahalaga at makapangyarihan sa mundo.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling talumpati na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pag-ibig.
Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga?
Je t’aime, Ti amo, Saranghae, Ai shiteru, I love you, ang ilan lamang sa mga salitang nagpapahayag ng damdamin o pagibig ng isang tao na nagmula sa iba’t ibang bansa ngunit ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang “mahal kita”. “Mahal kita” na salitang Filipino na ginagamit ng mga Pilipino at pati na rin ng mga taga ibang bansa sa paglalahad ng kanilang pagmamahal o pagibig sa isang tao.
Ang pagmamahal daw ang pinaka mahalaga at makapangyarihang bagay sa mundo na kayang bumuhay, bumuo pero kaya rin nitong mambulag at manakit. Kaya nitong sumira at kalimutan ang lahat. Ang sabi rin nila, makakaya lang nating magmahal, kung buo tayo, dahil ang tunay na pagmamahal, makakaya lang daw nating ibigay kapag buong-buo na ang pagmamahal natin sa sarili natin…
Talumpati tungkol sa pag-ibig na isinulat ni Dalanata
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng Talumpating “Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga?”
Ang talumpating “Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga?” ay nagsasaad na ang pagmamahal daw ang pinaka mahalaga at makapangyarihan sa mundo.
Nagdudulot ito ng kaligayahan ngunit, kaya ring mambulag at manakit. Sapat na nga bang nagmamahal tayo ng walang kapalit o tayo lang ang nagmamahal?
Isa ito sa mga reyalidad na mahirap unawain at tanggapin. Ngunit sa lahat ng mga salitang nagpapahayag ng seryosong pagmamahal, ayon sa may akda, “kailan kaya ako makakarinig ng isang totoong MAHAL KITA?”
Aral ng Talumpati
Sa talumpating ito, ating matututunan na hindi lahat ng nagmamahal ay nasusuklian rin ng pagmamahal. Mahalin muna natin ang ating mga sarili bago ang iba.
Summary
Ang talumpating pinamagatang “Pagmamahal. Masaya Nga Ba Talaga?” ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ito ay nagsasaad na ang pagmamahal daw ang pinaka mahalaga at makapangyarihan sa mundo.
Ito ay nagdudulot ng saya at pait. Isa sa mga reyalidad ng pag-ibig ay ang “one-sided love” na mahirap unawain at tanggapin.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!