KAIBIGAN (TALUMPATI NI DARLENE TOLENTINO) – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Kaibigan.” Ito ay halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ng makatang Pilipino na si Darlene Tolentino.
Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

Kaibigan
Ang gandang pakinggan ang salitang kaibigan. Pero ano nga ba ang tunay na kaibigan? Marami ng tao o mga kaibigan na gagamitin ka lang para sa kanilang gusto. Gagamitin ka lang para sa kanilang ikabubuti. Aabusuhin ang inyong pagkakaibigan. Marami na ring mga kaibigan na nasisira dahil sa mga iba’t ibang mga rason na hindi naman makatwiran. Sino bang may gusto na masira ang pagkakaibigan ninyo?
May napakalaking responsibilidad ang kaibigan. Ang isang kaibigan ay isang pinaka mahalagang regalo sa ating lahat. Ito ay ang mga espesyal at natatanging relasyon ng pag-ibig at pagmamahal sa sinumang ibang tao sa mundo. Ang kaibigan ay isang tao kung kanino ang isa ay maaaring maging komportable…
Talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Darlene Tolentino
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng Talumpati na “Kaibigan” ni Darlene Tolentino
Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na ang isang tunay na kaibigan ay palaging andiyan para sayo at handang tumutulong kapag ikaw ay nangailangan. Ang kaibigan ay mayroong malaking responsibilidad na kailangang gampanan.
Marami kang kaibigan pero iilan lang ang matatawag mong tunay na kaibigan at ang mga tunay na kaibigan ay mahal na mahal ang bawat isa. Marunong umintindi sa bawat isa na walang paghuhusga o pagdududa sa kahit anong bagay.
Aral ng Talumpati na “Kaibigan” ni Darlene Tolentino
Ang aral na makukuha sa maikling talumpating ito ay “kailangang matuto kang pumili ng kaibigan.” Dahil, may mga kaibigang gagamitin ka lamang at minsan magdadala pa sa iyo ng kasamaan o kapahamakan.
Pumili ng mabuti at tunay na kaibigan na magdadala sa’yo sa kabutihan at hindi ka ipapahamak. Kung wala kang kaibigan nandiyan naman palagi ang Diyos na hinding-hindi ka iiwan.
Summary
Ang maikling talumpati na ito ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang maging masuri tayo sa ating tinatawag na kaibigan. Dahil hindi lahat ng kaibigan ay matatawag nating tunay at ang tunay na kaibigan ay mapagmahal at hinding-hindi ka iiwan kahit anoman ang mangyari.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!