Magulang : Talumpati Tungkol sa Magulang

MAGULANG – Sa araling ito matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Magulang”. Ang halimbawa ng talumpati tungkol sa Pagmamahal at Pasasalamat sa Magulang.

Hindi madali ang pagiging isang magulang dahil malaki ang kanilang ginagampanan sa ating mga tahanan. Sila ang mga taong malaki ang sakripisyo para sa mga anak upang maibigay ang pangangailangan at kagustuhan nito.

MAGULANG - TALUMPAT‌I TUNGKOL SA MAGULANG
TALUMPAT‌I TUNGKOL SA MAGULANG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang mga nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol sa Magulang. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa pagmamahal at pasasalamat sa kanila.

Talumpati Tungkol sa Magulang

Magulang

“Walang magulang na kayang tikisin ang anak”

Ang pagmamahal ng magulang ay walang hanggan, walang limitasyon at pang habang-buhay. Ito ang pingangahawakan kong pangako ng Diyos sa akin.

Sa aking murang pag-iisip ay naranasan ko na ang lahat ng mag dapat maranasan ng isang kabataan, ang masampal, mamura at makagalitan. Pero sa kabila nito ay hindi ako sumuko. Ipinagpatuloy ko pa rin ako ng mataas dahil naging masaya ako sa naging buhay ko. Maaga kasi kaming nawalan ng haligi ng tahanan pero namuhay ako sa prinsipyo ng tatay ko. Sinabi niya sa amin noon na sa lahat ng hamon ng buhay ay may awa ang Diyos.

Nangarap ako, Oo. Napagtanto ko kasi na mahal na mahal ako ng mga magulang ko dahil pinayagan nilang makita ko ang ganda ng mundo, ang paligid. Kahit na tayo’y kagalitan ng ating mga magulang ay dapat parin natin silang mahalin dahil sa pagsisilang pa lang nila sa atin ay malaki na ang utang natin sa kanila. May mga oras ngang mainit ang ulo nila kaya tayo napagtataasan ng boses, sana ay intindihin na lang natin sila.

Gusto ko sanang iparating sa lahat na ang magulang pa rin ang maiiwan sa atin sa bandang huli, sila pa rin ang dadamay at aagapay sa ating paglaki, mawawalan tayo ng kaibigan pero sila ay mananatili at hindi tayo pababayaan, ganyan nila tayo kamahal. Mabatid sana ito ng lahat ng kabataang iniisip na hindi sila mahal ng kanilang magulang.

Talumpati tungkol sa magulang ni Kristine Sumagui

Buod ng Talumpati

Ang talumpati na pinamagatang “Magulang” ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pagmamahal ng isang magulang. Isinasaysay ng may akda ang kanyang pakiramdam tungkol sa mga magulang na kahit nawala man ito ng maaga sa kanya. Isinasabuhay parin niya ang prinsipyo ng kanyang tatay at alam niya sa sarili niya na sobrang mahal siya nito. Isang uri ng pagmamahal na walang hanggan, walang limitasyon at pang-habang buhay. Lagi nating tatandaan na kahit anong mangyari sa atin sa bandang huli sila parin ang dadamay at aagapay sa atin.

Aral ng Talumpati na Magulang

Ang aral na makukuha sa talumpating ito ay ang hindi kayang pabayaan ng isang magulang ang anak. Kahit sobrang dami mong kaibigan sa bandang huli iiwan karin niyan pag hindi kana kailangan. At minsan napagtatasan ka ng boses iintindihin mo nalang kase minsan may mga problema silang hinaharap. Pero handa silang damayan ka sa buhay. Hindi ka pababayaan ganyan ang pagmamahal ng isang magulang. Mananatili sa puso mo habang buhay kahit mawala man sila sa dito mundong ibabaw.

Summary

Ang talumpati na pinamagatang “Magulang” Ang talumpating ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga magulang. Dahil sa lahat ng hamon sa iyong buhay sila parin ang makakatulong at aagapay sayo. Hindi ka pinapabayaan mula maliit kapa lamang hanggang lumaki ka andyan lang sila para sayo. Kaya hangang buhay pa sila iparamdam natin sa kanila kung gaano sila kahalaga sa atin.

Para Sa Iba Pang Tula At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng tula tungkol sa magulang na pinamagatang “Para Sa Batang Hindi Kasama Sina Nanay at Tatay.” Narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng mga Talumpati Tungkol Sa Magulang. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati tungkol sa magulang. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment