TALATA TUNGKOL SA WIKA – Sa araling ito inyong matutunghayan ang mga halimbawa ng maikling talata tungkol sa buwan ng wika ay nanggaling sa mga tunay na nadarama at puso ng mga sumulat.
Ang wika ang siyang nagdudugtong sa ating lahat. Ito ang instrumento upang magkaintidihan tayo. Ang wikang Filipino ay isang gintong wika at simbolo ng ating pagka-Pilipino. Mahal natin ang ating wika at pinapahalagahan natin ito. Ipinagdiriwang din natin taon-taon ang buwan ng wika upang ipagmalaki at ipakita sa buong mundo ang ating pagka-Pilipino. Sapagka’t ang wikang Filipino ay ating wikang pambansa.
Sana sa pamamagitan nitong mga talata sa buwan ng wika ay maging inspirasyon natin ito para mahalin at pahalagahan ang ating wika. Marahil ay makakarelate ka sa mga karanasan ng mga sumulat ng sanaysay tungkol sa wika.
See also: Sanaysay Tungkol Sa Wika
5 Halimbawa Ng Talata Tungkol Sa Wika
Time needed: 3 minutes.
Narito na ang mga talata tungkol sa kahalagahan at buwan ng wikang pambansa.
- Malinaw na…
- Wika Ang Daan Sa Mapayapang Lipunan
- Maikling Sanaysay Ukol Sa Wikang Opisyal At Wikang Pambansa
- Ang Halaga Ng Wika
- Genesis 11:1-9

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggang sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang nilalaman ng bawat isang maikling talata. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong halimbawa ng maikling talata sa buwan ng wika.
1. Malinaw na…
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.
Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan.
Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.
Ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang sasakyan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin, opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian bagkus ay…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Malinaw na…” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang “Malinaw na…” ni shrnmyrs ay isang halimbawa ng mga maikling talata tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang talata na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.
2. Wika Ang Daan Sa Mapayapang Lipunan
Ang wika ay isang daan upang tayo ay makapagpahayag ng ating emosyon, damdamin, saloobin, at opinion. Ito ang nagiging daan upang tayo ay makapag halubilo sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan. Kung ganun, ano naman ang connection ng wika sa isang mapayapang lipunan?
Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang kultura at/o mga institusyon.
Ito rin ay isang pangkat ng mga taong nagtutulunugan at nagkakaisa. Sa koneksyon ng lipunan sa wika, masasabi ko na ang wika ay ang naging daan upang ang mga tao sa isang lipunan ay nagkakaroon ng pagkakainitindihan sapagkat sila ay malayang nakakapagpahayag ng kanilang mga saloobin sa kanilang kapwa.
Sa pamamagitan ng mga simpleng bagay na ito ang isang mapayapang lipunan ay nakakamit sa tulong ng wika sapagkat ang wika ay ang dahilan kung bakit mayroong mabuting ugnayan ang mga tao na nakatira sa tiyak na pamayanan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Wika Ang Daan Sa Mapayapang Lipunan” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Wika Ang Daan Sa Mapayapang Lipunan ay isang halimbawa ng mga maikling talata sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang talata na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.
3. Maikling Sanaysay ukol sa Wikang Opisyal at Wikang Pambansa
Ako si Alec Cruz at isa akong Pilipino. Maaaring ang isang tao ay Pilipino ang nasyonalidad ngunit siya ay hindi nagsasalita ng kanyang pambansang wika. Maaaring ang isang Pilipino ay may alam sa kanyang wika ngunit mas malawak ang kaalaman niya sa wika ng ibang bansa.
Maaari din namang magkakaiba ang salita ng mga Pilipino kahit sila ay pare-parehong gumagamit ng Wikang Filipino. Ito ay dahil ang isang wikang pambansa ay maaaring maging malawak; ang bawat probinsya o rehiyon ay maaaring may sari-sariling dayalekto.
Ang wikang pambansa ay isang elemento ng pagkakakilanlan ng isang bansa ngunit ito ay may malapit na relasyon sa wikang opisyal. Ang wikang opisyal ay maaaring espesyal na wika o wika din ng ibang bansa na pinahihintulutan ng kontitusyon ng bansa.
Batay sa ating saligang batas, ang ating wikang opisyal ay ang Wikang Filipino at Ingles. Ang isang bansa ay maaari ding magkaroon ng higit pa sa dalawang opisyal na wika hindi tulad ng sa atin—na dalawa lang ang opisyal na wika.
