Kahalagahan Ng Pag-ibig : Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

Kahalagahan Ng Pag-ibig – Ang artikulong ito ay isang talumpati na pinamagatang “Kahalagahan Ng Pag-ibig” Ito ay isa sa mga halimbawa ng isang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Sa talumpating ito, sinasaad ni MeiBerKo ang mga kahalagahan ng pag-ibig.

Ang “Kahalagahan Ng Pag-ibig” ay isang talumpati tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig.

KAHALAGAHAN NG PAG-IBIG - TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG
KAHALAGAHAN NG PAG-IBIG – TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pag-ibig.

Kahalagahan Ng Pag-ibig : Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

At ito ang talumpati na pinamagatang “Kahalagahan Ng Pag-ibig”

Kahalagahan Ng Pag-ibig

Isang magandang pagbati sa inyng lahat!

ano nga ba ang pag-ibig? ito ang isa sa pinakamakapangyarihan sa daigdig kung saan ito ay nararamdaman ng isang taong may pagpapahalaga hindi lamang sa kaniyang sarili kundi maging sa kaniyang kapwa at kapaligiran ngunit ano ba talaga ang kahalagahan nito? bakit ito patuloy na isinasabuhay ng lahat? kailangan ba talaga natin ito para mabuhay sa mundong ating kinagagalawan? mga katangungang pumasok sa aking isipan.

alam ko na halos lahat tayo ay nakaranas ng umibig dahil para sa atin ay hindi tayo makukumpleto o hindi makukumpleto ang ating pagkatao kapag hindi natin ito naranasan. masasabi natin sa lahat ng sikat ngayon ay walng tatalo sa pag ibig na kahit na anong mangyari ay patuloy paring kikislap at magniningning dahil mapa noon pa man o hanggang ngayon ay bukambibig at patuloy parin ito nararamdaman ng bawat tao ang pag ibig ay parang isang kayamananan na nagpapanatili ng kaayusan sa mundo dahil naniniwala ako na kung walang pag ibig o pagmamahal ang buong mundo ay mapupuno ng kaguluhan at kasamaan.

ang pag ibig ay may ibat’t ibang aspekto gaya na lamang ng pagmamahal sa diyos, pamilya, kasintahan, kaibigan at iba pang tao na lubos nating pinapahalagaan. sa bawat aspekto ng pag ibig ay may ibat’t ibang pamantayan at limitasyon, isang halimbawa nito ay ang pagmamahal natin sa ating pamilya kung saan sumasaloob dito ang paggalang at pagsunod bilang pagpapakita ng respeto sa kanila, sunod ay ang pagmamahal sa kasintahan na siyang patuloy na nararamdaman at ginagawa ng mga kabataan ngayon, alam kong wala pa akong karanasan sa ganitong uri ng pagibig ngunit base sa aking nakikita sa aking kapaligiran. Isa naroon ang pinakamatalik kong kaibigan na lubusang dinaramdam ang problema tungkol sa paghihiwalay ng kanilang kasintahan. nakita at naramdaman ko kung gaano siya nasaktan dahil nung mga oras na iyon kahit na anong gawin kong pagpapatahan sa kaniya ay hindi parin ito tumitigil sa pag iyak hanggang sa hinayaan ko na lamng itong ilabas ang kaniyang hinanakit sa pamamagitan ng kaniyang pag iyak. noong una okay naman siya ngunit nung dumating sa punto na napapabayaan na niya ang kaniyang pag aaral ay labis akong nalungkot. gusto ko mang magalit dahil sa kaniyang kapabayaan ay inintindi ko na lamang dahil alam ko na mahirap ang kaniyang pinagdadaanan lalo nat mahal na mahal niya ang taong iyon, maging ako nga ay hindi ko na malaman ang aking gagawin para ituwid ang kaniyang landas para bumalik na siya sa dati. minsan naiiyak na lang din ako dahil ako itong kaibigan ngunit wala man lang akong magawa para tulungan siya pero kahit na ganoon ay hindi parin ako sumuko. nanatali parin ako sa kaniyang tabi kahit na anong mangyari habang kinakausap at sinasabihan ng mga bagay na ikakalubag ng kaniyang loob. doon ay napagtanto ko na ang pag ibig ay hindi puro saya lamang dahil kaakibat din nito ay ang lungkot at pighati ng pagkasawi na kayang sumira ng ating pagkatao.

Oo, alam ko namang napakahalaga ng pag ibig sa bawat tao dahil ito ang nagbibigay sa atin ng kasiyahan. ito ang dahilan kung bakit may rason tayong ngumiti at ito ang nagbibigay sa malungkot nating buhay ngunit huwag naman sana nating kalimutan na bukod sa puso ay mayroon din tayong utak na kayang isaisip ang tama sa mali. maari din natin itong gamitin sa mga desisyon na ting gagawin sakali mang maranasan natin ang masawi sa kasalukuyan ang hirap lamang isipin na halos lahat ng kabataan ngayon ay sobra sobra kung magmahal kaya nararanasan nila ang sobrang pagkasawi sa huli. sana matuto tayong higit na mahalin ang ating sarili kaysa sa iba dahil sa aking palagay ito ang pinakamabisang panlaban sa sakit na maidudulot kapag kayo ay nagkahiwalay na dahil walang permanente sa mundo lahat ay nawawala at nagbabago.

hindi naman masama ang umibig lalo na’t kung para naman ito sa kasiyahan ng bawat tao ngunit sana ay alamin natin ang ating limitasyon. hindi maganda sa isang relasyon ang puro puso lang dapat gamitin din ang isip upang hindi ka ganoong masaktan at magmukhang talunan sa huli. Isa pa ay sana matuto tayong higit na mahalin ang ating sarili at bilang parte ng kabataan bakit hindi nalang nating ituon ang ating pagmamahal sa pamilya at diyos na laging nandiyaan para sa atin at hindi tayo iiwan kahit ano pa ang mangyari dahil para sa akin sa kanila natin makakamtan ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng pagmamahal.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni MeiBerKo

Buod ng Talumpati

Ang talumpating “kahalagahan ng pag-ibig” ay nagsasaad na ang pag-ibig ang isa sa mga makapangyarihan sa daigdig. Halos lahat tayo ay nakaranas ng umibig sapagkat hindi makokompleto ang ating pagkatao kapag tayo ay hindi umibig. Hindi lamang sa lalaki o babae na ating magustuhan, pati narin sa ating magulang at mga taong nakapalibot sa atin.

Ngunit hindi lamang sarap sa pakiramdam ang naidudulot ng pag-ibig, nagdudulot din ito ng sakit. Hindi masamang umibig pero mahalaga paring mas unahin nating mahalin ang ating mga sarili.

Aral ng Talumpati

Sa talumpating ito, natutunan ko na hindi masama ang umibig kung binibigyan lamang natin ito ng limitasyon at mas inuuna nating mahalin ang ating mga sarili.

Summary

Ang talumpating pinamagatang Kahalagahan Ng Pag-ibig ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpating ito ay nagsasaad na isa ang pag-ibig sa mga makapangyarihan sa mundo sapagkat hindi tayo mabubuo kung hindi tayo nagmamahal. Ang pag-ibig ay nagdudulot sa atin ng sarap sa pakiramdam ngunit may kaakibat din itong sakit at pait. Unahin nating mahalin ang ating mga sarili dahil sa huli makakamtan din natin ang tunay na pag-ibig.

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng talumpati tungkol sa pag-ibig, narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment