TALUMPATI TUNGKOL SA KAIBIGAN NI STEVEN CORAL – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Steve Coral.
Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

Kaibigan
Kaibigan – sila ang mga karamay mo sa panahong lumulunday ka sa kalungkutan. Sila ang mga sanhi ng mga ngiti at galak ng iyong mga labi. Sila ang nagpapatahan sa puso mong lumuluha sa sakit. Sila ang kasama mo sa panahong iniwan kang nag-iisa’t nalulumbay. Sila ang mga nag-iiwan sa iyo ng mga alaalang kailanma’y hindi magiging alabok ng daigdig. Sila ang mga kaibigan kong laging nandyan at hindi ako iniwan.
Kaibigan – salita na burahin man ng panahon sa mundo ay mananatili pa ring nakaukit sa puso mo. Salita na hindi mo mauunawaan hangga’t hindi mo nararanasa’t nagagampanan. Salita na simbolo ng samahang walang katulad at kapantay. Salita na puno ng mga alaalang magpapangiti sa’yo. Isang salita ngunit sandalan mo sa panahong nanghihina ka…
Talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Steven Coral
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng Talumpati Tungkol sa “Kaibigan” ni Steven Coral
Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na ang kaibigan ay ang karamay mo sa panahong lumulunday ka sa kalungkutan. Sila ang kasama sa panahong iniwan kang mag-isa. Isang salita ngunit sandalan mo sa tuwing nanghihina kana.
Ang kaibigan ang magpapadama sa’yo ng init ng pagmamahal at pag-aalaga at mayroon din itong hangganan at katapusan. Ngunit patuloy na mananariwa sa bawat litid ng ating isipan isang bagay na pagkaiingatan nating lahat.
Aral ng Talumpati Tungkol sa “Kaibigan” ni Steven Coral
Ang aral na makukuha sa maikling talumpati na ito ay “pahalagahan at pakaingatan natin ang mga kaibigan na meron tayo dahil sa kanila tayo humuhugot ng lakas.” Sa tuwing iiwan na tayo ng lahat sila ang ating masasandalan at malalapitan.
Summary
Ang maikling talumpati tungkol sa kaibigan ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang maging mabuti tayong kaibigan sa ating mga kaibigan. Mahalin, pahalagahan, at pakaingatan natin ang mga kaibigan na nagbibigay sa atin ng mga ngiti sa labi.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!