KAIBIGAN (TALUMPATI NI ROWENA T PUMAR) – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ng makatang Pilipino na si Rowena T. Pumar.
Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

Kaibigan
Ano nga ba ang kaibigan? Kaibigang laging nandyan kapag may problema ka? O, kaibigang nandyan lang kapag kailangan ka?
Lahat tayo ay may kaibigan. Sino nga ba naman ang walang kaibigan? Isang kaibigan na laging nandyan kapag may problema ka, isang kaibigan na laging nandyan kapag may kailangan ka, laging nandyan at sinusuportahan ka sa lahat ng bagay, kaibigang dinadala ka sa kabutihan at hindi sa kasamaan.
Talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Rowena T. Pumar
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng Talumpati na “Kaibigan” ni Rowena T Pumar
Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda kung ano nga ba ang kahulugan ng kaibigan. Ang kaibigan ay ang laging nandiyan sa oras ng pangangailangan at dadalhin ka sa mabuti at hindi sa kasamaan o kapahamakan.
Aral ng Talumpati na “Kaibigan” ni Rowena T Pumar
Ang aral na makukuha sa maikling talumpating ito ay kailangan marunong kang pumili ng kakaibiganin. Dahil may mga kaibigan na dadalhin ka lamang sa kasamaan at ikasisira ng iyong buhay. Dapat ang piliing kaibigan ay ang dadalhin ka sa kabutihan.
Summary
Ang maikling talumpati na ito ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang maging masuri tayo sa ating kinakaibigan. Ang kaibigan na laging nakasuporta at laging nandiyaan sa iyong tabi sa kasiyahan man o kapighatian.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!