TALATA TUNGKOL SA SARILI – Sa araling ito inyong matutunghayan ang mga halimbawa ng maikling talata tungkol sa sarili ay nanggaling sa mga tunay na nadarama o galing sa puso ng mga sumulat.
Ang mga maikling talata sa sarili ay nagpapakita na ang bawat tao ay may natatanging taglay na katangian. Lahat tayo ay hindi perpekto at pantay pantay sa mata ng Diyos. Iba-iba din ang pagpapalaki sa atin ng ating mga magulang na siyang naging dahilan kung bakit may mga kanya-kanyang kaugalian tayo.
Sana ang mga halimbawa ng maikling talata sa sarili ay maging daan upang mahalin natin ang ating mga sirili. Iwasan ang pagkumpara ng sarili sa iba. Nawa ay tanggapin natin kung sino tayo at mahalin muna natin ang ating sarili bago ang iba.
See also: Talumpati Tungkol Sa Sarili
6 Halimbawa Ng Maikling Talata Tungkol Sa Sarili
Time needed: 5 minutes.
Narito na ang mga halimbawa ng maikling talata tungkol sa sarili.
- Ang Aking Sarili
Talata ni JUDY ANN T. ARAÑO
- Ang Aking Sarili
Talata ni Kylla03
- Talata Tungkol Sa Sarili
- Ako Ay Isang Simpleng Tao
- Ang Pangyayaring Hindi Ko Malilimutan
- Ang Aking Sarili
Talata ni Jewel O Mislang

Ipagpatuloy lang ang pagbabasa hanggan sa dulo nang artikulong ito para makita mu ang mga nilalaman ng bawat isang talata. Nawa kayo ay masiyahan at maging inspirasyon ang mababasa ninyong mga halimbawa ng maikling talata sa sarili.
1. Ang aking Sarili (Komposisyong Deskriptib)
Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko. Dalawampung taong gulang na ako ngayon.
Ito ang aking ipinagmamalaking edad habang sinusulat ko ang akdang ito. Kung sa mukha’t mukha lang ang pagbabasehan ng aking katauhan ay palagay ko hindi naman ako pahuhuli. Ang ibig kong sabihin ay hindi naman ako panget.
Sa madaling salita ay katamtamang itsura. Medyo payat din ako, nasa 5’0 ang taas at mapusyaw ang aking balat. Itim ang buhok ko, may brown at singkit na mga mata. Isa ko pang katangian ay ang maganda kong mga ngipin.
Alagang-alaga ko ba naman. Bukod dito ‘yung labi ko naman ay tama lang at mamula mula. Hindi siya makapal at hindi rin namang gaanong kanipis. Sa pangkalahatan, ang lahat naman ay naaayon sa hubog ng aking mukha at katawan.
‘Yun nga lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais-nais at hindi lahat ay magaan na dalhin sa katawan. Kung anu ‘yon, tiyak na maisusulat ko sa pagdaan ng mga panahon.
Kung ugali naman ang pag-uusapan, marami ako nyan. Sabi ng iba mabait daw ako. Oo, tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Kung mabait ang isang tao sa’yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sa kanya.
Madami din akong kaibigan dahil ng pala-kaibigan ako. Matulungin ako sa aking mga kapatid at magulang. At higit sa lahat ay mapagmahal akong anak. Marami pa siguro akong ugali na hindi ko pa nababanggit sa akdang ito.
Siguro mababanggit ko rin yon sa ibang mga pagkakataon. Kung talent naman ang pag-uusapan, masasabi kong mayroon din naman ako. Ang pagkanta ay itinuturing kong isang talento na galling sa Diyos. Sa mga talentong pinasabog sa mundo, nasubukan ko na rin namang sumayaw lalo na kapag may kasiyahan sa aming angkan…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Ang aking Sarili (Komposisyong Deskriptib)” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang “Ang aking Sarili (Komposisyong Deskriptib)” ni Judy Ann T. Arano ay isang halimbawa ng maikling talata sa sarili. Ang talata na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
2. Ang Aking Sarili
Tulad ng ibang tao sa mundo mayroon tayong eksaktong taon, araw, buwan at mga tao na higit na nakatulong sa ating personalidad sa ating buong buhay.
Ipinagkalooban ng isang natatanging pangalan____mula sa pamilyang namuhay sa simpleng paraan. Ako ay ipinanganak sa taong__ buwan ng__ sa araw ng__, isang natatanging araw na nagbigay sa akin ng buhay at kakayahang tumayo sa tulong ng aking pamilya. Ikatlong anak nina__ at__ ,mga simpleng tao na nagpalaki sa aming magkakapatid nang puno ng pag-mamahal at pag-aaruga.
Kasama ng aking dalawa pang mga kapatid kami ay nag-aaral sa paaralang____. Ngunit dahil ako ay ikatlong ipinanganak ako ay mas huli sa taon ng pag-aaral. Nabibilang ako sa baitang __, hindi man nangunguna pagdating sa katalinuhan ngunit nangunguna naman sa mga kakayahang pang-sining.
Ako ay higit na nabibighani sa mga kulay na meron ang mga pintura kapag napahid na sa mga papel. Kung kaya’t ako ay nagsikap na kumbinsihin ang aking mga magulang upang ako ay bigyan ng permiso upang makabili ng maliliit na pintura. Maliban sa sining, aktibo rin ako sa pagsasalita ng ingles upang malinang ang aking sarili.
Naglalayon akong makapag-aral ng sining sa isang kilalang paaralan. Iyon lamang ay upang punan ang aking sariling talento ika nga ng aking guro sa sining, ang aking tunay na mithiin sa buhay ay maging isang doktor. Isang propesyong marihap matupad ngunit isang malaking karangalan para sa aming pamilya at maaring para na din sa iba…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Ang aking Sarili” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang “Ang aking Sarili” ni Kylla03 ay isang halimbawa ng maikling talata sa sarili. Ang talata na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
3. Talata tungkol sa Sarili
Ako ay si Carlo Katogbak. Nag aaral ako sa mababang paaralan sa Tabak Elementart School. Ako ay maliit at payat na pangangatawan. Mabilog ang aking mata at medyo may kaputian ang aking balat. Bunso ako sa apat na magkakapatid…
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Talata Tungkol Sa Sarili ay isang halimbawa ng maikling talata tungkol sa sarili. Ang talata na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
4. Ako Ay Isang Simpleng Tao
Ako ay isang simpleng tao. Oo, ganun ang turing ko sa sarili ko. . Medyo payat din ako, nasa 5’0 ang taas at kayumangi ang aking balat.
Itim ang buhok ko, may brown at singkit na mga mata. Isa ko pang katangian ay ang maganda kong mga ngipin. Alagang-alaga ko ba naman.
Bukod dito ‘yung labi ko naman ay tama lang at mamula mula. Hindi siya makapal at hindi rin namang gaanong kanipis. Sa pangkalahatan, ang lahat naman ay naaayon sa hubog ng aking mukha at katawan.
‘Yun nga lang, hindi lahat ay perpekto, hindi lahat ay kanais-nais at hindi lahat ay magaan na dalhin sa katawan. Kung anu ‘yon, tiyak na maisusulat ko sa pagdaan ng mga panahon.Kung ugali naman ang pag-uusapan, marami ako nyan.
Sabi ng iba mabait daw ako. Oo, tama naman sila. Mabait ako sa taong mabait sa akin. Kung mabait ang isang tao sa’yo dapat ganun ding kabaitan ang ipakita mo sa kanya. Madami din akong kaibigan dahil ng pala-kaibigan ako...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Ako Ay Isang Simpleng Tao” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Ako Ay Isang Simpleng Tao ay isang halimbawa ng maikling talata sa sarili. Ang talata na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
5. Ang Pangyayaring Hindi Ko Makakalimutan
Ano nga ba ang pangyayaring hindi ko makakalimutan Masasabi ko na isa sa hindi ko makakalimutang pangyayari ay ang aking ikapitong kaarawan dahil kumpleto ang aking pamilya.
Masayang masaya kami dahil kaunti man ang aming handa sa araw na iyon ay nairaos naman namin ito ng maayos at sama-sama. Dumating ang mga kamag-anak naming para samahan kaming idaos ang aking kaarawan...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Ang Pangyayaring Hindi Ko Makakalimutan” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang Ang Pangyayaring Hindi Ko Makakalimutan ay isang halimbawa ng maikling talata sa sarili. Ang talata na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
6. Ang Aking Sarili
Ako si Jewel o. Mislang, labing-isang taong gulang na mula sa tahimik na barangay ng Dulig, Labrador, Pangasinan. Ako ang bunso sa pitong masisigla’t mababait na anak nina G. at Gng. Anaclito P. Mislang at Josephine 0. Mislang.
Ako’y nag-aaral sa Ramon Magsaysay Integrated School sa ika-anim mahihirap ang mga takdang-aralin namin, napakita ko sa kanila na kaya kong maka-top sa aming klase...
Ipagpatuloy ang pagbabasa ng talata na “Ang Aking Sarili” sa pamamagitan pagpindot ng lang button sa ilalim.
Ang talata na pinamagatang “Ang Aking Sarili” ni Jewel O. Mislang ay isang halimbawa ng maikling talata sa sarili. Ang talata na ito ay magbibigay inspirasyon sa atin upang mahalin at tanggapin natin kung sino tayo.
Para Sa Iba Pang Filipino Lessons
- Tula Tungkol Sa Magulang
- Nang at Ng Pagkakaiba
- Example of Tanaga Poem in English and Tagalog
- Panitikan Kahulugan at Halimbawa
- Tula Tungkol Sa Ina
Konklusyon
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kaugalian at paniniwala. Kaya ang artikulong maikling Talata Tungkol Sa Sarili ay siyang magsisilbing inspirasyon natin upang tanggapin at mahalin ang ating sarili. Hindi man tayo perpekto ay pantay-pantay naman tayong nilikha at minahal ng Diyos.
Nawa ay nabigyan namin kayo ng inspirasyon sa pamamagitan nitong artikulo. Happy reading and God bless.
We are Proud Pinoy.