KAIBIGAN – TALUMPATI KO – Sa araling ito, inyong matutunghayan ang talumpati na pinamagatang “Kaibigan – Talumpati Ko.” Ito ay halimbawa ng isang talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Ivy B. Cabarda.
Sana ito ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang makahanap ng tunay at mapagmahal na kaibigan na hindi natin malilimutan kailanman. Pahalagahan at mahalin ang mga kaibigang kasama natin sa kalokohan man o sa iyakan, na nagmamalasakit at nagmamahal sa atin.

Kaibigan – Talumpati Ko
Sino nga ba sa ating ang walang tinuturing na kaibigan? Sinasabi nga na “No man is an island”. Hindi madaling mamuhay sa mundo kung wala kang kaibigang magmamahal, magpapatawa, mag aalaga at andyan para sayo.
Pera, yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kung wala kang kaibigan? Oo, mayaman ka nga sa material na bagay ngunit, aanhin mo ba ito kung wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot? Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan, dahil mapupuno ka ng yaman sa pagmamahal. At kung dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila sa atin…
Talumpati tungkol sa kaibigan na isinulat ni Ivy B. Cabarda
Pindutin ang pindutan sa ibaba upang mabasa ang buong talumpati.
Buod ng Talumpating “Kaibigan – Talumpati Ko”
Ang talumpating ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibigan. Isinasaad ng may akda na hindi madaling mamuhay sa mundo kung wala kang mga kaibigan, yung tunay na kaibigan hindi basta kaibigan lang.
Kaibigan na mapagmamahal, pinapatawa ka, mag-aalaga sayo, at laging andyan para sayo at higit sa lahat karamay mo sa mga pagsubok at sa kaligayahan. Minsan kaibigan ang nagiging basehan kung sino talaga tayo at ang pagkakaibigan ang siyang nagbibigay ng kulay sa ating buhay.
Aral ng Talumpati
Ang aral na makukuha sa maikling talumpati na ito ay “dapat pahalagahan at pakaingatan natin ang mga kaibigan na meron tayo upang hindi mawala.” Dahil sa totoo lang napakahirap na ngayon humanap ng tunay na kaibigan.
Summary
Ang maikling talumpati tungkol sa kaibigan ay magbibigay aral at inspirasyon sa atin upang maging mabuti tayong kaibigan sa ating mga kaibigan. Mahalin, pahalagahan, at pakaingatan natin ang mga kaibigan na nagbibigay sa atin ng kasayahan.
Maraming salamat sa pagbasa ng talumpati na ito. Nawa kayo ay may natutunang aral dito. Para sa iba pang halimbawa ng talumpati, i-click lang ang mga link sa ilalim.
Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa proudpinoy.ph!