Disiplina Ngayong Pandemya : Talumpati Tungkol sa Pandemya

DISIPLINA NGAYONG PANDEMYA – Ang artikulong ito ay isang talumpati na pinamagatang “Disiplina Ngayong Pandemya”. Ito ay isa sa mga halimbawa ng isang maikling talumpati tungkol sa pandemya. Sa talumpating ito, sinasaad ni Kristil Medado ang pagdurusang kinakaharap ng buong mundo dahil sa Covid-19 pandemya.

Ang “Disiplina Ngayong Pandemya” ay isang talumpati tungkol sa pagkakaroon ng disiplina sa sarili at pagkakaisa upang malabanan ang pagdurusang dulot ng Covid-19 pandemya sa buong mundo.

DISIPLINA NGAYONG PANDEMYA - TALUMPATI TUNGKOL SA PANDEMYA
DISIPLINA NGAYONG PANDEMYA – TALUMPATI TUNGKOL SA PANDEMYA

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol sa Disiplina Ngayong Pandemya. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa pagsubok na karanasan sa panahon ng pandemya.

Disiplina Ngayong Pandemya : Talumpati Tungkol sa Pandemya

At ito ang talumpati na pinapamagatang “Disiplina Ngayong Pandemya.”

Disiplina ngayong Pandemya

Ang buong mundo ay nagdudurusa ngayon ng kahirapan dahil sa kinakaharap nating pandemya na dulot ng COVID-19 virus. Ang virus na ito ay nakakahawa ng kahit na sino, mapabata man, matanda, mayaman, mahirap, lahat tayo ay pwedeng makakuha ng sakit na ito. Dahil sa COVID-19 maraming mga tao ang nawalan ng buhay, nawalan ng kanilang mga trabaho, at napahiwalay sa kani-kanilang mga pamilya. Hindi natin maikakaila na, dahil sa pandemya na ito, nagbago na ang uri ng ating pamumuhay. Ito ay nangangailangan na maging manatili tayong maingat sa pang-araw-araw natin na pamumuhay. Ang bawat isa sa atin ay may kakayahang gumawa ng hakbang para mapigil ang pagkalat ng virus na ito, at maprotektahan ang ating sarili, pamilya, at ang ating komunidad sa pagkahawa ng sakit.

“Kung walang disiplina, hindi matatapos ang pandemya” Isang salawikain na dapat malaman natin lahat. Kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng tao, kaya kung hindi tayo sumunod sa mga health protocols na inilaan ng ating gobyerno, mas tataas pa ang bilang ng mga pasyente. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba. Halimbawa ng mga bagay na kailangan natin sundin lahat ay, hugasan ng madalas ang mga kamay, mag social distancing, suotin ang face mask at face shield, takpan ang iyong ubo at bahing, manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit, at kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad.

Natural lang sa atin ang maghanap ng social interaction, pero sa mga panahon na ito, kailangan nating iprayorita ang kaligtasan ng ating sarili, pamilya, at mga tao sa ating komunidad. Kung gusto nating maibalik na sa normal ang lahat, maging disiplinado tayong mamamayan. Sa simpleng pagsunod mo sa mga nakalaan na patakaran, maka katulong ka na sa pagpigil ng pagkalat ng virus. Ang pagiging isang kabataan ay mahirap kahit ano pa man, at ang sakit na coronavirus (COVID-19) ay ginagawang mas mahirap. Sa mga pagsasara sa paaralan at mga nakanselang kaganapan, maraming mga kabataan ang nawawala sa ilan sa mga pinaka malaking sandali ng kanilang kabataan na buhay – pati na rin ang pang-araw-araw na sandali tulad ng pakikipag-chat sa mga kaibigan at paglahok sa klase.

Para sa mga teenager na nakaharap sa mga pagbabago sa buhay dahil sa pagsiklab na nararamdaman ng pagkabalisa, ihiwalay at pagkabigo, alamin ito: hindi ka nag-iisa.

Talumpati tungkol sa pandemya ni Kristil Medado

Buod ng Talumpati

Ang talumpating “disiplina ngayong pandemya” ay nagsasaad tungkol sa kinakaharap ngayon na Covid-19 virus ng buong mundo. Ito ay isang sakit na nakakahawa na naging dahilan ng pagkaputol ng buhay ng karamihan, pagkawala ng trabaho, at pagkalayo sa mahal sa buhay, at maging ang uri ng ating pamumuhay ay nag-iba. Ang pariralang “kung walang disiplina hindi matatapos ang pandemya” ay isang salawikain na dapat malaman nating lahat. Sapagkat, ang Covid-19 virus ay kumakalat sa pamamagitan ng tao kaya kailangan nating idisiplina ang ating mga sarili at sumunod sa mga health protocols na inilaan ng gobyerno. Dagdag pa rito, upang maibalik ang lahat sa normal kailangan nating iprayorita ang kaligtasan ng ating sarili, pamilya, kaibigan at mga taong nakapaligid sa atin.

Aral ng Talumpati Tungkol sa Pandemya

Ang talumpati na ito ay nagsasabi sa atin na tayo ay maging maingat at magkaroon ng disiplina sa sarili sapagkat ang pandemya na ito ay nagdudulot ng kamatayan at nakakasira ng pag-aaral at buhay lalo na sa mga kabataan. Ito ay nagsasaad na tayo ay magkaisa at protektahan ang bawat isa laban sa pandemya.

Summary

Ang talumpating pinamagatang DISIPLINA NGAYONG PANDEMYA ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pandemya. Ang talumpating ito ay nagsasaad na tayo ay magkaisa at magkaroon ng disiplina sa sarili upang malabanan ang pandemya o Covid-19.

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng talumpati tungkol sa pandemya, narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng Talumpati Tungkol Sa Pandemya. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment

Your email address will not be published.