Ano Ang Uunahin: Pag-ibig O Pag-aaral? : Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

Ano Ang Uunahin: Pag-ibig O Pag-aaral? – Ang artikulong ito ay isang talumpati na pinamagatang “Ano Ang Uunahin: Pag-ibig O Pag-aaral?” Ito ay isa sa mga halimbawa ng isang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Sa talumpating ito, sinasaad ni Elaisha Recide ang kanyang karanasan sa pagpili kung pag-ibig ba o pag-aral.

Ang “Ano Ang Uunahin: Pag-ibig O Pag-aaral?” ay isang talumpati tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig.

ANO ANG UUNAHIN PAG-IBIG O PAG-AARAL - TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG
ANO ANG UUNAHIN PAG-IBIG O PAG-AARAL – TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pag-ibig.

Ano Ang Uunahin: Pag-ibig O Pag-aaral? : Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

At ito na ang halimbawa ng isang talumpati.

Ano ang Uunahin: Pag-ibig o Pag-aaral?

Malungkot, minsan masaya, tapos malungkot ulit. May problema kasi, kailangan kong mamili sa dalawang bagay na sobrang halaga sakin. Paano ko kaya malalampasan ang problema kong ito? Alam ko kasi na kailangan kong mamili lang ng isa para matuldukan na ang paghihirap kong ito. Sabi nga nila “You cant serve two masters at the same time” Ako, bata pa lang ako ay prayoridad ko na ang pag-aaral ko, sinunod ko lahat ng gusto ng magulang ko para sakin, pero nagayong ako naman nag may gusto, papayagan kaya nila ko?

Babae ako, natural hindi na bago sa akin ang salitang pag-ibig, sa ngayon ay may boyfriend ako, ang kaos nga lang ay ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Wala raw akong mararating sa buhay ang lalaking ito, wala raw akong kinabukasan sa kanya. Pero bata pa ang puso ko, mabilis magdamdam. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang dumating sa puntong kailangan ko pang mamili. pinagbawalan kasi akong lumabas at makipagkita sa kanya at kinuha na rin ang cellphone ko. Alam ko naman na kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral. Sa totoo lang, mataasa ang pangarap ko, gusto kong makapagtapos ng apat na taong kurso, makarating sa ibang bansa at makapagpundar ng negosyo. Hindi ko naman talaga sila balak suwayin, ang gusto ko lang ay inspirasyon, yung konting tamis sa buhay.

Ngayon ay mas pinili ko ang pag-aaral, gusto ko ng manahimik, sinabihan ko ang kasintahan ko na kailangan ko munang magtapos ng pag-aaral bago ang lahat-lahat.

Talumpati tungkol sa pag-ibig ni Elaisha Recide

Buod ng Talumpati

Ang talumpating ito ay nagsasaad tungkol sa dalagang naguguluhan sapagkat kailangan nitong mamili kung pag-ibig ba o pag-aaral. Hinarangan ng kanyang mga magulang ang kanyang relasyon sa lalaking kanyang minamahal. Sa huli, mas pinili niya ang pag-aaral bago ang lahat-lahat.

Aral ng Talumpati

Sa talumpating ito, natutunan ko na ang pag-ibig ay makakahintay. Mas importanting unahin natin ang ating sarili at kinabukasan.

Summary

Ang talumpating pinamagatang Ano Ang Uunahin: Pag-ibig O Pag-aaral? ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ang talumpating ito ay nagsasaad tungkol sa pagkalito ng dalaga tungkol sa pag-ibig at pag-aaral. Kailangan niyang mamili sa dalawa at sa huli, mas pinili nito ang pag-aaral.

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng talumpati tungkol sa pag-ibig, narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment