PAGKATUTO SA PAG-IBIG – Ang artikulong ito ay tungkol sa isang talumpati na pinamagatang “Pagkatuto Sa Pag-ibig.” Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig na isinulat ni Martin Ceazar Hermocilla.
Ang “Pagkatuto Sa Pag-ibig” ay isang talumpati tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig. Isinasaad dito na magulo ang mundo ng pag-ibig.

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo ng artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling talumpati na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pag-ibig.
Pagkatuto Sa Pag-ibig
“Don’t look for LOVE let LOVE look for you”, isang linyang galing sa isang palabas na naging bukang bibig ko na din. Madalas pag may humihingi sa kin ng payo yan ang sinasabi ko. Tama nga naman kasi, wag mong hanapin ang pag-ibig, hayaan mong sila ang humanap sayo. Kabaliktaran naman sa sinasabi nilang, ” Paano mo makikita ang taong para sa yo kung hindi ka gagawa ng paraan para makita siya? ” Tama nga din, kailangan mo ding gumawa ng paraan para hanapin kung sino man ang taong nakatadhana sayo. Ngunit, magulo, napakagulo ng mundo ng pag-ibig.. Maraming matalinhaga na may kaakibat na kabaliktaran katulad ng :
– Mahal mo , hindi ka mahal, tapos yung hindi mo mahal, mahal ka.
– Manhid siya, tanga ka
– Hinahanap mo ang taong tama para sayo, pero sa mali ka nahulog…
Talumpati tungkol sa pag-ibig na isinulat ni Martin Ceazar Hermocilla
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng Talumpating “Pagkatuto Sa Pag-ibig”
Ang talumpating ito ay nagsasaad na ang mundo ng pag-ibig ay napakagulo. Ito ay maaaring magdulot ng masama o mabuti sa taong nakakaramdam nito. Ngunit sa lahat naman ng mga pagkakamali sa pag-ibig ay merong mga aral na napupulot o pagkakatuto.
Siguro nga isa sa mga problema ng kabataan ngayon ay ang pag-ibig. Ngunit hindi natin maipagkakailang parte ito ng buhay. Lahat tayo nagmamahal at magmamahal.
Aral ng Talumpati
Sa talumpating ito, ating matututunan na ang pagmamahal ay hindi isang laro. Huwag nating balewalain ang mga taong nagmamahal sa atin at ipakita’t iparamdam natin sa kanila ang ating pagmamahal.
Summary
Ang talumpating pinamagatang “Pagkatuto Sa Pag-ibig” ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpating ito ay nagsasaad na magulo ang mundo ng pag-ibig.
Marami ang nagkakamali at marami din ang natututo. Ngunit hindi natin maipagkakailang parte ito ng buhay at lahat tayo ay nagmamahal at magmamahal.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!
Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons
- 9 Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-ibig
- 7 Maikling Kwento Tungkol Sa Pangarap
- 10 Maikling Kwento Tungkol Sa Kalikasan
- Anu Ang Maikling Kwento
- Tula Tungkol Sa Magulang