Kapangyarihan Ng Pag-ibig : Isang Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG – Ang artikulong ito ay tungkol sa talumpati na pinamagatang “Kapangyarihan Ng Pag-ibig.” Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig na isinulat ni Anthony Rosales Sarino.

Ang “Kapangyarihan Ng Pag-ibig” ay tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig. Isinasaad dito na ang pag-ibig ay tunay na makapangyarihan.

KAPANGYARIHAN NG PAG-IBIG - TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG
ISANG TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling talumpati na ito. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pag-ibig.

Kapangyarihan Ng Pag-ibig

Walang perpektong bagay sa mundo. Walang kasiguraduhan. Oo, mayroon tayong patutunguhan at mayroong dahilan ang lahat ngunit wala ni isa sa atin ang nakakaalam ng kahihitnatnan.

PAG-IBIG –- naniniwala akong ito ang dahilan ng lahat ng bagay. Alam kong ang puso ang nagdidikta ng nararapat sa ating sarili. Yung pagmamahal na makukuha sa iisang tao na nilaan ng Diyos at magtuturo nang tamang kahulugan ng buhay.

Ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Kahit sa mga simpleng bagay na espesyal at kung minsan sa mga bagay na walang halaga ay naroon ang pag-ibig. Bunga ito lahat ng pagmamahalan. Napakamakapangyarihan ng pag-ibig. Kung titingnan natin ito ng mas malawak at mas malalim sa kung ano mang dapat ipakahulugan nito, tiyak lahat tayo ay mag-aasam na sana isang araw darating ang taong magiging kabiyak ng ating puso…

Talumpati tungkol sa pag-ibig na isinulat ni Anthony Rosales Sarino

Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.

Buod ng Talumpating “Kapangyarihan Ng Pag-ibig”

Ang talumpating “Kapangyarihan Ng Pag-ibig” ay nagsasaad na ang pag-ibig ay makikita at madarama saan ka man makarating. Wala sa edad, klase ng buhay, o kasarian makikita ang pag-ibig hangga’t ang mga ito ay nagmamahalan.

Sa pag-ibig meron pang tinatawag na “tadhana” na kung saan nagtatagpo ang dalawang puso dulot nito, at “unconditional love,” ito naman ay ‘yong tipong ikaw ay nagmamahal ng walang hinihintay na kapalit.

Sinasaad dito na tunay ngang makapangyarihan ang pag-ibig. May panahon na tayo ay nagsasakripisyo dahil dito at may panahon ding napupuno ng kaligayahan ang ating mga puso.

Aral ng Talumpati

Sa talumpating ito, ating matututunan na ang pag-ibig ay wala sa edad, kasarian, at klase ng buhay. Ang mahalaga ay marunong tayong rumespeto sa pagmamahalan ng iba at patuloy tayo na nagmamahal.

Summary

Ang talumpating pinamagatang “Kapangyarihan Ng Pag-ibig” ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ito ay nagsasaad na ang pag-ibig ay tunay na makapangyarihan. Ito ay makikita at madarama kahit saan.

Wala ito sa edad, klase ng buhay, at kasarian hangga’t ang mga ito ay nagmamahalan. Sa pag-ibig, merong tinatawag na “tadhana” at “unconditional love”. May panahon na tayo ay nagsasakripisyo dahil dito at may panahon ding napupuno ng kaligayahan ang ating mga puso.

Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Leave a Comment