Ang Pag-ibig : Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig

Ang Pag-ibig – Ang artikulong ito ay isang talumpati na pinamagatang “Ang Pag-ibig.” Ito ay isa sa mga halimbawa ng isang maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Sa talumpating ito, sinasaad ng Estephanie May Venerayan na ang pagmamahal ay isang pakiramdam na mahirap ipahiwatig.

Ang “Ang Pag-ibig” ay isang talumpati tungkol sa ating mga karanasan sa pag-ibig.

ANG PAG-IBIG - TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG
ANG PAG-IBIG – TALUMPATI TUNGKOL SA PAG-IBIG

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mo ang nilalaman ng maikling Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng talumpati tungkol sa mga karanasan ng tao sa pagmamahal.

At ito ang halimbawa ng isang talumpati.

Ang Pag-ibig

Pag-ibig? Ano nga ba angpag-ibig? Ano nga ba ang pakiramdam ng isang taong umiibig? Ano bang dulot nito sa isang tao? Bakit ba natin ito nararamdaman? Kayo? Naranasan nyo na bang umibig?

Ang pag ibig ay isang pakiramdam na napakahirap ipahiwatig. Nararamdaman mo ito, ngunit napakahirap bigyang kahulugan. Pakiramdam na nakakapagpabago sa damdamin ng isang tao. At nagdudulot ng iba’t ibang emosyon.

Ang Isang Taong umiibig ay Madalas nakangiti, lutang Ang Isip. Wari ba’y nasa ibang daigdig! O sa madaling sabi “May sariling mundo”, Kinikilig. Pag naiisip ang iniirog lalo na pagka-kasama! Madalas Masaya, kasi nga “iN-LOVE”!

Angpag-ibig ay napakahirap ipaliwanag, na kahit ang sciencia ay hindi maibatid kung ano nga ba angpag-ibig. Kaya sigurado ako, na lahat kayo ay naka-relate sa talumpati ko!

Sa mga taong umiibig, iniibig at iibig… Angpag-ibig ay isang unibersal na pakiramdam. Lahat nakakadama, lahat nakakaranas. Kaya huwag ipagkait ang pagmamahal. Tayo’y magmahalan.

Talumpati sa pag-ibig ni Estephanie May Venerayan

Buod ng Talumpating “Ang Pag-ibig”

Ang talumpati na ito ay nagsasaad na ang pag-ibig ay isang pakiramdam na mahirap ipahiwatig. Ito ay mahirap ipaliwanag na kahit siyensya ay hindi mabatid kung ano nga ba ito. Sa taong umiibig, iniibig, at iibig, ito ay isang unibersal na pakiramdam. Lahat nakakadama at nakakaranas, kaya huwag natin itong ipagkait at tayo’y magmahalan.

Aral ng Talumpating “Ang Pag-ibig”

Sa talumpating ito, natutunan ko na kahit ano man ang maging dulot sa atin ng pagmamahal, tayo’y patuloy parin na magmahal at magmahalan.

Summary

Ito ay isang halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa pag-ibig. Ito ay nagsasaad na ang pag-ibig ay isang pakiramdam na mahirap ipahiwatig. Ito ay isang unibersal na pakiramdam. Lahat nakakadama at nakakaranas, kaya huwag natin itong ipagkait at tayo’y magmahalan.

Para Sa Iba Pang Talumpati At Filipino Lessons

Maliban sa halimbawa ng talumpati na ito, narito naman ang ilang mga aralin na maaari ninyong basahin.

INQUIRES

Maraming salamat sa pagbasa ng Talumpati Tungkol Sa Pag-ibig. Huwag kalimutang ibahagi ito sa iyong mga kaibigan. Basahin rin ang iba pa naming halimbawa at talumpati, dito lang sa ProudPinoy.ph!

We are proud Pinoy!

Leave a Comment