Kasalanan Nya? O Kasalanan Mo? – Talumpati Para Sa Kaibigan

KASALANAN NYA O KASALANAN MO – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Kasalanan Niya? O Kasalanan Mo?” Ito ay halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ng makatang Pilipino na si Angelica C. Amparado.

Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

KASALANAN NIYA O KASALANAN MO- TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN
KASALANAN NIYA O KASALANAN MO – ISANG TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN

Kasalanan Nya? O Kasalanan Mo?

2000 taon na ang nakalipas ng may isang taong nagsakripisyo at nag-alay ng kaniyang buhay para sa lahat. inalay ang buhay para maligtas ka, tinaggap ang hirap at sakit para sa buhay mo. Isa yan sa mga hindi naiisip ng mga kabataan ngayon dahil sa murang edad pa lamang ay alam na ang pagbibisyo pagiinom,paninigaril­yo at kung ano ano pang mga bisyo na nakasisira sa katawan, sa murang edad palang ay suko na sa buhay dahil sa mga problemang sila naman ang may kagagawan na pagkatapos ay magagalit at sisihin ang diyos susumbatan ng kung ano ano at sasabihin sya ang nagkulang ngunit hindi naisip ang mga sakripisyong ginawa para lang sa buhay mo.

Nagagawang lumayo sa panginoon sa pagiisip na hindi sila mahal at sila’y iniwan ngunit hindi naisip ng mga kabataan na ang pagibig ng diyos ay para sa lahat at na Mahal ka nya kahit lumalapit ka lang pag may kailangan ka, mahal ka nya kahit makasalanan ka…

Talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Angelica C. Amparado

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.

Buod ng Talumpating “Kasalanan Nya? O Kasalanan Mo?”

Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na may isang tao na nagsakrisipisyo at nag-alay ng buhay para sa lahat.

Sa panahon ngayon hindi na naiisip ng mga kabataan ang ganoong pagsasakripisyo dahil sa kanilang murang edad ay marami ng bisyo at sinisira na nila ang kanilang kinabukasan.

Pagkatapos ay magagalit at sisisihin ang diyos at sasabihing sya ang nagkulang ngunit hindi naisip ang mga sakripisyong ginawa para lang sa buhay mo.

Aral ng Talumpati

Ang aral na makukuha sa maikling talumpati na ito ay “huwag isisi sa ibang tao ang nangyaring hindi maganda sa buhay mo dahil ikaw mismo sa sarili mo alam mo na sarili mo lamang ang may kasalanan sa problemang hinaharap.”

Minsan kailangan natin maging totoo at tapat para harapin ang kung anong mga pagkakamaling nagawa natin. Huwag tayong lumayo sa Diyos dahil ang Diyos lamang ang tangi nating pag-asa.

Summary

Ang maikling talumpating ito ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang mahalin at pahalagahan natin ang ating buhay. Maging totoo lamang sa ating mga sarili at huwag isisi sa ibang tao ang kasalanang kagagawan mo.

Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.

Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!

Iba Pang mga Halimbawa ng Talumpati

Leave a Comment