Ang wika, tulad ng iba pang kultura tulad ng tradisyon at produkto, ay nagbabago din sa paglipas ng panahon. Maaaring ang wika ay mas lalong lumawak o maaaring maimpluwensiyahan pa ng ibang wika.
Naniniwala ako na ang ating wika ay unti-unting lumalawak ngunit nahahaluan ng hindi purong lengwahe. Ang ating Wikang Filipino ay may kasaysayan. Itinatag ni dating Pangulong Manuel Quezon ang Surian noong 1936 upang pag-aralan at piliin ang ating wikang pambansa.
Napili ni Jaime de Veyra ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa” (GMA News, 2009). Hinirang si Pangulong Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil siya ay nagsikap na magkaroon tayo ng sariling wika…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Maikling Sanaysay ukol sa Wikang Opisyal at Wikang Pambansa” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Maikling Sanaysay ukol sa Wikang Opisyal at Wikang Pambansa ay isang halimbawa ng mga maikling talata tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang talata na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.
4. Ang Halaga Ng Wika
Napakahalaga ng wika sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Bata, matanda, lalaki o babae, lahat ay may karapatang sibil upang maipahayag ang kani-kanilang mga saloobin. Wika ang siyang ating paraan para masabi natin kung gaano natin iniirog ang ating mga mahal sa buhay. Gamit din natin ito sa pakikipagsalamuha sa kapwa, sa kapaligiran at sa buong lipunang nasasakupan ng alta sosyedad.
Sa larangan ng musika, sining, at iba pang pagbibigay aliw sa kapwa, ang wika ang ating ginagamit na instrumento upang maipaabot ang ating mensahe para sa nakararami. Sa pagbibigay balita at impormasyon, wika rin ang ating gamit sa anumang larangan ng pang interaksyong sosyal.
Mundo man ito ng telebisyon, radyo, sosyal medya at maging ang mga pahayagan, ito ang ating natatanging lenggwahe ng pagkakaintindihan. Ang ugnayang pangkomunikasyon ay nagiging di imposible saang lugar ka man mapadpad.
Gabay natin ang wika ano mang antas at uri ng kinatatayuan mo sa buhay. Sa paaralan, tayo ay nagtatalastasan at nagpapalitan ng mga kuro-kuro gamit ang wika. Sa pagkamit ng hustisya at pagtatanggol sa karapatang pantao, wika rin ang ating armas upang ito ay ating makamtan.Sa paghikayat ng turismo, negosyo at komersiyo ito rin ang ating panghalina mapalokal man o mapadayuhan. Wika ang ating gamit para ilarawan natin ang kagandahan ng ating kapaligiran…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Ang Halaga Ng Wika” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Ang Halaga Ng Wika ay isang halimbawa ng mga maikling talata sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang talata na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.
5. Genesis 11:1-9
At ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita. At nangyari, na, sa kanilang paglalakbay sa silanganan, ay nakasumpong sila ng isang kapatagan sa lupain ng Sinar; at sila’y nanahan doon.
At nagsangusapang, Halikayo! tayo’y gumawa ng mga laryo, at ating lutuing mabuti. At inari nilang bato ang laryo at ang betun ay inaring argamasa.
At nagsipagsabi, Halikayo! Magtayo tayo ng isang bayan natin at ng isang moog, na ang taluktok niyaon ay aabot hanggang sa langit, at magtaglay tayo ng isang ngalan; baka tayo’y mangalat sa ibabaw ng buong lupa.
At bumaba ang Panginoon upang tingnan ang bayan at ang moog, na itinayo ng mga anak ng mga tao. At sinabi ng Panginoon, Narito, sila’y iisang bayan at silang lahat ay may isang wika; at ito ang kanilang pinasimulang gawin: at, ngayon nga’y walang makasasawata sa anomang kanilang balaking gawin…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Genesis 11:1-9” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Genesis 11:1-9 ay isang halimbawa ng mga maikling talata tungkol sa kahalagahan at buwan ng wika. Ang talata na ito ay para maipakita ang mga pagmamahal ng sumulat tungkol sa ating wikang pambansa.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Sanaysay Tungkol Sa Guro
- Talata Tungkol Sa Kaibigan
- Tula Tungkol sa Wikang Filipino
- Tula Tungkol Sa Pangarap
- 10 Halimbawa Ng Maikling Kwento Na May Gintong Aral
Konklusyon
Ang wika ay isang instrumento na nag-uugnay at nagpapaunawaan sa atin. Kaya ang artikulong mga Talata Tungkol Sa Wika ay siyang kapupulutan natin ng inspirasyon at aral na dapat pahalagahan at mahalin natin ang ating sariling wika.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.